HHB (20)

3.7K 228 26
                                    

- Glaiza -

At dahil wala akong sasakyan, napilitan akong manghiram sa mga kasama ko ang good thing, nag magandang loob si Rocco.

I didn't expect na tatalikuran ako ni Rhian, ang buong akala ko ay papakinggan nya ako. I was surprised too when I saw her cry. Ganon na ba nya katagal kaming nakita ni Kylie?

But still, dapat ay pinakinggan nya muna ako.

I try to call her a hundred times pero hindi nya ako sinasagot, and later on, naka switched off na ang telepono nya.

Unang pumasok sa isip ko ay umuwi ito so I head to her apartment... But she's not there...

"C'mon... Nasaan ka Rhian?"

I was driving all night just to find her, lahat nang lugar na alam kong pwede nyang puntahan ay pinuntahan ko na...

Sa paborito naming tambayan malapit sa bay, sa iba pang bar na pinupuntahan namin pero wala sya don...sa isang rooftop na madalas naming pinupuntahan kapag may problema o gusto naming mapag isa pero wala din.

Tinawagan ko na din ang mga ilan sa kaibigan namin at nagbakasakaling pumunta ito doon pero wala talaga...

New York Central Park.

Tama... Doon madalas si Rhian pumupunta kapag gusto din nya mapag isa.

Pero paano ko sya mahahanap sa laki ng lugar na iyon? Bahala na...

"Rhian, nasaan ka na ba???" Paulit ulit kong sambit sa sarili ko...

Muli, sinubukan ko syang tawagan.

"Hi, this is Rhian, please leave a message..." Voicemail lang din ang paulit ulit kong naririnig...

"Kung nasan ka man Lab, I hope maisip mo na bigyan ako ng konting sandali para magpaliwanag..."

...

- Rhian -

I have nowhere to go...

Gustuhin ko mang pumunta sa mga lugar na nakakasanayan kong paglabasan ng sama nang loob, pero hindi ko ginawa dahil alam din iyon ni Glaiza at ayokong matunton nya ako ngayon.

Gusto kong mapag isa.

Habang nagdadrive ako, panay ang punas nang magkabilang kamay sa mga mata ko dahil para itong falls na hindi tumitigil ang agos.

Hindi ko talaga inaasahan ang sandaling ito. Parang ang bilis... Kelan lang ay napakasaya namin na parang kami ang may ari ng mundo, tapos ngayon... Heto ako, luhaan at nasasaktan.

"Bakit mo ginawa sakin to Glaiza?!" Paggagalaiti ko habang panay ang hampas ko sa manebela

Hindi nman ito ang unang beses na nagselos ako at mas lalong hindi ito ang unang beses na nasaktan ako... Akala ko, wala nang mas sasakit pa sa ginawa sakin ni Jason pero kanina, habang nakita kong magkayakap sina Glaiza at Kylie, pakiramdam ko ay sabay sabay na binabali ang buto ko sa rib cage...

Hindi ko inasahan na masasaktan na nya ako ng ganito ka aga...

Kanina pa ako ikot ng ikot sa kahabaan ng daan, hindi ko naman mawari kung saan ba ako papatungo.

Nang tignan ko ang oras, mag aalas tres na nang madaling araw.

Naalala ko ang kinakailangan kong gawin sa araw na ito... Kahit pa ganito ang sitwasyon ko, kailangan kong pumasok sa trabaho dahil may hearing mamaya si DA.

Hard Habit to Break #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon