(AN)
Uramismo ang naging pasya ni Glaiza na umuwi ng Pilipinas.
Hindi na nito alintana ang mga bagay na naiwan nya sa America. Lalo pa ang trabaho nya.
"G-Glaiza, anak?!" Gulat na gulat si Tatay Boy nang may humintong taxi sa tapat ng bahay nila habang naghuhugas ito ng sasakyan at ang lulan niyon ay ang kanyang pinakamamahal na anak
"Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka? Di sana ay nasundo kita sa airport."
"Biglaan ho kasi ang uwi ko Tay."
"Ha? Bakit naman anak? Teka, halika sa loob ng maka pagpahinga ka. Mauna ka na at ako na ang magdadala nitong maleta mo."
Agad namang pumasok ang mag ama sa kanilang bahay...
"Cristina! Alchris!" Pagtatawag ni Tatay
"Po tay?!" Sagot naman ni Alchris mula sa taas
"Anong sinisigaw mo jan Boy? Anong kaila~ ...Glaiza, anak?!" Kung ano ang reaksyon ni Tatay kanina ay sya ding reaksyon ni Nanay
Maririnig mo naman ang mabibilis na yabag mula sa taas.
"Tol?!!" -Si Alchris
Lahat ay nagulat nang makita si Glaiza. At may kahalo ding pagtataka dahil hindi pa iyon ang sinabi nya na taon ng kanyang pagbabakasyon.
"Nay, Tay" agad na niyakap nito ang mga magulang at sya ding pagsali ng kanyang kapatid sa kanila
"Anak, biglaan at napaaga yata ang uwi mo? Anong nangyari? May problema ba?" Nag aalalang tanong ni Nanay
Bago pa man maka sagot si Glaiza ay muli nanaman itong naiyak.
"Anak anong nangyari?" Pag-aalala at pagkataranta na ang bumalot sa ginang
"Alchris ikuha mo ng tubig ang kapatid mo..." Utos ni Tatay at agad namang sumunod ang anak
"It's ok anak... Andito kami nang nanay mo... Tahan na..."alo ng ama
"Anak, anong nangyari sayo, ha? Pinag aalala mo ang nanay..."
Sinikap ni Glaiza na magsalita nang maayos kahit na naghahabol ito nang hininga dahil sa labis na pag iyak. Mas komportable syang ilabas ang saloobin nya ngayon dahil mas may matatag syang sandigan. Ang pamilya nya.
Oo nga at nabuhay ni Patty ang pag asa nya pero sa kanyang pag uwi ng Pilipinas, hindi din nya alam ang kahihinatnan ng lahat...
Kung magtatagumpay ba syang ipaglaban ang kanyang pagmamahal para kay Rhian o isa nanamang karagdagan sa kanyang kasawian.
"Si Rhian kasi Nay..."
"Oh bakit? Syanga pala... Dumaan ang Tita Lay mo dito nung isang araw... Nagbigay ng invitation para sa kasal ng bestfriend mo... Aniya e biglaan nga daw kaya't wala namang malaking preparasyon at celebration... Pero kako, anong pumasok sa kukoti nyang kaibigan mo at binalikan pa yung walang hiya nyang ex? Hindi ba at minsan na syang iniwan nung lalaki?"
BINABASA MO ANG
Hard Habit to Break #Wattys2017
أدب الهواةAno ang kaya mong itaya para sa pag-ibig? Para sa pagkakaibigan? Rhian and Glaiza are best friends since they were a kid. Through ups and downs, lagi silang magkasangga. Pero paano kung isang araw ay mag bago ang tingin ng isa sa kanila? Paano kung...