Chapter Two

137 5 2
                                    


Chapter 2


Narito ako ngayon sa aking kuwarto. Nakatapat sa aking laptop at tinititigan ang blankong pahina. No'ng wala ako'ng maisip na itipa sa bagong kabanata na aking sinusulat ay nagpahangin muna ako sa balkonahe saka nanigarilyo. Napatingin ako sa malayo at sa hindi ko malamang dahilan, naalala ko ang eksena kanina.


"Ano ba naman 'yan, Mister Clumsy! Alam mo bang bawat libro ni Mr. Anonymous dito ay iniingatan?! Nakakainis. Paano kung mapunit 'yan at mawala ang ilang pahina? Baka masisi pa si Mr. Anonymous dahil iisipin ng ibang readers niya na wala ang ibang scenes!"


"Kung fanatic ka rin ni Mr. Anonymous, dapat alam mo kung paano alagaan ang mga librong 'to hindi 'yong nalalaglag lang!"


Then, pinulot nito ang apat na librong nalaglag sa sahig.


"Papalagpasin ko ito, Mr. Clumsy. Sa susunod na hindi mo alagaan ang mga akda ni Mr. Anonymous, masasapak na kita"


"That girl is really something... ako pa talaga ang sinabihan niyang alagaan ko ang mga akda ni Mr. Anoynmous, na alagaan ko ang mga akda ko?" Napailing naman ako at the same time, napangiti rin. Gano'n ba talaga kapag nagugustuhan ng mga readers mo ang mga sinusulat mo? Amazing.


Napahinga ako nang malalim saka napatingin sa kalangitan. Walang bituin. Malamang sa malamang ay uulan na naman. Mas nakakapanabik magsulat kapag umuulan. Nakikisabay sa akin ang panahon. Ilang oras pa ako'ng nakatingin sa kalangitan nang dumating na nga ang malakas na ulan kaya tumungo na ako papunta sa tapat ng kompyuter saka nagtipa.


Papalubog na ang araw ngunit naghihintay pa rin si Wilson sa pagdating ng kasintahan. Nakatayo siya sa tapat ng dalampasigan habang tinatanaw ang mga ibon sa kalangitan na mga naghahabulan. Napangiti siya. Naisip niyang katulad ng mga ibon na iyon, kaya niyang habulin ang kasintahan saan man magpunta.


"Wilson?"


Napalingon si Wilson sa pinanggalingan ng boses. Makikita ang galak ng kanyang mga mata nang makita ang hinihintay niya kanina pa. "Wynona!" tawag niya rito saka inalalayan ang dalagang maupo sa hinanda niyang sapin.


Marami pa silang pinagkuwentuhan ni Wynona. Makikita sa mga labi nila ang kasiyahan at pagmamahal sa isa't-isa. Bigla namang natahimik si Wynona saka tinitigan si Wilson na hinahanda ang kakainin nito'ng ensaymada. Napansin naman ni Wilson ang pagtitig sa kanya ng kasintahan kaya napalingon siya rito.


"Oh, Mahal... alam kong guwapo ako. Huwag mo na ako'ng titigan ng ganyan. Baka mas lalo ako'ng ma-inlove sa'yo, e." Nakangiting turan ng lalaki saka nag-abot ng tinapay sa babae. Hindi naman ito pinansin ng babae dahil hinawi niya lang ang tinapay at hinayaang matapon sa damuhan. Nagtataka naman ang lalaki sa inasal ng babae.


"Mahal? May problema ba?" imbes na sagutin siya ng babae ay iba ginawa nito. Dinambaan siya ng yakap nito nang mahigpit. "Mahal..."


"Huwag natin ito'ng itigil, Wilson. Gusto ko ang momentong nangyayari sa'tin ngayon," bakas sa boses ng babae ang lungkot kaya't hinagod naman ng lalaki ang buhok nito saka nagbitaw ng mga salitang nagpahagulgol sa babae.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon