Chapter Eight

95 2 0
                                    


Chapter 08


-Kinabukasan-


ZACHARY


Nagising ako sa matirik na sinag ng araw. Hindi ko pala naisara ang kurtina ng bintana kaya tumatagos ngayon sa glass window ko ang sinag ng araw. Bumangon na 'ko at ginawa ang mga morning rituals ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay napagdesisyunan kong pumunta na sa kitchen para makapagluto.


Napakunot-noo naman ako nang maamoy ko ang pamilyar na putahe. Ginataan marahil ang niluluto. Teka, may nagluluto? Mabilis ako'ng humakbang patungong kitchen saka napahinto nang makita kong si Rylie, nakaharap sa kalan at may hawak na sandok. Nakatalikod kasi siya sa akin at nakita kong hinahalo niya ang isang katamtamang laki ng kaserola. Napasandal naman ako sa bar counter at napacross arm habang pinagmamasdan siyang tinitikman ang kaniyang niluto. Hindi niya pa ako mapansin-pansin dahil busy siya sa kaniyang nilukuto at nakatalikod kasi siya sa akin. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansin kong pinatay niya na ang kalan. Tapos na siguro siyang magluto. 

"Puwede na bang kumain?" paninimula ko. Napansin ko naman ang pagkagulat niya saka napaturo sa akin. Natawa ako sa reaksyon niya. "Ano ba naman 'yan, Philip! Nakakagulat ka." Nagkibit-balikat lang ako saka lumapit sa lamesa at umupo. Siya naman ay kumukuha na ng ginataan at sinasandukan ako.

 "Masarap ba 'yan?" tanong ko at nginisihan siya. Siya naman ay napairap at pabagsak na nilapag sa harap ko ang mangkok na may laman ng ginataang bilo-bilo. Nakakatakam ang amoy. "Edi, tikman mo!" hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya saka sinimulan ang paggalaw sa pagkaing nasa harapan ko. Napangiti naman ako nang masarap ang luto ni Rylie. Talagang pinaghirapan niya 'to. Hindi naman kasi madali magluto ng ginataan, maaring masobrahan ang tamis pero kay Rylie, tama lang. 

"Yow! May naaamoy ako'ng masarap! Pahingi!" rinig kong sigaw ni Josiah pagkapasok niya sa kitchen. Napansin ko naman si Rylie na nagulat sa pagpasok ni Josiah kaya napatikhim ako. "Rylie, ang tabang," wika ko. Napansin ko naman ang pagngiwi ni Rylie at nabigla ako nang kunin niya ang kutsarang ginamit ko at tinikman ang ginataan na nasa mangkok ko. "Hindi naman, ah. Tama lang naman!" Napatitig pa ako sa kaniya dahil hindi ba siya aware sa ginawa niya? Pinangkain niya lang naman 'yong kutsarang ginamit ko! 

"Pero kung nakukulangan ka pa rito sa tamis, Philip, sige dadagdagan ko." Kukunin niya pa sana 'yong mangkok na pinagkakainan ko na may lamang ginataan nang matigilan siya. "Rylie, tama lang naman 'yong tamis..." si Josiah at sunod-sunod ang lamutak sa ginataang kinakain niya. 

"Ah kasi..."


"Promise, Ry. Tama lang naman..." bumaling naman ng tingin sa akin si Josiah saka nagtaka. "Bro, diba ayaw mo nang matatamis?" napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Josiah. Yeah, ayoko nga nang matamis. I admit na tama lang talaga ang tamis na ginawa ni Rylie. Pero ugh! Ano ba 'tong sinabi kong matabang? "Tsk. Yeah... just... just forget what I said, Ry."

 Pagkasabi ko naman nito ay inabot ko kay Rylie ang kamay ko. Nagtaka pa siya kung bakit ko inaabot sa kaniya ang kamay ko pero napagtanto rin niya siguro kung bakit. Napansin ko ang pamumula niya ng mukha saka niya inabot sa akin ang kutsarang ginamit niya. 

"So-sorry..." tumango na lamang ako sa kaniya at nagsimula na ulit kumain. Ilang saglit pa ay nakarinig na muli ako ng mga yabag ng paa na papunta sa kitchen, gising na pala ang iba, sina Kierre, Philip at Andrei.


MAGKAKATAPAT kami ngayon sa round table. Matapos naming mag-almusal ay tumungo kami sa study room namin. Pagpaplanuhan daw namin ang gagawing aksyon para mapugsa ang mastermind sa pagkamatay ng apatnapu't apat na sundalo at pulis. Katabi ko si Rylie at kaharap naman namin sina Josiah at Kierre, si Philip naman ay nasa gawing kaliwa ko at sa kanan naman niya ay si Andrei. Ilang minuto pang katahimikan nang magsimula na si Andrei, binigyan niya kami ng tig iisang envelope.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon