Chapter Six: Cake!

2.6K 104 4
                                    

Wala na ngang nagawa si Luke kundi ang sabayan si Brent sa pagkain ng ice cream. Ang cute lang talaga nilang mag-ama.

"Dada" si Brent.

"Can we go to the toy store?" ang tanong ni Brent.

"But you already got toys from the kiddie meals"

"Please, Dada" ang paki-usap pa ni Brent.

"Okay, fine. We'll go" ang pagpayag ni Luke. Pagkatapos nga naming kumain ng ice cream ay nagtungo kami sa toy store.

"Cool!" ang komento ni Brent nang makita ang isang laruan.

"You already have one" si Luke. Hindi naman tumugon si Brent bagkus ay dinampot ang katabing laruan.

"Dada, look at this. The color is good, right?"

"Well, yeah."

"Let's buy!" ang kaagad na sinabi ni Brent. Napabuntong-hininga naman si Luke at tumango.

"Let's go" si Luke.

"Uhm, Dada, wait" si Brent sabay pakita pa ng isang laruan. "This is also good, right?"

"No, the color is terrible" si Luke. Npasimangot naman si Brent at inayos ang hawak-hawak na laruan sa lalagyan. Sumunod na lang kami ni Brent kay Luke. Nasa kalagitnaan pa lang kami ng pasilyo nang...

"DADA!!!!" ang sigaw ni Brent. Kapwa naman kaming nagulat sa biglaan niyang pagsigaw. "Look!!!!"

Napatingin naman kaming dalawa ni Luke sa tinuturo ni Brent. Isang stuffed toy. Kaagad tumakbo si Brent sa lifesized na laruang aso.

"It's so soft!!!" ang excited na komento ng bata sabay yakap sa stuffed toy. "I'm gonna name you, Cake!!"

"Brent, let's go" ang utos ni Luke. Halatang nawawalan na ng pasensya. Tumingin si Brent kay Luke na naka-puppydog pout. "Don't start, young man"

"But cake is lonely" ang malungkot na tugon ng bata.

"Brent-"

"Please, Dada" si Brent na naiiyak.

"Okay, okay. Just don't cry here" si Luke sabay dampot sa stuffed toy. Hinawakan ko ang kabilang kamay ni Luke.

"Ang sweet mong Dada" ang puri ko sa kanya. Napangiti naman siya at pisil sa kamay ko.

"Dada... Tito Mallows" ang pagtawag ni Brent. "I want to hold your hands, too"

"Magkabilaan kami ni Luke na hawak-hawak ang kamay ni Brent patungo ng cashier. Nang makapagbayad ay sinimulang kausapin ni Brent ang stuffed toy na pinalanganan niyang Cake. Buong magdamag niyang hindi pinansina ng iba pang mga laruan. Napadaan naman kami sa isang surplus shop.

"Dada!!!" si Brent na naman. "Let's buy that!"

Tinuro niya ang isang overall pajamas na pambata. Dragon character na may munting pakpak pa sa likuran. Linapitan namin yun sabay salubong naman ng saleslady.

"May pang-adult size pa po ito; kung interisado po kayo.

"Talaga?" ang enthusiastic na tanong ni Luke.

"Pero hindi po available ang drago.

"Ayy, sayang naman."

"May mga iba pa pongng disenyo"

Inabot ng saleslady ang isang booklet na puno ng mga larawan ng iba-ibang designs ng overall pajamas at iba pa.

"Pillow, anong gusto mo?" ang tanong niya.

"Ha? Ang sagwa naman isuot niyan" ang komento ko naman.

"Huwag kang basag trip" si Luke. "Ako na nga ang mamimili para sa'yo"

More Kimchi Please!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon