Chapter Nineteen: The Bish Club

2K 90 3
                                    

"My, my; look who's talking?" ang sabi naman ng isa. Kaagad namang tumayo si Ginger at hindi nagpatinag. 

"Anong ibig mong sabihin?" si Ginger.

"The last time I checked; ang mga ahas nasa gubat pa"; 

"It's better than being a mouse" ang tugon naman ni Ginger sabay tingin sa direksyon ko. Napatingin naman silang lahat sa akin. Automatic naman na napatapak ako palikod. "Ano bang problema niyo sa akin? I don't have any business with you!"

"Well, if I were you; mag-ingat ka sa mga binabalak mong gawin"

"Is that a threat?"

"Consider it as  a warning, my dear"

"Oh, I'm scared" ang sarkastiko namang pagtanggap ni Ginger sa babala nila. 

"They don't call me "The Blood Princess" with no reason, for your information. Oh, well. Got to go"

Nagsimula namang maglakad palayo ang tatlo; patungo sa direksyon ko. Napaka-synchronized ng ritmo ng kanilang paglalakad. Sabay-sabay. Tumigil naman sila sa harap ko at sabay-sabay na tiniklop ang kanilang mga kamay. 

"I can't believe that nagpapadaig ka sa babaeng ahas na yun" si Bloom. "What's with you?"

"Hindi ko rin alam" ang malungkot kong tugon. 

"Hindi mo alam?" ang reaksyon naman ni Cupcake. "May babaeng gustong umagaw sa fiance mo; hello! Newsflash"

Nagsimula naman akong maglakad. Naramdaman kong sumunod sila sa akin dahil na rin sa yapak ng kanilang mga paa. 

"Teka nga" ang pilit nilang pakikipag-usap sa akin. Hindi naman ako tumigil sa paglalakad hanggat sa hinawakan ni;a ang mga kamay ko. 

"Hindi niyo rin naman maiintindihan" ang sabi ko. "Sa tingin niyo kasi ganun lang kadali yun eh"

"You have been through this before" si Bloom. "With us... Natalo mo nga kami and we are three. Siya, iisa lang. So, anong problema mo at nagpapakapabebe ka riyan."

"Sa totoo lang; hindi naman si Ginger ang problema eh" ang pag-amin ko. 

"Ako... Si Luke! Kaming dalawa!!" ang naiiyak kong tugon. 

"Nag-aaway ba kayo?"

"hindi. HIndi yun" ang pagtatama ko. "Siguro tama yung mga kaklase ko. Na hindi dapat kami magpakasal. Kasi hindi normal."

"Hindi ganyang Xean ang nakilala namin. Sa pagkakaalam ko, ikaw yung klase ng tao na walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao."

"Pero minsan may mga sinasabi silang may punto naman"

"Talo ka na the moment you give up" ang komento ni Cupcake.

"Hindi ko alam ang gagawin ko"

"Mahal mo pa ba si Luke?"

"mahal na mahal"

"Gusto mo pa ba siyang makasama?" 

"Oo naman"

"Then, you should fight for him''

"Ano bang laban ko kay Ginger? Maganda siya, matangkad... Nung nakita ko nga silang dalawa kanina. Ang naisip ko; bagay sila"

"Well, may point ka naman. Di bale mabait ka naman eh" ang komento naman ni Bubbly.

"Tala pa rin naman ng maganda ang mabait eh" ang tugon ko.

"Uhm, ano... uhm" si Bloom habang sinusuri ako. nagkakatinginan naman silang tatlo. "MATALINO KA!!! Tama! Matalino ka!! Advantage mo rin yun!"

"Kahit na. Talo ng maganda ang mabait at matalino. At talo ng malandi ang maganda, mabait at matalino pero ang babaeng yun. Isa siyang malaking HIGAD!!!!!" ang nafrufrustrate kong komento.

"Ngunit hindi uubra ang higad sa jowang selosa!" ang tugon naman nila.  Napatingin naman ako sa kanilang tatlo.

"You have to stop listening to people again; lalo na kung hindi makakatulong sa ni
yong dalawa ni Luke"

"Pwedeng magtanong? Bakit biglaan kayong naging mabait sa akin?" ang curious kong tanong.

"Nanalo ka na. Wala nang rason para makipag-kompetisyon sayo" ang paliwanag naman ni Bloom. "So, friends?"

"O, sige" ang pagpayag ko naman. Inalok niya ang kanyang kamay. Inabot ko naman yun at nakipagkamay sa kanya.
                         
"Sino yang mga atribidang kaklase mo na nagsabi sayo ng mga hindi magandang bagay?" ang tanong ni Cupcake.

"Ah, hayaan na lang natin sila" ang sabi ko naman.

"Tinatanong lang namin, As if namang may gagawin kaming masama sa kanila" si Bubbly sabay tawa. Sakto namang lumabas mula sa classroom namin ang mga echusera kong kaklase. Umiwas ko ng tingin.

"Sila, no?" si Cupcake.

"Hindi no!" ang pagtanggi ko naman.

"Sus. Halata namang sila" ang komento niya. "Eh, hindi ka nga makatingin ng deretso sa kanila."

Napabuntong-hininga naman ako.

"Sha nga pala. Since magkaibigan na  naman tayo. Wanna hang-out?" ang tanong ni Bloom. Naoangiti naman ako.

"Gusto ko pero sa susunod na lang" ang pagtanggi ko naman sa ngayon. "Nag-away kasi kami ni Luke kaya gusto kong makipag-ayos."

"That's the spirit!" ang sabi naman ni Bubbly. Medyo umayos na ang pakiramdam ko. Hindi man ako makapaniwala ngunit dahil ito sa powerpuff girls na dati ay kinabwibwisitan ko.

"Mauna na ako" ang paalam ko.

"Before you go" si Bloom sabay kalkal ng bag niya at may binigay sa akin. Isang pouch na maraming pakinang-kinang. "Welcome to the club"

"Ha? Anong club?" ang tanong ko naman. Natawa naman silang tatlo.

"The Bitch Club" ang sabay-sabay nilang tugon. Napakunot naman ako ng noo at nagsimula nang maglakad palayo. Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Luke. Sa lahat ng tao, dapat siya ang unang taong pinagkakatiwalaan ko. Dumaan ako sa mini grocery ng University. Dumeretso ako sa candy section at kumuha ng dalawang bag ng Marshmallow. Papunta na ako ng cashier nang may makita ako. Natigilan ako. Natigilan din naman siya at nagkatinginan kami. Una kong binawi ang tingin ko. Pakiramdam ko ay parang na-glue ang paa ko sa sahig. Hindi ako makagalaw. Naramdaman ko naman na gumalaw siya. Hindi patungo sa akin kundi palayo. Napatingin ako at pinanood ang likod ni Luke. Dahan-dahan naman akong nagsimulang maglakad. Galit pa rin siya sa akin. Medyo mahaba ang pila. Tatlong tao ang pagitan namin sa isa't-isa. Hindi man lang siya tumitingin sa kanyang bandang likuran. Hindi ko makita ang pinamili niya. Napabuntong-hininga naman ako. Nang makapagbayad siya ay madalian siyang lumabas. Nang makapagbayad din naman ako ay mabilisan din naman akong lumabas para hanapin siya. Sa di kalayuan ay nakapark ang sasakyan niya. Nakasandal siya at nakatingin sa akin. Napatingin naman ako sa paligid. Madalian naman akong naglakad patungo sa kanya. Hindi ko nakita ang pinagbalatan ng kung ano man sa sahig at natapakan ko yun. Nadulas... at napaupo sa sahig. Mangiyak-ngiyak ako sa aking kinalalagyan.

"Okay ka lang?" ang tanong ng isang boses. Napatingin ako. Ang ganda ng ngiti niya. "Let me help you"

Mwy tumikhim naman sa tabi. Si Luke...

More Kimchi Please!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon