Vixen's POV.
Ngayong gabi,
Ngayong gabi na mauubos ang tauhan mo dennis, tignan natin kung sino pa ang tutulong sayo kung sa oras na ikaw na ang kaharap ko at ang anak mo.
Pagsisisihan mong nakabangga mo ang pamilya ko, ipaparamdam ko sayo pano lumaban ang isang anak ng mafia, kasama ng bala na ipapatama ko sa mga katawan niyo ay ang galit na matagal ko ng kinikimkim sa loob loob ko, at hindi wala akong ititira kahit sino man sa inyo tandaan mo yan
'Let me introduce myself later, vlad'
"Handa na ba ang lahat?" tanong ko sa kanila pagkalabas ko ng comfort room, nakasuot na sila ng kanya kanya nilang mga suits at dresses.
'ngayon ko lang atang napansin ang gaganda't gwapo ng mga kasama ko, ah'
Ngingi-si ngisi akong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin, nakasuot ako ngayon ng itim at gintong design na dress, hapit sa bewang, balloon gown pero nagiging cocktail kung hihilain ang laylayan ng gown.
"Yurey, magdala ka ng sniper, others handguns, back me up sa mga haharang, naiintindihan niyo?"
Nagsitanguan naman silang lahat bago isa isa ng lumabas ng room
"goodluck boys!" sigaw ni Xavier na nakataas pa ang isang kamay sa ere.
"ulul!" sabay batok ni xander sa kanya
Ngimiti pa ako ng saglit, bago kinuha ang mascara ko. Hindi to hinahawakan gaya ng sa mga ibang babaeng nag mamasquerade, itatali ko ang akin na gintong mascara. Mata lang ang makikita sa mascara na isusuot ko mamaya.
"kamusta si Terrence sa norway ngayon?" tanong ni angelo sakin ng pababa na kami ng hotel, kami ang huling lumabas ng kwarto
"hmm. Inaasikaso ang problemang matagal na palang nangyari lalo tuloy lumala, tumahimik lang ang dalawa" kwento ko, ewan ko naging palasalita na ako nung umayos ang pakiramdam ko kahapon
"ayos kana ba? Sinusunod mo naman ang habilin ni maxine sayo?" tanong niya, tumango ako sa kaniya, siguro kasama na to sa treatment para hindi nanaman ako atakehin, si Maxine Shin ay isang doctor na pala at hindi halata sa mukha niya. Napabunting hininga nalang ako sa nangyari kahapon
"ewan ko, mukhang medjo magaan na ang loob ko ngayon simula ng nakwento ko ang lahat sa kambal at sa inyo ang nangyari" patungkol to sa nangyari kay mommy...
Bumuntong hininga ulet ako at naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko, napatingin agad ako sa kanya
"wag kang susuko, kahit anong mangyari, lagi kaming nandito para sayo, okay?" pagkukumbinsi niya sakin, ngumiti naman ako bago tumango
"hmm. I will"
"ayan kahit papaano ngumi-ngiti kana" sabi nito at inalalayan ako hanggang sa makapasok kami sa elevator nauna na ang iba dahil, masyadong excited ang mga baliw sa party.
Actually mahirap makapasok sa event na yon' dahil matataas na tao lang ang pwede roon, at dahil nga kasama namin si wolf ay walang imposible.
Kaso wala siya dito ngayon -_-
"hey!" tawag samin ni clark na nakataas ang kamay , nakatayo na to malapit sa sasakyan niya
"nandoon sa harap ang limousine na sasakyan mo ngayon vix" kaswal na usal ni clark, sinamaan ko siya ng tingin dahil mukhang nasanay kakatawag sakin ng vixen -_-
"ay hehehe.. FOX" pagdidiin niya sa fox at nahihiyang sumakay ng kotse
"pwede ba akong sumakay sa limo?" tanong ni angelo na nandito pa pala sa tabi ko, tumango lang ako sa kanya bago niya ako alalayan makasakay sa putting limo na nirentahan ko lang dahil masyadong papansin to sa ibang tao pag may makakita na ibang tao rito.
BINABASA MO ANG
When the Prince meets the Gangster [END]
Teen Fictionwhen a son of a king, meets a daughter of a mafia boss, what will happen if they fall in-love with each other, BUT CAN'T BE TOGETHER.