Chapter Ten

160 4 2
                                    


Chapter 10


RYLIE



Tiningnan ko ang sarili ko sa katapat kong human size mirror. Nakasuot ako ng half mask na kulay violet. Nakablack fitted jeans din ako at black sando bra, at nakablack boots. Kinuha ko naman ang leather jacket saka isinuot. Nakapusod din ang buhok ko. Nahihiya man sa pinasuot sa akin ng limang lalaki ay wala ako'ng magawa. Kailangan daw ganito para flexible gumalaw. Marami pa naman kaming gagawing hakbang upang makorner namin si General Walleys at mailigtas si Daddy.

Napahinga ako nang malalim. Hindi ko akalain na hahantong dito ang away nilang dalawa dahil lang sa hindi pagkakaunawaan. Kailangan na ito'ng matapos. At sa sinimulan ni General Walleys, hindi ko hahayaang siya mismo ang tumapos. Uunahan ko na siya.

"Are you ready?" Napatingin ako sa taong nakasandal sa may pader at hinihintay ako. Si Kuya Zachary. Hay, hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Kuya. Ewan ko, hindi ko tanggap. At iyan ang totoo. "Sana may himala..." bulong ko sa sarili at inayos ang leather jacket ko.

"What did you just said? Himala?" Napahinto ako sa pag-aayos saka napasulyap sa kaniya.a narinig pa niya iyon? "Ha? Ano'ng himala?"

"Tsk. Faster. Our time is limited." Tumango naman ako sa sinabi niya saka humarap na sa kaniya. Nauna naman siyang maglakad at kasunod ako.

Pagkababa namin ay naabutan namin si Kierre na may in-assemble na mga rifles. Ang galing. Ang bilis niyang inaayos ang mga ito at tila walang pakialam kung may makakita man sa kaniya. Nawala lang ang atensyon ko sa ginagawa ni Kierre nang hawakan ni Zachary ang kamay ko.

"Say my name, Rylie. Say my name..." napailing ako sa sinabi niya. Kung hindi ko pa alam o hindi kami totoong magkapatid ay siguro paulit-ulit ko pa 'tong sasabihin sa kaniya. Pero iba na ngayon, we are the same blood.

"I said, say my name..." pinaharap pa niya ako sa kaniya. "Say my name, Rylie. Because when I see you looking at the other guy, My jealousy is killing me." Muntik na ako'ng mapahagalpak ng tawa sa sinabi niya. Tinulak ko nga nang magising. "Stop it, Zach. Or should I say... KUYA, right?" napasinghap naman siya sa sinabi ko saka napahawak sa kaniyang baywang na may malalim na paghinga.

"Please remember that I need to kill him." Him? Si General Walleys? "Ako ang gagawa no'n sa kaniya." Napataas naman siya ng kilay saka napangisi. "Nope. Not the person on your mind... its your blood, anyway."

Mas lalo ako'ng nagtaka sa sinabi niya. Papatayin niya si Dad? "What?"

"Tsk. Slow! Let's go." Nagkibit-balikat na lamang ako saka sumunod sa kaniya. Hindi man lang namin namalayan si Kierre na lumabas na ng penthouse.

KATAHIMIKAN ang bumungad sa amin nang makarating kami sa pagkikitaan nila General Walleys at ni General Buenaventura. Hindi naman kami mahahalata ng mga nakabantay sa may labas dahil bukod sa nagpark si Josiah ng sasakyan, ilang metro ang layo rito, ay mga nakablack kami at smooth gumalaw. Parang assassins ang aming get up ngayon.

"Follow me, Ry." Bulong sa akin ni Zach saka hinawakan ang kamay ko upang mapalapit sa kaniya. Nagtanguan naman sina Andrei at Josiah at parehas silang kumaliwa ng daan. Si Philip naman ay sa may gitna dumaan, patago-tago siya sa mga boxes.

Actually, hindi ito masasabing warehouse. Kumbaga, parang factory ito. Hindi rin naman kalumaan ang lugar at masasabi kong nagagamitan pa ito. May nakita rin ako'ng lugar na kung saan ay packaging ang maiisip na ginagawa roon. Masasabi kong isa ito'ng factoy ng de lata.

Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon