HHB (32)

3.9K 250 60
                                    

- Rhian -

Ang laki ng ipinagbago ni Glaiza... Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa amin... Kung hindi lang sana ako nagpadala sa minsang bugso nang damdamin ko, di sana ay walang ganitong pangyayari sa pagitan namin...


Kasalanan ko ang lahat...

"Anak, handa na ang lahat, naghihintay na ang Dad mo sa baba..."

Kanina pa ako nag aayos pero hindi din ako matapos-tapos dahil paminsan akong napapahinto at hindi ko maiwaglit sa isip ko si Glaiza.

2 linggo na ang nakakaraan mula nang nagkita kami. Ang inakala ko noon ay mauuwi na sa ayos ang lahat mula nang tumawag sya sa akin.

Ang akala ko ay napatawad na nya ako. Gustuhin ko mang kausapin sya at ikwento lahat ng pinagdadaanan ko dahil baka sakali ay maibsan nito ang hirap na meron ako but it gone worst...

She misconstrued it... Parang gaya na lamang na ang hirap iimpress ng isang napakagandang awitin ang isang bingi o ipaliwanag ang matitingkad na kulay sa isang bulag.

Glaiza was already blinded by pain... And no room to listen to me... But then, I can't blame her, it's all my fault.

"I'm coming Mom" pasigaw kong sagot mula sa loob ng kwarto.

It's the first day of my chemotherapy treatment... Sa totoo lang, ayoko nga na sana ng ano pang treatment e... I want to live and die in a natural way... Tanggap ko naman ang lahat... Death comes to anyone of us at hindi natin yun mapipigilan, it's just a matter of time... Kung iyon talaga ang nais ng Dyos para sa iyo, his will be done.

But I am doing this for my family... I will do my best to fight para sa kanila...

Minabuti ko nang lumabas dahil naghihintay na sa akin ang mga magulang ko... I don't have any idea about the procedure but base sa mga nakasalamuha ko na cancer patients and survivors, the procedure is nothing... Ang pinakamahirap daw sa lahat ay ang side effects/after effects.

Pero nagtitiwala ako sa Dyos, alam kong hindi nya ako pababayaan.

"Anak ok ka lang ba? Wag kang mag alala,.. Andito lang kami ng Dad mo, hindi ka namin iiwan."

I can see so much of worries in my Mom's face. Alam kong para sa akin ay kinakabahan ito...

She held my hand...

"Malalampasan mo lahat ng ito anak... You're a strong girl... At wag mong kalimutan ang pananalig mo, malaking tulong iyon."

"My faith is not shaken even with cancer Mom... I just hope that Glaiza is here too to be my strength... But it's ok... I'm not gonna stop praying that one day, she'll be back with me..."

"Kilala ko ang batang iyon Rhian, even after what happened between the two of you, alam kong hindi ka matitiis non... Nagulat ako sa naikwento mo pero alam kong hindi nya matatagalan ang sitwasyon na meron kayo... Ngunit sana man lang ay pinakinggan ka nya nang napagpasyahn mong sabihin sa kanya ang kalagayan mo..."

"Sana nga Mom, pero wala akong magagawa kung talagang hindi pa handa si Glaiza na makipagmabutihan sa akin. Hindi ko sya masisisisi."

Hard Habit to Break #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon