"Dada" si Brent. "I'm hungry"
"Let's eat then" ang tugon naman ni Luke. Nagtungo kami sa isang fast food restaurant. "Sa iba na alang siguro tayo"
"Bakit naman?" ang tanong ko.
"Ang haba ng pila" ang tugon naman niya.
"Dada! I want toys!" ang singit naman ni Brent. Napabuntong-hininga naman si Luke. Matiyaga naman kaming pumila. Habang naroon ay pinapakinggan ko na lang ang tugtugin habang si Luke ay nakatingin sa menu sa harap. Si brent naman ay tulad ko ay nakikinig sa awitin.
"Do you remember the
21st night of September?
Love was changing the minds of pretenders
While chasing the clouds away"
"Trolls!!!" ang biglang malakas na sambit ni Brent. Napatingin naman kami ni Luke sa kanya.
"Ano raw?" ang tanong ko kay Luke.
"Trolls... yung movie" ang paliwanag niya. "Gustong-gusto niya ang movie na yun. Isa yan sa mga ginamit na kanta sun. Napatango naman ako.
Ba de ya - say do you remember
Ba de ya - dancing in September
Ba de ya - never was a cloudy day
Ba duda, ba duda, ba duda, badu
Ba duda, badu, ba duda, badu
Ba duda, badu, ba duda
Ang saya lang ng kanta. Sumasayaw-sayaw naman si Brent sa tugtugin. As in sayaw talaga na may paikot-ikot pa. Ang cute niya lang tignan. , nakakatuwa.
"Tito Mallows" si Brent. "have you watched it?"
"Hindi pa eh" ang tugon ko.
"Let's watch it together" ang paanyaya niya.
"Ilang beses mo nang napanood yun" ang singit naman ni Luke.
"But Tito Mallows didn't" ang depensa naman ng bata. "We'll watch it later. Okay, Dada?"
Natawa naman ako. Hindi naman na sila nag-argyumento sapagkat um-oo na lang si Luke sa gusto niya.
"Magandang tanghali po. Dine-in?" ang kaagad na bungad ng staff nang turn na naming umorder. Sinimulan namang umorder ni Luke para sa amin.
"Brent, choose your toy" ang bilin ni Luke kay Brent. Tinignan naman ni Brent ang mga laruan.
"Dada, I want them all" ang tanong niya.
"You can only pick up one"
"Why?"
"If you take it all, the other children won't get one"
"Oh" ang reaksyon naman ni Brent. "So, I'll take them, Dada"
"Brent-"
I'll give them to my friends" ang tugon naman ni Brent. "They don't have these"
"Okay, fine" ang pagsuko naman ni Luke at kumuha ng limang kiddie meal.
"Hindi ba masyadong marami?" ang tanong ko.
"Wag kang mag-alala. Meron ako at ikaw" ang tugon naman ni Luke papunta kami sa vacant table. Nagsimula kaming kumain. Kumakain kami nang...
"Dada" si Brent. Napatingin naman kami ni Luke sa kanya. "Can I buy a girlfriend?"
"It's not that easy, Brent" si Luke. "And, you don't buy someone"
"Tito Mallows, he didn't buy you?" ang tanong niya.
"Of course not" ang natatawa kong tugon. Tumihimik naman si Brent at napa-Ninoy Aquino pose.
"Dada" ang bigla na naman niyang sinabi.
"Yes?"
"Can I have a girlfriend?"
"No"
"Why?"
"You're still studying"
"But you and Tito Mallows too" ang argyumento naman ni Brent.
"You're too young to have a girlfriend" ang sabi naman ni Luke.
"But I'm 6. "
"Still young, baby"
"When can I have a girlfriend?"
"When you're older"
"On my next birthday?" ang tanong naman ni Brent. Natawa naman ako.
"After twenty more birthdays, young man" ang tugon naman ni Luke sabay subo ng spaghetti. Nagsimula namang magbilang si Brent gamit ang kanyang mga daliri. Napakamot naman siya ng ulo.
"Too long" ang komento niya sabay sipsip namn sa juice na inorder ni Luke para sa kanya. Nang makakain na ay nagpaalam muna si Luke na magtutungo ng banyo para umihi. Yinaya niya naman kami at sumama naman kami. Hanggang sa paggamit ng banyo ay may pila. Wala naman kaming ibang pagpipilian kundi ang pumila. Sumabay naman si Brent kay Luke pumasok ng banyo.
"Dada, that's too big!!! Why mine is small?" ang malakas na tanong ng bata. Natawa naman ang mga nakarinig.
"Brent! You should not be looking at other people when they do their thing" ang saway naman ni Luke. Hindi naman nagtagal ay lumabas sila.
"Uhmm, hintayin ka na lang namin sa labas" ang nahihiyang sabi ni Luke. Tumango naman ako. Pagkatapos kong gumamit ng banyo ay lumabas kami ng Dumaan kami sa home section at tumingin ng mga gamit. Napako ang tingin namin sa mga sofa.
"Maganda yun oh" si Luke sabay turo sa isang puting sofa set.
"Maganda nga" ang pagsang-ayon ko. "Pero parang pang-opisina. Napaka-formal tignan. Boring"
"Look who's taking" ang komento naman niya. Napatingin naman siya. "Joke lang!So, what do you have in mind then?"
"Gusto ko yun" ang tugon ko sabay turo sa isang sofa set.
"It's pink" ang komento naman niya.
"Yes, it is" ang tugon ko. "Bakit? May problema?"
"It's PINK" ang pag-uulit niya.
"So?" ang tanong ko naman.
"Dalawang lalake ang makakasama mo sa bahay, pillow" ang paliwanag naman niya.
"Napaka-sexist naman. Kapag pink, pambabae na agad?" ang tanong ko nman. "Asan yung gender equality?"
"May jade green po kami at aqua blue" ang singit naman ni ng salesman.
"That's better" si Luke. "What do you think, Brent?"
Pero walang Brent.
"Pillow, si Brent?" ang tanong niya sa akin.
"Hindi ko alam" ang tugon ko. Pareho naman kaming nagsimulang mag-panic. Hinanap namin siya sa buong home section. Pinapage na namin at nagpatulong pa kami sa mga staff para mahanap siya.
Lumabas kami ng home section at inikot ang buong floor. Napadaan kami sa isang ice cream station. Napalingon naman ako sa loob. Natigilan namana ako at hinila si Luke. Tinuro ko ang nakita ko sa loob. Dalian naman kaming pumasok. Sarap na sarap siyang kumakain ng ice cream.
"Oh, hi Dada! Hi Tito Mallows!!" ang bati niya na parang walang ginawang mali. Nakangiti pa siya.
"Brent, don't do that again" ang sabi naman ni Luke. "Wag kang aalis na lang ng hindi nagsasabi sa amin. We were looking for you. We're worried"
"Sorry, Dada" si Brent sabay yakap sa kanyang Dada. "Ice cream?"
"You just ate" ang komento ni Luke.
"I'm hungry" ang simpleng tugon naman ni Luke sabay kuha ng wafer stick sa ice cream at kagat nito.
"Ano bang bitukang meron ka?" ang tanong ni Luke sa hangin.
"Look who's talking?" ang bulong ko naman. Napatingin naman siya sa akin. "Ice cream?"