Chapter Ten: Emotions

2.3K 90 1
                                    

"It sounds unhealthy" ang komento naman ni Uno. Napakibit-balikat na lang ako. Hindi naman nagtagal ay dumating ang mga inorder namin.

"Enjoy your meal" ang tugon ko naman bago kami magsimulang kumain. Nasarapan naman ang tatlo sa kinakain namin. Kahit na ang sosyal lang tignan, eh okay lang. nakakatuwa lang. Pagkatapos kumain ay nagpaalam akp na mauuna na ako. Inalok nga nila na ihahatid nila ako pero tumangi muna ako. Nakakahiya na kasi. Sumakay na lang ako ng jeep dahil taghirap days.

"Kauuwi ko lang" ang text ko kay Luke. Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya nagrereply. Napakibit-balikat na lang naman ako. Naupo ako at nagsimulang magsulat.

"Ang sipag mo talagang magsulat ng mga ganyan" ang komento ni Zeke sa likod ko. Natigilan naman ako at napatingin sa kanya.

"Ganun talaga eh" ang tugon ko naman.

"Ano bang nakukuha mo sa pagsusulat Xean?" ang tanong niya. Napaisip naman ako sabay kamot ng ulo. "It seems to me..."

"Parang walang gustong makinig sa akin" ang pagsisimula ko. "Kaya dinadaan ko na lang sa ganito."

"Bakit? Wala ka bang maka-usap?"

"Marami pero ... Parang hindi naman nila ako naiintindihan" ang tugon ko. "Hearing is different from listening. Kaya sa pagsusulat ko dinadaan lahat.  Umaasa ako na may ilan o kahit isa man lang ang makaintindi sa akin"

"Mahirap naman talagang intindihin ang isang Xean Olivar" ang komento naman niya. Napakunot naman ako ng noo. "Sa totoo lang. Everytime na kausap kita. Your eyes, it's like a deep well or a black hole. Alam mo yung tipong physically present kitang kausap pero your soul parang wala. Hinihiling mo na may makaintindi sayo. I wonder... Hinihiling mo na makita ang tunay na ikaw o hinigiling mo na makita nila na may tunay na ikaw.

"Umaaling-Adele kayong dalawa ngayong gabi ah" ang komento ni Thia nang pumasok siya sa kuwarto namin.

"Huh?" ang reaksyon naman ni Zeke.

"Rolling in the Deep" si Thia. "Malalim ang pinag-uusapan"

"Aaaah" ang reaksyon naman ni Zeke nang maintindihan ang gustong iparating ni Thia. "Etong si Xean kasi ume-emo"

"Ha? Ang dapat masayang tao... Ume-emo?" ang nagtatakang tanong ni Thia. "Ikain mo na lang yan"

May ilinapag naman siyang plastic bag sa mesa. tinignan naman namin ni Zeke ang laman. Spicy Squid Chips. YUng spicy dilis ang lasa pero pusit ang gamit.

"Ang dami naman nito" ang komento ko.

 "Uhmm, natira dun sa food expo sa School"ang tugon naman niya. "So,a nong balita?"

"Foundation Day ng Saint Anthony next week" ang tugon ko naman.

"Siguro naman wala nang night race na si Luke ang premyo." si Thia.

"Wala na. Subukan lang ni Luke Sanchez" ang pagbabanta ko. "may mapuputol sa kanya"

Natawa naman ang dalawa sa inasal ko. 

"Anyway, may wedding booth kaming gagawin" ang dagdag ko. "I-sign up ko kayo? Tutal open naman yun for all. "

"No, thanks" si Thia. 

"Eh, kayo ni Luke?" ang tanong ni Zeke.

"Hindi na." ang tugon ko naman.

"ha?" ang sabay naman nilang reaksyon. "Hindi na tuloy ang kasal niyo?

"May babae ba?" ang tanong agad ni Thia sabay tindig na parang si Wonderwoman.

"Hindi! Ang ibig kong sabihin hindi sa wedding booth" ang pagtatama ko naman. 

"AAAAAAH" ang sabay ulit nilang reaksyon. 

"Bakit hindi? Magandang practice nga yun para sa inyong dalawa" ang mungkahi ni Zeke.

"Ayokong ako ang mag-initiate" ang pag-amin ko rin.

"Bakit naman hindi? Sweet gesture kaya yun" ang tugon naman ni Thia.

"Eh kasi ikakasal na rin naman kami. Baka kasi isipin pa ni LUke na masyado akong atat at hindi ako makapaghintay.

"OA lang ha" si Thia ulit. "O sha, kayong dalawa ang bahala. Lumipas ang linggo ay masyado kaming naging busy sa kaplaplano ng wedding booth. HIndi ko lam pero sa lahat na lang ng pagplaplano ay sa akin nila tinatanong. mula sa mga decorasyon hanggang sa mga background music ay ako ang pinapapili nila. sana maging maganda ng magiging kinalabasan. two days before the event ay kinolekta namin ang mga registration form para sa kunwaring wedding certificate na ibibigay namin. napapangiti ako nang mabasa ang mga pangalan ng mga pares na gusting maikasal. mas masaya sana kung andun ang pangalan naming dalawa. kinuha ko ang ballpen ko; sinulat ko na ang first name ko pero kaagad ko namang binura yun, naisip ko rin naman na busy si Luke sa araw na yun kaya wag na lang. 

"Kailangan nating magmeet ng 5am" ang sabi naman ni Princess.

"5am?" ang tanong ko. "bakit ganun kaaga?"

"Mahabang proseso ang pagseset-up." ang tugon naman niya. Napatango naman ako."Susunduin ka na lang namin sa boarding house niyo"

Hindi ko masyadong nakausap si Mr. Kimchi ko. Miss na miss ko na siya. Pero naiintindihan ko naman na busy siya kaya unting tiis lang. Nakatulala ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko. 

"Pillow ko" ang sabi niya. "I miss you"

"Mas namiss kita" ang paglalambing ko rin naman. 

"Hindi. Mas namiss kaya kita" ang dependa naman niya. "Kung namiss mo ako dapat kinikiss mo na ako ngayon"

"Eh bakit hindi ikaw ang nangkikiss? Kasi hindi mo ako namiss" ang tugon ko naman. 

"Lambingin mo muna ako" ang demand naman niya.

"Blanket, poppo juseyo" ang sabi ko naman. Natawa naman siya sabay kiss sa akin. 

"Ano yan?" ang tanong niya nang makita ang papel sa kamay ko.

"Ah, pangalan ng gustong mga ikasal sa wedding booth namin" ang tugon ko naman.

"Sayang, wala kasi tayong time"

"YUn nga."

"Di bale, yung sa atin naman tunay" napangiti naman ako. "aalis na ako, pillow ah. alam mo naman na foundation day na bukas"

"Ano nga ulit yung sa inyo?"

"Magic Mike" ang tugin niya sabay kindat sa akin.

"Subukan mo, gawin yan. Baka gusto mong mawalan ng magic wand" ang seryoso ko namang tugon sabay tingin sa kanya; mata sa mata. natawa naman siya.

"Heto naman; selfish" ang komento naman niya.Tumaas naman ang isa kong kilay. "Joke lang po. Grabe naman ang misis ko, ang seryoso. Face painting ang gagawin namin"

"Ikaw kasi, bwinibwisit mo ako" ang tugon ko naman. 

"Sorry na." si Luke. "Wag ka nang mabwisit; hindi bagay sa mga magagandang katulad mo"

"Umaandar na naman yang pagiging-MVP mo" ang komento ko naman. "Lakas mong mambola"

"Inaaway mo na naman ako" ang sabi niya sabay pacute. humarap naman sa ko kanya at yinakap ko siya. yumakap naman siya sa akin pabalik.

"Mahal na mahal kita, Mr. Team Captain" 

"Mahal na mahal din kita, anak ng dragon" ang tugon naman niya. binatukan ko naman siya.

"aray naman!" ang reklamo niya.

"Ikaw kasi!"



More Kimchi Please!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon