Chapter Six

87 3 6
                                    



Chapter 06


ZACHARY



Katulad ng nasa plano ni Tay Alfonso, ginawa namin iyon. Ngayon naman ay naghahanda kami sa paparating na mga kasamahan ko. Ang napagkasunduan na susundo sa amin ay si Philip at Kierre. "Hindi ba natin babalikan 'yong mga gamit natin sa kampo? Naroon kasi ang mga dokumento ko, eh." Napalingon ako kay Rylie nang sabihin niya ito. Nakita ko siyang nag-aayos ng mga damit namin. "We will going back to the camp sa pagdating ng mga kaibigan ko." Napatango naman ito saka nagpatuloy sa pag-aayos.


Tiningnan ko naman ang wristwatch ko. It's time na pala para sa plano.


Ang plano na kung saan... gagawin namin ang nasa gusto ng mastermind. Ang mapatay kami. Pero, ipapalabas lang namin na nagtagumpay siya.


"Philip! Nariyan na ang mga kaibigan mo!" narinig ko ang tawag ni Nay Slyvia. Narinig din naman iyon ni Rylie kaya napangiti siya sa akin. "Let's go, Ry. Aldrei will handle our time. Kailangang eksakto ang oras sa bawat gagawin nating kilos."


"O-oo..." Napansin ko ang pagkailang ni Ry pero hindi ko na ito binigyang pansin ulit dahil may hinahabol kaming oras.



KASAMA namin ngayon sina Tay Alfonso, Nay Sylvia, Kierre, Philip at 'yong isang armado na si Willy, papunta sa kampong tinakasan namin. Halos mabuwal naman si Rylie sa mga nakikita niya. Kusa ko na rin siyang nilapit sa tabi ko at tinakpan ang kaniyang mata. "Don't look at them... just stay with me and you'll be fine."


"Sa-salamat... Phil." Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Kierre at ni Philip. Mga loko talaga, ngising-ngisi sila. "I have a pills, to my kilig~ ugh! Philip the moves~ I have a pills, to my kilig~ ugh! Philip the moves~ I have a pills, to my kilig~ ugh! Phi—


"Shut up, Kierre!" Nahinto naman sa pang-aasar si Kierre at umaktong tinitikom ang kaniyang bibig. Napapigil naman sa pagtawa si Philip saka nagtaas ng dalawang kamay nang makita ako'ng masama ang tingin sa kaniya. "Easy... PHILIP. Easy!" napailing na lang ako sa kaniya. In-emphasize pa niya ang gamit kong pangalan na sa kaniya naman talaga. "Philip? Ano'ng nangyayari?"


"Wala."

"Okay!"



INUTUSAN ko sina Kierre at Philip na kunin sa itim na tent ko ang mga gamit na naiwan ko ro'n at ang gamit din ni Rylie. Hindi naman kami makapunta ro'n dahil hawak ko si Rylie, nakatakip ang kamay ko sa mata niya. At kung maglakad kami, kargo ko pa siya, baka hindi niya makayanang makapaglakad ng maayos dahil sa mga bangkay na nagkalat.


Halos apatnapu't apat ang patay rito sa kampo. Hindi naman ako katulad ni Rylie na nasusuka dahil sanay naman na ako rito, mas matindi pa nga ang naranasan ko.


Nagkalat ang mga dugo sa paligid. May mga lamang loob din ang nagkalat at nagkalasog-lasog na talagang pinanggigilang patayin nang paulit-ulit. May mga iba't-ibang parte pa nga ng katawan ang nagkalat at nagkakahiwa-hiwalay sa mga may ari nito. May mga pinugutan ng ulo. May mga isinabit sa puno. May mga hinati ang katawan.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon