Chapter 29: Strong and Brave Kvyn

263 17 0
                                    



Kvyn's POV.


Iyak ako ng iyak ng makauwi galing sa parade, dahil sa magka halong takot at kaba.

"Son" yumakap sakin si mom para patahanin ako.

"Mom, can I just jump from this floor to end this life?" maluha luha kong tanong

"don't, you need to save vixen first" napatingin agad ako sa kanya pinunasan niya naman agad ang luha ko at pinaupo ng maayos sa kama niya.

"B-but I don't know, wala akong pakinabang" maiiyak na sana ako ng may bigla siyang pinasok sa tenga ko, napaiwas ako at natawa naman siya sakin bago bumulong

"I will help you, Sniper will help you" sabay kindat nito at inalalayan akong makatayo at hinatid sa veranda ng room niya, at nakita ko nga si sniper na nakatalikod, parang nagmamatyag

"tuturuan ka niya, para bukas ay maging handa ka" lilingunin ko n asana si mom ng bigla akong hilain ni sniper papunta sa bubong ng mansion

"sn-snip-er" nanginginig kong saad, nakakapit ako ng mahigpit sa braso niya dahil nakakalula ang taas ng semento galing dito sa pwesto ko, patay agad kung sino man ang mahulog samin

"Walk quietly and be safe" saad nito at inalalayan akong makatawid papunta sa malaking puno na di naman kailangang dalunin para maabot, malaki rin ang puno kaya ang tanong ay

'paano kami bababa doon?'

"Pikit" usal niya at humarap sakin at humawak sa magkabila kong braso

Sinunod ko naman agad at parang naramdaman ko nalang na parang kinarga ako at parang tumalon to sa ere. Pigil hininga ang ginawa ko at ng maramdaman ko na ang sahig ay nagmulat na ako,

"Na-Nasan tayo?" takang tanong ko dahil napunta kami sa isang kwarto na parang traning ground, may mga baril, espada, at iba pang kagamitan pang armas

"Dito kita tuturuan ng apat na oras" paliwanag niya, nakatakip parin ang mukha niya kaya mata lang ang maaaninagan sa kanya

"bakit?" tanong ko pabalik ng nagising ako sa reyalidad

"dahil wala rito ang hari at ang anak nilang si Kenneth, sa loob ng apat na oras"

At binaba ang tela sa parte sa bibig niya, napamaang ako ng Makita ko ang isang magandang babae

Nakanganga ako habang nakatingin sa ginagawa niya, tinaggal nito ang suot niyang ninja suit at natira ang black t-shirt at pantalon. At bumungad sakin ang magandang babae, pero parang nakita ko na ang mukha niya sa kung saan, hindi siya ngumingiti madilim siya tumingin sakin pero walang bahid ng galit o kung ano man, blanko lang.

"Magsisimula tayo sa defense" usal niya at pinaliwanag at ipinakita niya sakin lahat ng pwede kong gawin sa iba't ibang klaseng sitwasyon at paano ko iilag ang sarili ko.

'ano ba'ng ang meron kinabukasan?

"susunod ang paghawak mo ng baril"

At nagpaliwanag naman siya at ipinakita sakin pano, kelan at saan hahawak sa baril. Sa mga 45, maliliit na riple ang ininuro niya dahil dadako na kami sa mga matatalim na bagay gaya ng espada.

"ganito ang hawak rito" paliwanag niya at lumipas ang apat na oras ay sobrang dami kong nalaman kay sniper, at nalaman ko ang totoo niyang pangalan LIMUELA REVIS

At..

Nalaman kong ano nga ba ang mangyayari bukas,

Bukas ay may magaganap na event para sa ika apatnaput-pitong kaarawan ng pagiging hari ng kasalukuyang hari, at iniba niya ang theme dahil sawa na siya sa simpleng kainan tapos ay uuwi na ang karamihan, gusto niyang maging masaya ang iba para mapag usapan din ang ginawa niya sa iba bang grupo.

When the Prince meets the Gangster [END]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon