Chapter Four: Family Fashion

2.6K 108 1
                                    


"Huy, Xean!" si Thia.

"Oh?" ang reaksyon ko naman.

"Sino yung batang kasama ni Mr. Kimchi?" ang tanong niya.

"Si Brent, anak niya" ang tugon ko naman. Ito nga pala ang unang pagkakataong pumunta rito si Brent. Nagkatinginan naman si Thia at Zeke.

"Anak niya? So, ibig sabihin instant nanay ka na agad" ang komento naman ni Zeke.

"Duh. Mr. Obvious" ang reakyon naman ni Thia. "Pero nag-aalala ako sa sitwasyon. Kamusta yung bata at yung---uhhmm, Ang ibig kong sabihin... teka, paano ko ba tatanungin?"

"Alam niya ang tungkol sa amin ni Luke. Nakakapagtaka man... pero nakakatuwa rin kasi parang matanda siya kung mag-isip.

"Hindi ko alam pero-"

"I like Tito Mallows" ang biglang singit ng isang pamilyar na boses. Napatingin naman kaming tatlo. Si Brent; nasa bukana siya ng kusina at hawak-hawak ang isang donut. "He makes Dada happy; so, I'm happy too"

"come here" si Thia. "Nosebleed ang batang ito"

Lumapit naman si Brent at naupo sa bangko; sa gitna lang ni Thia at Zeke.

"You're name is Brent, right?" ang tanong ni Thia. Tumango naman si Brent. "I'm Tita Thia and this is Tito Zeke. We're like your Tito Pillows brother and sister."

"Nice to meet you" ang pagbati ng bata sa kanila.

"You want your happy to be happy always, right?" ang tanong ni Thia. Tumango naman si Brent.

"So, you should help your Dada in taking good care of your Tito Mallows, okay?"

"Okay"

"Promise?"

"Promise!"

"Pinky Swear?"

"Pinky Swear" si Brent. Iniwan ko muna sila at nagtungo sa banyo para makaligo na at makapagbihis. Nang okay na ako ay ginising ko si Luke. Kahit kailan talaga; antukin. Hindi rin naman nagtagal at tinawag namin si Brent. Bumyahe na kami papunta sa lugar na tinutukoy ni Mr. Kimchi. Isa itong malaking gusali na iisang palapag. Ang mga pader ay gawa sa salamin kaya naman maaaninag ang nasa loob na siya rin namang nahaharangan ng mga mannequin na nakasuot ng mga iba't-ibang damit. Pumasok kami ng gusali. Dumeretso kami sa parang reception area.

"Good morning" ang bati ng babae. "How can I help you?"

"I have an appointment under the name of Mr. And Mrs. Luke Sanchez." ang tugon naman ni Luke sabay kindat sa akin.

"And baby Brent Sanchez" ang singit naman ni Brent.

"and baby Brent Sanchez" ang nakangiting pagkumpirma naman ni LUke. Napangiti naman ang babae kay Brent.

"Hold on for a while" ang tugon namn ng babae. " I see you have an apppointment. Right this way"

Hinatid naman niya kami sa isang parte ng gusali at pinaupo sa sofa. May lumabas na babae mula sa pintuan.

"Mr. Sanchez?" ang pagkumpirma niya kay Luke. Tumango naman si Luke. "And Mrs. Sanchez?"

Inasahan kong titingin siya sa akin ngunit linagpasan niya ako ng tingin at inikot pa ang tingin sa buong kuwarto. Ay, bastusan na pala ito?"

"Si Mrs. Sanchez?" ang tanong niya kay Luke.

"Meet Mrs. Sanchez" si Luke sabay hila sa akin sa bewang.

"And baby!!" ang singit naman ni Brent na nakapamewang na. Napatameme naman ang babae.

"Is there any problem?" ang casual na tanong ni Luke. Natauhan naman siya at ngumiti na lang pabalik.

"Para sa anong okasyon?" ang tanong na lang niya.

"Anniversary party" ang tugon naman ni Luke.

"Ilang taon na kayong kasal?"

"Not yet. We'll get there eventually. We're engaged" ang tugon naman ni LUke sabay hawak sa kamay ko. " Anniversary ng grandparents ko"

"Ang particular color scheme?" ang sunod na tanong.

" White and purple ang theme"

"I see... and How much are we willing to pay?"

"That is not a problem" ang direktang tugon naman niya sabay upo ulit sa sofa. Halatang naiinip na. Dinala naman si Brent sa Children's section samantalang naiwan naman kami ni Luke dun. Naunang pumili si Luke ng kanyang maisusuot. White slacks at coat, pastel purple na long sleeve polo at dark violet na necktie.

Sumunod naman ako sa babae papasok sa kuwartong puno ng mga damit. Nakaaayos ang lahat naaayon sa kulay.

"Anong style ang gusto mo?" ang tanong naman niya sa akin.

"Uhhm, kahit ano na lang." ang tugon napakunot siya ng noo. "Uhmmm, pareho na lang ni Luke."

"Sure" ang tugon naman niya sabay hila sa mga damit na pinili niya at abot sa akin.

"Pakisukat na lang" ang bilin niya sa akin sabay turo ng dressing room. Nagtungo naman ako dun at nagsimulang magbihis. Pagkatapos magbihis ay lumabas ako. Pareho kami ng suot ni Luke maliban na lang sa bowtie ang sa akin. Settled naman ako dun. Lumabas kami para maipakita kay Luke. Nakasalubong ang kanyang mga kikay habang tinititigan ako.

"Ayoko niyan" si Luke.

"May mali ba?" ang tanong ng fashion stylist.

"Maling-mali! Masyadong halata ang likuran niya. Ang higpit ng pantalon. "Wala bang iba?"

Nagkatinginan kami ng fashion stylist.

"Uhm, okay po. Hahanap po kami ng iba" ang sabi namn ni stylist. Bumalik kami sa loob. "Masyadong overprotective ang fiance mo"

"Mali ba yun?" ang tanong ko.

"Of course not. It's sweet" ang tugon niya sabay ngiti sa akin. "O sha; maghanap na tayo ng ibang maisusuot mo. Something to cover your uhmmm... basta alam mo na"

Kumuha muli siya ng mga damit at binigay sa akin. Bumalik naman ako sa dressing room para isukat ang mga bagong damit. White shorts, purple acid washed na soft denim short sleeves polo, purple pin striped bow tie at white cardigan jacket.

"Ano? Okay na?" ang tanong ko kay Luke nang lumabas ako. Sinuri naman niya ang suot koat napathumbs up. Sakto rin namang pagdating ni Brent na nakasuot ng white double breasted suit, white slacks, pastel puple na shirt at violet na necktie. Ang poging bata.

Nakontento naman na si Mr. Kimchi sa mga damit na isusuot namin para sa anniversary party. Napagdesisyunan muna naming mamasyal sa mall.  

More Kimchi Please!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon