Sa pagtulog ay magkatabi nga kami. Nakahiga ako sa kanyang dibdib habang yakap-yakap ako."You mean the world to me" ang bulong niya sa akin. Napatingi naman ako.
"Kung may hihigit ba sa akin, ipagpapalit mo ako?" ang tanong ko. Napakunot naman siya ng noo.
"What's with that question?" ang tanong niya pabalik. Napakibit-balikat naman ako. "I don't know if such person exists, if meron man... ikaw yun"
Napangiti ako at yinaya ko na siyang matulog. Kinabukasan ay hinatid niya ako sa Saint Anthony. Nasa tapat kami ng college ko.
"Parang ayaw ko pang umalis" ang sabi niya.
"Bakit naman?" ang nagtataka kong tanong.
"Miss na agad kita" ang paglalambing niya habang naka-akbay sa akin.
"Siopao" ang komento ko naman.
"Ano? Di ko gets"
"Siopao... bola-bola." ang tugon ko. "Binobola mo lang ako"
Umalis naman ako mula sa pagkaka-akbay niya.
"Hindi ka lang basta-basta dapat umaalis"
"Bakit naman?"
Tinuro niya ang pisngi niya.
"Ayoko nga"
"Ah. ganun? Eh, di maghanap ka ng bagong boyfriend"
"Talaga? Seryoso ka?"
"Ui, hindi. Grabe ka, naglalambing lang ako" ang bawi niya na ikinatawa ko. Lumapit naman ako at madalian siyang hinalikan sa labi. Kaagad naman akong nagpaalam. Batid kong maraming nakakita sa ginawa ko kaya naman tinablan na naman ako ng hiya. Dumeretso naman ako ng classroom. Medyo late ako kaya naupo ako sa likod. Nadatnan kong may pinag-uusapan ang mga kaklase ko sa harap ko.
"Ang sweet ni Xean at ni Luke, no? Match made in heaven ang dalawa." ang sabi ng isa. Napangiti naman ako sa narinig.
"Uy, may nasagap akong chismis tungkol kay Luke"
"Ano???? Sabihin mo na... dali"
"May anak na raw siya"
"HA? Seryoso?" ang tanong ng iba.
"Oo, kumpirmado"
"Ang saya naman. Happy family agad"
"Anong masaya run? Ang weird kaya. Isipin mo kung ikaw yung bata tapos wala kang nanay at dalawa ang tatay mo. Isa pa, madalas ang mga homo parents eh hindi nagagampanan ang tungkulin nila."
Nanlamig ako sa mga narinig ko. Nalungkot ako bigla. And I started to doubt myself too.
"Grabe ka naman" ang komento ng isa.
"Reality check. Ang pamilya, dapat may nanay at tatay; hindi dalawang tatay lang" ang pagpapatuloy niya pa sa taklesa niya pang pagbibigay ng sariling opinyon. "Mas magiging maayos ang kalagayan ng bata kung ganun ang set-up"
Sa pagkakataong yun ay nalaglag ko ang hawak-hawak kong libro kaya naman napatingin sila sa direksyon ko. Kaagad rumihistro ang gulat sa kanilang mga mata. Tumayo ako at naglakad papaabas ng classroom habang naglelecture ang professor. Natigilan silang lahat ng malakas na nagsara ng pinto. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo palabas ng college, napaupo ako sa isa sa mga bench sa student lounge. Napagdesisyunan kong magtungo na lang sa library at magpalipas ng ilang oras dun. Mag-aalasdose na nang nagsimulang mag-vibrate ang phone ko. Tinignan ko ang screen; si Princess. Tinanggap ko ang tawag.
"Hello" ang bati ko.
"Nasaan ka, girl?" ang tanong niya.
"Nasa library lang" ang tugon ko naman.