"Andyan ka pala" ang komento ko.
"Oo, andito ako; ang boyfriend mo" ang tugon niya. Problema nito? Kaagad naming nakaramdam ang isa kaya umalis na. Pag may ibang lalake sa paligid ko, ang bilis niyang magpakita. "Okay ka na ba?"
"Oo, pero mas magiging okay ako kung tutululungan mo akong tumayo" ang komento ko. Hinawakan naman niya ang kamay ko at hinila patayo. Napatupi naman ako ng mga kamay at napatingin sa kanya. Nagsalubong naman ang mga kilay niya. Napataas naman ako ng kilay.
"Naiinis pa rin ako sa'yo" ang pagbasag niya sa katahimikan.
"Kasi?" ang tanong ko naman.
"You were all mean to me kaninang tanghali" ang tugon naman niya.
"Seryoso ba tong taong to?" ang tanong ko naman sa aking sarili. "Sumpungin ako kasi may sakit ako"
"Well, sorry if naunahan ko ng inis. Stressed lang siguro ako kasi Hell week" ang paghingi naman niya ng paumanhin. Napangiti naman ako at tumango na lang.
"Para sa akin ba yan?" ang tanong niya habang nakatitig sa pinamili ko.
"Oo" ang tugon ko naman sabay abot sa kanya nung marshmallows.
"Heto" ang sabi naman niya sabay abot sa pinamili niya. Binuksan ko naman yun. Mga biscuit. "Peace offering ko sayo"
"Salamat" ang tugon ko. Bigla naman niya akong yinakap. "Namiss kita"
"Kahit na nainis ka sa akin?" ang tanong ko.
"Oo naman! Mas importante ka kesa sa anong inis at galit ko. And you know I can't stay mad at you"
"Ang sweet naman" ang komento ko.
"Mahal kita eh" ang tugon naman niya. "So, I can't help it. Tara na nga."
Inakbayan naman niya ako sabay halik sa ulo ko. Nagsimula kaming maglakad.
"XEAAAAN!" ang biglang may tumawag sa pangalan ko. Natigilan naman kaming dalawa at napalingon. Sila Bloom. Kaagad naman silang lumapit sa amin.
"What do you want?" ang seryosong tanong ni Luke sa kanila. Tinuro naman nila ako.
"May ibibigay kami sayo since we officially became friends." si Bubbles sabay abot ng paper bag sa akin. Tinignan ko naman ang laman.
"Ano tong mga to?" ang tanong ko.
"Mga beauty products" ang tugon naman nila.
"Para saan?" ang tanong ko naman ulit na ikinatawa nila.
"Uhm. For beauty?" si Cupcake.
"Hindi na kailangan ng Pillow ko ang ganyan." ang komento naman ni Luke.
"Kailangan mo ring alagaan ang sarili mo, hindi ba?" si Bloom. "Mga face pack lang yan to moisturize your face, Xean. Why not start using one tonight?"
"Uhm, o sige" ang hindi ko naman siguradong tugon sa kagustuhan nila.
"Yun lang naman ang pinunta namin. See you around" ang paalam nila bago tuluyang umalis.
"Since kelan ka pa nakipagkaibigan sa kanila?" ang tanong niya sa akin.
"Kanina lang" ang tugon ko naman.
"Ipapaalala ko lang sayo na sila ang gustong manira sa ating dalawa." ang komento naman niya.
"Nakaraan na yun" ang tugon ko naman.
"Paano ka naman nakakasiguro na okay na silang maging kaibigan? "
"Actually,mababait naman sila" ang tugon ko. "Hindi naman nila ako bibigyan ng ganito eh kung hindi kami okay"
"oh, well" ang reaksyon naman niya sabay kibit-balikat.