CHAPTER 8:
THIRD PERSON.
Kyvn's dream land
'bakit ka nandito?' tanong ng isang batang babae sa batang lalake, nakatingin ako sa batang lalake na kamukha ko. don't tell me, ako yan?
'bakit? Meron akong ipapakita sayo' masigla nitong sabi sa batang babae
Sino to siya? At bakit pakiramdam ko, ang saya saya ko kung kausap ko siya?
'pagagalitan ako kung may makakakita satin na tauhan ni papa' pero wala parin sakin ang sinabi ng bata, at hinawakan ko ang kamay niya, parang pupunta kami sa kagubatan.
'di yan, nandun naman si jerson pati mike para kulitin dad mo eh'
'ang kulit mo talaga prince'
Prince? Tawag sakin?
'di naman tayo papahuli eh, may ipapakita ako sayo dali na'
Dumating kami sa isang lugar na may nagiisang carousel
Huh? Bakit nagka carousel dito?
Kita ko ang saya sa mga mata sa batang babae, ang ganda ng mata niya natutuwa din ako kung nakikita kong natutuwa ang batang babae.
Ang ganda ng mata, ang hahaba ng pilik mata.
'oh sabi ko sayo magagandahan ka sa surpresa ko sayo vixie eh ^_^'
Tuwang tuwa ako nang nakita kong nakangiti ang bata, ngayon ko lang siya nakitang ganyan ngumiti..
'pa kiss' gusto kong sapakin ang batang ako, sa pinag sasabi ko sa batang babae na gulat na gulat sa pinagsasabi ko. Nagulat nalang to ng mabilis na nilapit ng batang AKO ang labi ng batang babae at hinalikan
'hala! 1st kiss ko yun prince eh *pout*' ngumiti lang ako ng malapad at tinulungan siyang sumakay sa isa sa mga kabayo sa carousel ng biglang, may tumakbong mga lalake sa lugar namin, tauhan sila ng papa ni vixie.
'ma'am, kailangan na natin umalis' sabi ng personal bodyguard nito sabay karga kay vixie. Tumakbo din ako para habulin siya ng may nag karga din sakin.
'kailangan na din natin umalis prinsipe' naiiyak ako sa mukha ng akin royal guard dahil punong puno na ng dugo ang damit at ulo niya..
'kuya ste-ve, b-bakit m-may dugo?' singhot ako ng singhot dahil medjo nahihirapan na ako huminga sa iyak ko..
'wag kang umiyak prinsipe, ok lang to' malapit na naming mahabol si vixie ng may maingay na putok ang narinig ko kasabay na pagkatumba ni kuya steve, taranta akong lumapit sa kanya ang itayo siya.. pero.. napaiyak nalang ako ng may humila sakin, magkabilaan,
'kuy-a ste-ve'
'shhh.. pagagalitan kami ni vixie pag may mangyaring masama sayo' sabi nung humila sakin,
'kaya dali kana jan, maiiwan ka' sabi din ng humawak sa kabilang braso ko.. bakit parang kilala ko silang dalawa..
Nang nakasakay kami ni vixie sa van, sumakay din yung kambal na bata sa isa pang van, tapos pinatakbo agad ng driver ang sasakyan. Kinabahan ako lalo ng Makita kong kami ang hinahabol ng mga sasakyan as likod.. kaya mas bumilis ang takbo ng sasakyan, lumakas din ang pintig ng puso ko.
Lahat ng sistema ko nanginginig na sa takot.. sana sinabi ko nalang kay daddy na umalis ako para hanapin nila ako kung di man ako makauwi ng di oras...
Natataranta na ako ng bigla akong yakapin ni vixie,
'wag ka matakot.. di tayo pababayaan ni papa' magaalo nito sakin..
BINABASA MO ANG
When the Prince meets the Gangster [END]
Teen Fictionwhen a son of a king, meets a daughter of a mafia boss, what will happen if they fall in-love with each other, BUT CAN'T BE TOGETHER.