Chapter Four

97 4 2
                                    


Chapter 04


ZACHARY



ISANG linggo na ang lumipas nang matapos ang naganap na book signing ko sa iba't-ibang lugar sa Metro Manila. Ito na yata ang masasabi kong pahinga. Parang artista naman yata ang trato sa akin. Kabila-kabila ang book signing, meetups, conference at iba pa.


Nagtanong nga ako kay Joan no'n kung bakit parang espesyal ang trato sa akin pero ang lagi lang niyang sinasabi, "Ikaw kasi si Mr. Anonymous! Ang misteryosong writer ng bansa!" at naulit-ulit pa.


Ngayon ay nasa gang fight kami ng The Extinction. Isang linggo rin pala ako'ng hindi nakadalo sa mga laban namin kaya halos kulitin na ako ng apat sa kakatanong kung ano raw ba nangyayari sa akin. Wala naman silang mahanap na sagot dahil nagsasayang lang sila ng laway.


Hinihintay namin ngayon si Predator. Siya na naman ang wala ngayon at panigurado naman ay nasa galaan iyon o baka natutulog kung saan. "Is he coming?" si Lion at napalibot na rin ng tingin para hanapin ang bakas man lang ni Predator. Napatingin pa ito sa akin ngunit nagkibit-balikat lamang ako at inayos ang aking suot na maskara. "As always! Nakakainis na 'yong lokong 'yon. 'Pag ako nagkapasa makakatikim sa akin 'yon!"


"Bakit? Hahayaan mo bang magkapasa ka?" sagot ko sa kaniya at napangisi pa ito. "Hindi mangyayari 'yon. Never."


"Tsk." Tiningnan ko ang gawi ng makakalaban namin. Sila ang pumapangalawa sa malalakas. At ang sabi-sabi, makamandag ang kanilang panlaban dahil kakaibang lason ang mga armas na dala-dala nila. "Get ready. We're going to fight with or without Predator, understand?" ani ni Dragon at nanguna sa paglalakad papunta sa puwesto ng The Extinction. Napatango naman kami sa kaniya kahit na hindi na niya nakikita ang pagtango namin.


TUMUNOG na ng tatlong beses ang bell. Hudyat na magsisimula na ang laban. Nag-unat pa ako ng aking kamay at ulo saka tinitigan isa-isa ang mga makakalaban namin. Napansin ko pa ang pagngisi ng katapat ko saka niya pinakita ang hawak niyang armas, ang Whips and Lassos. Napailing ako sa nakita. Hindi ko maitatangging maging kalmado sa nakikita ko. Napansin ko kasing hindi niya gamay ang paghawak sa kaniyang armas. At nasisiguro ko, hindi niya rin gaanong gamay ang paggamit nito.


"In a count of five...

5...

4...

3...

2...

1...

BLOOD!"


Nakatayo lamang ako at hindi sumugod katulad sa ginawa nila Lion at Tiger papunta sa mga makakalaban nila. Apat lang kami ngayon at wala si Predator at ang kalaban namin ay nasa sampu. So, ang ibig sabihin mayro'ng tatlo ang makakalaban ng isa sa amin. Si Dragon ay nakita kong tatlo na ang kinakalaban niya at sabay-sabay ang mga ito'ng umaatake sa kaniya. Si Lion at Tiger ay magkatalikod at sabay na nakikipaglaban sa apat na umaatake sa kanila na nakapabilog na ayos. Napacross-arm pa ako at tamad na tiningnan ang tatlong kalaban na patungo sa puwesto ko. Mayro'n silang kaniya-kaniyang armas. Ang isa ay ang katapat ko kanina at ang dalawa ay may hawak na Spears and Halberds at Claws.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon