Chapter Twenty-eight: Fan Girling

1.9K 85 7
                                    

Hinanap ko sa audience si Luke. Siya lang ang tinitigan ko habang sumasayaw. Napapanganga naman siya at napaplunok sa mga pagkembot na ginagawa ko. Natatawa ako sa mukha niya sa loob-loob ko. Napukaw ang tingin ko ng babaeng katabi niya. Si Ginger, mas lalao akong ginanahan sa pagsayaw. Akala niya, ha! Hindi ako papatalo. Natapos din sa wakas ang sayaw at lahat namana ay napatayo at pumalakpak. Parang baliw namang naghihiyawana ang mga kaibigan ko at MGA KAKLASE KO!

Nakakahiya... 

Bumaba naman kami ng stage.  Sinalubong naman ako ni Luke ng isang yakap. 

"You never told me that you can dance" ang komento naman niya. 

"Hindi ko rin naman inakala na sasayaw ulit ako" ang tugon ko naman.

"Masyado kang kumekembot kanina" ang sabi niya.

"Na-enjoy mo naman" ang komento ko.  "May panganga-nganga ka pa kanina at palunok-lunok"

"Malamang" ang pagsang-ayon niya. "But ayoko na pinapanood ka ng ibang lalake na kumekembot. Gusto ko ako lang

"Asus, selfish!" 

"Oo naman!" ang tugon niya. Natawa naman kaming dalawa. Tinawag naman na ang susunod na grupong sasayaw. Ang grupo ni Ginger. Pumwesto sila sa stage. Nakatingin sa amin si Ginger. Humiwalay naman ako kay Luke at sumabit sa braso niya. Nagsimulang tumugtog ang sasayawin nila. BBoom bboom ng Momoland. 

"Blanket, labas muna tayo" ang yaya ko kay Luke. 

"Ha? Bakit naman?" ang tanong naman niya. 

"Magpahangin muna tayo" ang sabi ko. "Tsaka  may ibibigay ako sa'yo"

"Ano naman?"

"Yung good luck kiss mo" ang tugon ko naman. 

"Ha? O,sige!Tara!" ang kaagad naman niyang pagsang-ayon sabay hila sa kamay ko palabas ng Event Hall. Dinala niya ako sa isa sa mga classroom dun. Kaagad naman niya akong yinakap. 

"Ito ba ang dahilan kung bakit ka naging sobrang busy ka?" ang malambing niyang tanong sa akin . Napatango naman ako. "Bakit hindi mo ako sinabihan?"

"Baka kasi magalit ka" ang tugon ko naman. 

"Magagalit ba naman ako sa fiance kong ang galing sumayaw?" ang tanong naman niya. "That's something to be proud of, you know"

"Eh, ikaw? Bakit hindi mo sinabi na kasama ka rito?"

"I was about to tell you yesterday pero I changed my mind, Ayokong i-stress ka sa presentation mo thinking na hindi ka makakapunta rito." ang paliwanag naman niya.   

"Ah, ganun pala" ang tugon ko naman. 

"So, asan na yung Good luck kiss ko?" ang tanong niya. Hinalikan ko naman siya sa pisngi. 

"Ganun lang?" ang reaksyon naman niya. 

"Ha?" 

Hinatak niya ang katawan ko mas papalapit sa kanya. Linapat naman niya ang kanyang labi sa akin at sinimulan akong halikan. Kaagad naman akong nagpaubaya.

"Ayan, sobra na akong motivated" ang sabi niya pagkatapos. "Panoorin mo ako ah. Cheer mo ako" 

"Sinong i-cocover niyo?" ang tanong ko naman. 

"Manood ka para malaman mo"ang tugon niya. "Tara na sa loob" 

Tumango naman at ako at sabay kaming bumalik ng event hall. Sa pagbalik naman ay sakton pababa na ng MUMUland mula sa stage. Masama ang tingin sa akin ni Ginger. Nginitian ko naman siya. Mas lalong naningkit ang mga mata niya. Sumabit naman ako sa braso ni Luke.

"May napapansin ako sayo ngayon" ang biglang komento ni Blanket. "Ang clingy mo ngayon  ah"

"Hindi ba pwede?" ang tanong ko naman.

"Pwedeng-pwede!!" ang maligalig naman niyang tugon. "Susunod na pala kami. Maiwan na muna kita pillow ah?"

"Kaya mo yan!"

"Para sa'yo, kakayanin lahat" ang nakangiti naman niyang tugon sabay alis. Dumeretso siya sa backstage. Isa-isa naman silang pumasok nang tawagin sila. 

Anim lang ang pumasok. Nasaan ang babe Luke ko?  Naka-gray coat sila na iba-iba ang style. Pamilyar ang suot nila. Hindi ko matandaan pero ganun ang itsura ng mga nasa MV.  Pumwesto ang anim. "NASAAN SI LUKE!!"

"Excited much?" ang singit na komento ni Princess.  "Hindi ka oa kumakain di ba? Heto, Hotdog sandwich. Binili namin para sayo galing sa cafeteria"

"Salamat!"

Nagsimulang magplay ang music at sinimulan ko na rin ang pagkain. 

Alam na lam ko ang tugtog nato. Ito ang pangalawang MV na pinapanood sa akin ni Luke.  Growl ng EXO. Sabi niya dapat ang bias ko sa grupo ay si Suho pero ang bias ko talaga ay si Sehun. Hihihi. Nagsimula silang sumayaw hanggang chorus ng kanta. Napatili naman ako nang lumabas si Luke sa pangalawang verse ng kanta. EHMEHERGAWD!! Ang pogi niya!!!!!

"SEOJOON OPPA! NOMU SARANGHAE!!!!" ang sigaw ko naman. Natawa naman sila Princess. Tinuro sa akin yun  ni Luke eh.

"Kilig na kilig si Miss Korea" ang komento ni Sophia. Napatingin sa akin si Luke at kinindatan ako. Para akong high school student sa sobrang kilig. Meron pa siyang titingin sa akin sabay kakagat-labi.  MAYGAS!!! Nakakapanglaway. Napapakagat ako sa hotdog  sandwich na hawak ko.

"Uno, baka mahimatay na yan" si Princess sabay tawa ulit nila. Talon naman ako ng talon. Dinaig ko pa nag isang kuneho sa katatalon at kasasayaw. #MostSupportiveYeojaChingu

"Napaka-fangirl oh" ang komento ni Bloom nang tumabi sa akin. Natigilan naman ako. 

"Oo naman!" ang pagsang-ayon ko. "Si Mr. Kimchi ko yun eh"

Napatikhim naman si Princess. Napatingin kaming dalawa. Kaagad ko naman silang Pinakilala sa isa't-isa. 

"Xean, ito oh" si Cupcake sabay abot sa akin ng isang nakarolyong parang tarpauline. Binuklat ko naman yun. Litrato ni Luke. Tapos maybmga korean kyeme na nakasulat. Hindi ko maintindihan. Saranghae lang ang alam ko. 

"Anong ibig sabihin?" ang tanong ko naman. 

"Tak Seo Joon, You can do it. I love you" ang tugon naman ni Bubbly. 

"ah" ang tugon ko naman napakunot naman siya ng noo. 

"SEO JOON OPPA!!!!!" ang sigaw ko ulit sabay hawak ng tarpaulin sa ere. Seryoso ang mukha niyag sumasayaw pero napangiti siya ng saglit at balik sa fierce na itsura. Ang hot ng itsura niya. Tumatawa ang mga kaibigan ko pero wala akong pakialam. Nagpapakagfan girl ako eh.  Naririnig ko naman na nag-uusap-usap na silang lima. Napatingin naman ako. "Pagod na ako. Tulungan niyo naman ako"

Tinabihan naman nila ako. Sumasabay kami sa pagcheer at pagkanta ng ilan sa mag salita sa kanta. HIndi naman nagtagal ay natapos silang sumayaw. Pagod na pagod ako pero na hype talaga ako sa pinanood ko. Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta mun ako ng restroom. Nagtungo nga  ako run para sagutin ang tawag ng kalikasan. 

 Pagkalabas ko ng restroom ay may naka-abang sa akin. Si Ginger...

More Kimchi Please!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon