Dumaan ang mga arawlinggo
nang hindi ko namamalayan
"hay... ano bang ginagawa ko sa buhay ko?" tanong ko sa sarili habang nakahiga sa kama, tumutugtog ang bagong kanta nang B1A4 na A Lie
fan ako nang kpop, hindi naman sa specific kung anong grupo gusto ko pero gusto ko lang talaga yung mga kanta nila basta pinakikinggan ko lahat, maganda naman talaga kasi yung quality kahit hindi mo naiintindihan, minsan pag gusto ko talaga maintindihan yung lyrics nag hahanap ako nang may English sub sa youtube ahahah, nakakagaan kasi sa pakiramdam yung kanta.
"hay......." bugtong hininga ko ulit, sabi nang mama ko masama ang mag buntong hininga lalo na kung bata kapa, diba dapat wala pinoproblema pag bata pa? hindi ko lang kasi mapigilan, medyo may napapagtanto lang ako sa sarili ko.
kung gusto ko ba ang ginagawa ko?
kung masaya na lang ba ako araw araw nakahilata?
kung may pag babago pa sa ugali ko?
kulang ba ako sa kaybigan?
masaya na lang ba ako sa ganito?
wala man lang ba akong life goals?
nasa tamang idad nako pero hindi ko pa rin alam pano mag desisyon para sa sarili ko
nakakahiya naman sa mga taong marami nang narating sa idad nila
sorry po at isang hamak na burden pa ako sa aking magulang
minsan talaga ayoko nang nag iisip eh, marami akong napag tatanto, buti na lang hindi gabi,
baka mapuyat nanaman ako kakaisip kung anong balak ko sa buhay ko ahahaha.
'tok tok'
"Max.., pinapabigay nang mama mo, nagluto kasi sya nang turon"
tapos nilapag nya sa study table ko, nag thank you naman ako, pero may pahabol parin na bilin si ate Lisa sakin
"sabi din nang mama mo Max, bumaba ka naman daw sa kwarto mo, mamaya daw inaamag kana hindi ka man lang daw bumaba buong araw"
" sige ate Lisa baba ako mamaya, si ate? asa bahay ba sya?"
"ah! umalis si Meg kasama nya yung manliligaw nya, nandito nga yun kanina eh, sinundo ate Meg mo"
"eh si mama? buti andito sya sa bahay? akala ko uuwi sya nang province?"
"bukas na lang daw sya aalis, staka nag tanong sya sakin kung palagay ko ba daw ay sasama ka sakanya, dahil gusto ka ata nya isama bukas"
"ah okok sasama ako paki sabi ate Lisa"
"sige at bumaba ka naman bata ka, mamaya nga ay amagin ka dyan" pag bibiro ni ate Lisa
"thanks!" sigaw ko habang sinasara ni ate Lisa yung pintuan
kinain ko din yung turon na gawa nang mama ko habang kung anu-ano pinag bbrowse sa internet.
nung mag sawa ako, bumaba na din ako, dumeretso ako sa terrace nang bahay namin dahil sa ganitong oras nag tatambay mama ko sa terrace
narinig kong may kausap sya sa phone
"ah oo, wala din naman ginagawa yung bunso ko"
tapos mukhang tuwang tuwa pa sya sa kausap nya sa ibang linya
