Chapter Three

91 3 0
                                    

Chapter 3


ALAM kong napaka-ignorante ko pagdating sa social media. Ginawan ako ng twitter, facebook, email at Instagram. Pero s'yempre, ang litratong naroon sa bawat profile pictures ko ay halos mascara at ni hibla ng buhok o balat ko ay hindi maipapakita. Wala naman ako'ng pakialam sa mga ito, actually mayro'n pala ako'ng ganito sa loob ng anim na taon pero sila lamang ang gumagamit at nagbibigay ng update patungkol kay Mr. Anonymous. "Are you ready?" Napabalik ako sa huwesiyo nang magsalita si Joan na nasa tabi ko na pala. "Yeah..."


Papunta kami ngayon sa Sm North Edsa. Simula raw na nag-post ang Republikang Manunulat patungkol sa magaganap na book signing ko, halos nasa milyon raw ang nagnanais na makita at makapirma ako ng mga libro na mayro'n sila. Iba't-ibang bansa pala ang nagnanais na magkaroon ako ng book signing at maraming humihiling sa kanila kung kailan ako magpapa-meetups. At ngayon, heto na talaga, ang unang pagkakataon na magpapakita sa publiko si Mr. Anonymous.


"We're here..." ani ni Joan saka naunang lumabas sa sasakyan. Inayos ko naman ang suot kong mascara saka inayos ang suot kong v-neck black shirt na may tatak na Mr. Anonymous at sa pambaba ko ay white fitted pants at black sneekers. Nang makababa ako ng sasakyan, bumungad kaagad sa akin ang hiyawan. Partida nasa labas pa lang naman kami at wala pa kami sa loob ng pangyayarihan ng event.


"Omyghad! Mr. Anonymous!"

"Kayaaa! Ang tangkad niya at ang puti!"

"Waaah! Ang misteryoso niya pa rin. May mascara siya!"

"Kayaaa! Halatang ang guwapo niya!"


"I told you Mr. Anonymous hahaha maraming nag-aabang sa'yo kahit sa labas," si Joan saka sinabayan ako sa paglalakad. "And it's really annoying, you know? Tsk," sagot ko sa kaniya na ikinatawa lamang niya.



HALOS malula ako sa dami ng tao na narito. Mayro'n pa nga ako'ng nakikita sa third, fourth at fifth floor na mga kumakaway at sinisigaw ang pen name ko. May mga nagsisiksikan at may mga kumakaway-kaway pa sa akin dala ang kani-kanilang mga libro. Heto ako at nakaupo sa pinakagitna, may nakatapat sa aking pulang lamesa at may mga nakapatong na mga libro na mga akda ko. "For 6 years na nasa puder namin si Mr. Anonymous ay napakasuwerte namin. Hindi dahil siya si Mr. Anonymous ang pinakasikat na writer sa bansa, pati na International, kundi suwerte kami dahil kami ang pinili niyang publishing para pagkatiwalaan niya ng mga akda niya. Maraming sikat na publishing house na nagbibigay ng contract at mas malaking sahod para sa kaniya ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi niya pinapansin. Kaya, Mr. Anonymous... we are so very thankful that we have you," tumango lang ako sa pinagsasabi ni Joan at pinagpatuloy pa niya ang mga sinasabi niya.


Habang nagsasalita si Joan sa kung ano-anong mga isinulat ko, mga naghahangad na makita ako at mga FANS ko sa iba't-ibang bansa, napadako naman ang tingin ko sa isang babae na medyo malapit sa akin. Nakaupo siya sa pinakaunahan at panay ang picture niya sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay bigla niyang binaba ang camera niya saka kumaway. Ginantihan ko naman siya ng kaway na lalong nagpahiyaw sa kaniya. Napailing ako.


Nakilala ko kasi ang babae.


Siya 'yong babaeng pulis. Siya ang dahilan kung bakit ako nag-overnight sa bilangguan.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon