"Friday afternoon yun" ang dagdag naman ni Bloom.
"F-Friday?!" ang bulalas ko naman dahil sa gulat. Napatingin naman silang tatlo sa akin.
"Oo, may problema ba?" ang tanong naman ni Cupcake.
"Eh, may presentation kami ng umaga" ang tugon ko naman. "Anong oras ba magsisimula?"
"2pm pa naman" ang tugon ni Bubbly. "Hanngang anong oras ang presentation niyo?"
"10am-12pm" ang tugon ko naman.
"Kaya yan!" ang komento naman nila. "Habol ka na lang. Anyway, sa events hall lang naman ng college of hospitality gaganapin ang auditions"
"Mabuti naman kung ganun" nag tugon ko naman. Nakahinga naman ako ng maluwag. Dumaan ang mga araw ay nagging ganun ang set-up ko. Mostly library work sa umaga at hapon para sa research project naming at pagkatapos naman ay dederetso ako sa dance studio para maki-ensayo ng sayaw. Hindi naman ako nahirapan sa pagkuha ng approval ni Frankie sa akin. HIndi na rin ako masyadong naiilang sa Choreography na itinuturo sa akin. Hindi ko masyadong nakikita si Blanket dala na rin siguro ng pagka-busy naming dalawa. Namimiss ko na siya.
"Alis na ako" ang paalam ko kila Sophia.
"Hang out naman tayo" ang yaya ni Sophia.
"Sorry, hindi ako pwede" ang pagtanggi ko naman.
"Ano bang pinagkaka-abalahan mo?" ang tanong naman ni Uno. "Nakasalubong naming si MR. Kimchi mo nung isang araw. HIndi raw kayo masyadong nakakapag-usap."
"Uhm" ang reaksyon ko naman dahil hindi ako makapag-isip ng dahilan. "May part time job ako"
"Part-time?" ang nagtataka nilang pag-uulit sabay tingin sa isa't-isa.
"Oo. Hamak ding hindi naman ako mayamang katulad niyo eh kailangan kong kumayod" ang pagsisinungaling ko.
"Given na scholar ka?" ang tanong ni Princess.
"Oo naman" ang tugon ko.
"Umamin ka. May kinakatagpo ka no?" ang pag-uusisa ni Uno. Napa-ikot naman ako ng mga mata.
"Grabeng imahinasyon yan ah" ang komento ko naman sabay dampot ng bag ko at suot nito. "Kailangan ko na talaga umalis. Bawi na lang ako sa susunod"
PRINCESS' POV
"Oh,well" ang tugon ko naman. "Sige. We'll see you tomorrow"
"Bye" ang paalam ni Xean bago tuluyang umalis. Kaagad ko rin namang kinuha ang bag ko.
"Guys, dali" ang utos ko kila Uno at Sophie na kaagad din namang sumunod sa akin.
"Anong nangyayari?" ang nagtatakang tanong ni Sophie. "Bakit tayo nagmamadali?"
"Susundan natin si Xean" ang tugon ko naman.
"What for?" ang tanong naman ni Uno sabay hila ko sa kanya patago sa isang gilid nang makita naming malapit lang si Xean sa harap namin.
"Malakas ang pakiramdam ko na may tinatago siya sa atin" ang tugon ko naman. "So, we're gonna find out"
"Well, okay" ang tugon naman niya sabay kibit-balikat. Itinuloy naman namin ang pagsunod kay Xean nang masiguradong nasa malayo na siya. Natigil kami at muling nagtago nang tumigil siya sa tapat ng College of Business and Accountancy.n
"Ime-meet niya si Luke" ang komento naman ni Sophie. "This is unnecessary"
"Mukha nga" ang tugon ko naman. Nakita naman naming lumabas ang Powerpuff Girls mula sa gusali. "Mukhang kailangan niya ng back-up. The bitches are here"