It's been like three years ago, I was rather inspired to write "I'm in Love with Mr. Kimchi". Let's say, ito na ang pinaka-challenging na sinulat ko all throughout my writing history. Hindi dahil sa hindi ako sanay sa mga kwelang kwento kundi na rin sa mga pagsubok sa likod ng pagsusulat ng ganitong kwento.
Una lahat, most of the scenes are based in my own "love" life. So, iba ang emotional attachment ko sa kwento. Kaya naman sa tuwing babasahin ko ang kwento ay sari-saring emosyon at ala-ala ang pumapasok sa aking isipan. Masasakit man o masasaya. It takes more than guts to make one more of the same nature.
Pangalawa, at dahil iba ang emotional attachment ko eh yu din ang rason kaya publish-unpublish ang peg ko at dalawang taon ko bago nakompleto. Bottomline is thankful ako dahil kahit na dalawang taon ko siya sinulat eh. Nagawa ko pa ring tapusin ang Mr. Kimchi.
Gusto kong magpasalamat sa mga reader ko. Apat na taon na ako sa Wattpad. Salamat sa mga patuloy pa ring sumusuporta sa aking mga likha all throughout the years. Recently, busy ang peg ng lola niyo eh. Pagsabayin ba naman ang trabaho at aral. Dinistract din ako ng crafting at arts. Hahaha. And so I decided na since first love ko ang pagsusulat eh Push na ang pag-wawattpad ko. Salamat din sa mga bagong followers at readers.
Gusto ko ring pasalamatan at ialay itong likha ko sa aking TOTGA; The Oppa That Got Away. The main reason for this. I loved you and take care.
Maraming salamat sa lahat!
-Sean 2022