Chapter Nine

109 5 2
                                    



Chapter 09


RYLIE


NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makaramdam ako na may gumagalaw sa buhok ko. Halos sumigaw pa ako sa bumungad sa akin.


"Shit. Mukha ko lang pala."


Napailing naman ako'ng umiwas ng tingin dahil sa salamin na nasa harapan ko. Talagang nakakagulat lang dahil mukha mo agad ang makikita mo sa paggising mo.


Napa-aray naman ako sa paghila ng isang babae sa buhok ko. Hindi ko man lang namalayan na may nasa likod ko na pala at kung anu-ano nang ginagawa sa buhok ko. Nagtaka pa ako dahil bakit nila ako inaayusan? Nag-isip pa ako kung nagpunta ba ako sa salon at nakatulog lang? Weird. Nagdrive ako ng tulog ang diwa? Okay, corny.


Nawala ang pag-iisip ko patungkol sa pagpunta ko rito nang makilala ko ang bagong pumasok sa salon. Si Miss Joan, ang owner ng Republikang Manunulat. Tumabi pa ito sa akin saka nginitian ako. Nailang naman ako sa klase ng pagtitig niya na parang sinusuri ako.


"You're lucky... "


"Po?"


"Good luck to your one night date with Mr. Anonymous." Halos manlaki ang mata ko sa narinig. Tinuro ko pa ang sarili na kung tama ba ang narinig. Napaisip pa ako. Date? Shit. Bakit ko nga pala nakalimutan na ito ang gabing 'yon?


"You don't remember?" tumango naman ako. "Hmmm... you passed out a while ago. And he was so damn worried about you." Sa sinabing ito ni Miss Joan ay inalala ko ang lahat. Ang pangyayari bago ako hinimatay. At naalala kong niligtas ako ng may asul na mata sa kaniyang mga fans. "Zachary... niligtas ako ni Zachary."


HINDI ko akalain na sa buong buhay ko ay makakapag-ayos ako na tila isang prinsesa, isang babae na kahit magsuot ng mga girly stuff ay walang magagalit, isang babae na malayang makapagsuot ng mga ganitong damit. Ang saya lang sa pakiramdam dahil kahit na iika-ika ako sa 6 inch golden stiletto heels, may suot na black bodycon dress at may choker heart shape design, ay masasabi kong komportable ako dahil sa wakas, naipakita ko sa mga tao na nakapagsuot ako nito.


Mula noong bata pa lamang ako. Mahilig ako sa mga Barbies. May mga lutu-lutuan din ako saka maraming damit na bestida. Pero no'ng nawala ang nakakatanda kong kapatid, ang palaging kasama ni Gen. Buenaventura, ang susunod sana sa yapak niya, ay biglang nabaling ang lahat sa akin. No choices to say 'No' but to accept it. Umasta ako'ng isang tunay na lalaki kahit labag sa loob ko, tinanggap kong magsuot ng mga pantalon at iniwasang magsuot ng shorts, dress at iba pang pambabae. Though, minsan ay tago pa kung magsuot ako nito. Iniwasan ko ring ilugay ang buhok ko, iniwasan ko ring makitaan ng balat sa bawat isusuot ko. Basta kung ano ang kilos lalaki ay ginagawa ko na. Maipakita lang kay General Buenaventura na maisunod saa yapak niya.


Wala naman ako'ng pinagsisihan dito. Sa mga pinagdaanan ko, marami ako'ng natutunan. Ang matutunan kung paano ko makukuha ang loob ng aking Ama upang siya'y maging proud sa akin. Nawala ang malalim kong pag-iisip nang makatapak na ako sa paroroonan kong lugar na paggaganapan ng date namin ni Mr. Anonymous, ni Zachary. Napahinga ako nang malalim at napalunok. Nilibot ko ang paningin. Napansin ko ang pagtugtog ng isang grupo na may mga hawak na iba't-ibang instrumento katulad ng violin, gitara saka piano. Napansin ko rin ang mga ilaw na nagsisikintaban sa buong lugar, ang mga bulaklak na may iba't-ibang kulay, ang isang candle light dinner sa gitna at ang mas napamangha ako sa biglang pagbukas ng mga kandila sa harapan ko. Mga kandilang papunta sa mismong table na pagkakainan namin. Nabigla rin ako sa mga umuulang rose petals sa akin. Muntik pa nga ako'ng matalisod at mabuti na lang ay may sumalo sa akin. Pagkakita ko, si Mr. Anonymous. Kaya pala hindi ko siya nakita rito no'ng nilibot ko ang tingin ko dahil siguro ay nasa likod ko siya.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon