Chapter One

285 11 3
                                    


Chapter 1

"Zach! Ano ba? Kailangan na nating pumunta sa gang fight. Malalagot tayo kay Pinuno," ani ni Kierre saka ako binato ng unan na hawak niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ipinagpatuloy ang pagtitipa ko sa kompyuter. "Zach! Ano ba kasing ginagawa mo?" Nang maramdaman ko ang paglapit niya sa'kin ay kaagad kong tinakpan ang laptop ko saka siya hinarap. "Tara na!" lalapit pa sana siya sa laptop pero hindi ko siya hinayaan dahil kusa ko siyang hinatak at inakbayan. "Umalis na tayo."


"Ano bang ginagawa mo sa laptop mo? Nag facebook ka ba?" Tiningnan ko naman siya ng are-you-serious-look dahil sa sinabi niya. "Ay, oo nga pala! Wala ka pa lang facebook tsk." Natawa naman ako. Ang lalaking ito ay hindi pa nasasanay sa kung anong wala sa akin.


Palibhasa... tago ang pagkatao ko.


Pagkarating namin sa isang abandonadong gusali bumungad sa amin si Tiger. Nakasandal sa kanyang sasakyan at naninigarilyo. "Sa'n si Pinuno?"


"Nanliligaw pa, e."


"Ah, na kay Shermaine na naman?" tanong ko at tinanguan naman ako ni Tiger. "Hindi ko talaga magets kung bakit kailangang gawin 'yon ni Pinuno. Masasaktan lang siya." dagdag pa nito saka niya tinapon ang sigarilyo. "Tara na, pumasok na tayo sa loob parating na rin si Pinuno," pagyaya ko na sinunod naman nila.


MAG-IISANG oras nang wala ang pinuno namin. Kaya, maraming pambabatikos ngayon ang natatanggap namin na kesyo duwag daw kami at iniwanan sa ere ng mismong namumuno sa amin. Kahit nangangati na ang kamao kong patumbahin ang bawat isa sa kanila ay nagtimpi ako. Hindi ako puwedeng manguna sa laban kung wala ang namumuno sa amin. Kaso, wala pa siya. Siguradong nasa babae na naman niya.


"Snake, wala pa ba si Dragon? Madidisqualified kayo," ani ni Mata, pinuno ng Parte Gang na kung saan ay natalo namin sa loob ng tatlong minuto dahilan para maging kaibigan namin sila. "Wala pa, e."



"E, si Predator?"


"Tsk. Asa ka namang darating 'yon? Matagal nang hindi sumisipot sa laban 'yon." Nainis ako sa sinabi ni Tiger na nasa kaliwa ko. "Palibhasa may girlfriend. Gano'n ba talaga kapag nagkakanobya? Nawawalan na ng oras sa'tin? Tsk... tsk... susunod na rin ba ro'n si Pinuno?" si Lion at umakbay pa kay Mata.


Marami pa silang sinasabi pero hindi ko na sila pinansin saka napapikit na lamang.


What if boy meets girl then they died together? Aish! Ang cliché na ng story. Napadilat muli ako ng mata at nagkonsentrasyon. What if 'yong boy ay never pang naiinlove? He is a numb prince, he's a cold hearted gangster then he fell inlove with an importunate woman? Then 'yong girl ay may sakit pala, may malubhang sakit tapos walang gamot ang nadidiscover pa ro'n? Tapos si Boy ay nakipagbreak at pinalabas niyang may iba na siyang mahal pero ang totoo ay nakipagbreak siya for a reason. Pumunta siyang ibang bansa dahil gusto niyang makapag-aral do'n ng medisina and he wants to cure the illness of her love.


"Puwede..." napangiti ako at kinuha ang selpon saka nagtipa. "Kanina laptop, ngayon selpon naman? Ano bang ginagawa mo at palagi kang busy?" si Lion at sumisilip-silip pa sa tinitipa ko.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon