HHB (42)

5.7K 251 39
                                    

- Glaiza -

There is no royal road to happy ending. Timing is essential and if it really meant to be, it will happen.

Ika nga ng kanta; Palayain ang isat-isa, kung tayo, tayo talaga.

"Guys, tutal andito naman tayong lahat, gusto kong magpasalamat sa inyo... Nay, Tay... Tita Lay, Tito Gareth..."

"Iha, it's Mom and Dad." Pagtatama ni Tito sa akin

Mejo nahiya pa ako dahil nasanay ako sa pagtawag sa kanila na tito at tita but I try to be use to it.

"M-Mom... D-Dad... Ayon, you are so amazing! Masaya ako na ni minsan ay hindi nyo hinusgahan ang pag ibig na meron kami ni Rhian para sa isat-isa... Nagpapasalamat ako sa pagtanggap at suporta nyo sa amin... Syempre to Nads and my sibs too... Thank you for being with us throughout this roller coaster ride of our lives and to the new beginning that we're about to step in. Salamat sa basbas at pagmamahal and I will be forever grateful na kayo ang naging pamilya namin coz hindi nyo pinadama sa amin kahit katiting na may hindi tama sa pag-ibig na meron kami, sa halip ay hands on pa kayo sa mga kakailanganin namin ni Rhian para sa pinakaimportanteng araw sa buhay namin. And of course, thank you for flying here in Florida despite nang kanya kanya nyong busy schedules." Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi maging emotional dahil talagang umaapaw ang kasiyahang meron sa puso ko.

Kaya kahit nasa harap kami nang hapag ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Nakita kong dumampot si Rhian nang tissue at pinunasan ang mga mata at pisngi ko.

"Glaiza said it all... ang tanging masasabi ko na lang ay salamat sa inyong lahat... My heart filled with gratitude and I am looking forward for a big happy family. We've been through a lot and I am very happy na dumating ang puntong ito sa buhay naming that's why we are so excited to share this precious moment with you. We love you so so much guys."

"To a blessed and fruitful marriage... cheers!" ani ni Alchris sabay taas nang baso sa ere

Sumunod naman ang iba pa sa ginawa nito

"Cheers!!!" koro nila at sya ding pagtaas naming ni Rhian nang aming mga baso.

"responsibilidad nang bawat magulang na gabayan ang kanilang mga anak, kaya kahit ano man ang daang tatahakin nyo ay hinding hindi naming kayo pababayaan mga anak. At habang nakikita naming kayong masaya, hinding hindi kami hahadlang" saad ni Nanay

Isa na ito sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. This is my definition of a perfect life. ano pa ba ang mahihiling ko? Wala na dahil para sa akin, having Rhian and spending the next days of my life with her is more than enough.

Masaya naming tinapos ang aming hapunan na puno nang tawanan, asaran, biruan at walang hanggang pasasalamat sa presensya nang bawat isa.

Saglit pang nagbonding ang mga boys at nag enjoy ng inuman, habang ang mga girls naman ay  nalibang sa tugtog ng restaurant kaya ayon, nagsisayawan.

Kami naman ni Rhian ay naisipang maglakad lakad muna sa may dalampasigan, magkahawak ang mga kamay at masayang dinadama ang lamig nang buhangin sa aming mga paa.

"Lab, may 24 hrs kapa." Biglang sabi ni Rhian na ikinataas agad nang kilay ko

"24 hrs for?"

"For you to decline." Then she giggles

"Hoy Rhian Denise, kung iniisip mo na magbabago ang isip ko, I'm so sorry but no way. Pinakahihintay ko tong araw na to, alam mo ba yun?! Ano ka, swe?!"

Hard Habit to Break #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon