So ano nga ba ang ginagawa ko dito? Sabi ko nga mag babakasyon lang ako nang ilang months dito sa Pinas
Pero heto ako ilang araw pa lang gusto ko nang gumapang pabalik nang U.S, ang init! ako lang ba naiinitan dito sa Pilipinas? Tagaktak pawis ko, siguro kung nasa beach ako magagamit ko tong pawis ko para makahanap nang babae
Pero kung dito sa Manila nako ewan.
Naalala ko nga pala ngayon ako pinapapunta ni Luis sa bahay nila, wala daw syang oras para kitain ako kaya pumunta na lang daw ako sa party na ginawa nang parents nya.
Kaya naman nag bihis ako nang presentable feel ko mga matatanda mostly ang makakasalamuha ko doon. Parents ba naman mag handa nang party ni gago hahaha, malay ba nila sino mga kaybigan ngayon nang anak nila.
Malapit nako sa location nang bahay nang maaninagan ko mga ngilang ngilang sasakyan na naka parada. Tama choice ko buti hindi ako nag dala nang sasakyan.
"Thanks kuya, magkano?"
"250 lang boss" inabot ko kay kuya yung bayad sa uber, at nag pasalamat ulit.
Pagbaba ko sa sasakyan tinignan ko nnaman tong modernong bahay na nakatayo sa harap ko, yaman talaga nila gago.
To: Luis
"I'm already here bro, whe are you?"From: Luis
Go inside the house idiot, should i pick you up sissy?"To: Luis
"Hahahaha OMG! I like that, going there na para i can punch you in the face"From: Luis
"Punta kana lang dito gago, busy ako"To: Luis
"Nosebleed kana? Wala akong dalang regalo ah baka harangin ako"From: Luis
"Ininvite pa kita"To: Luis
"Harsh bro harsh"From: Luis
"Pumasok kana"To: Luis
"Opo"Tumatawa na lang ako dito sa labas nang bahay nila na parang tanga.
Pag pasok ko, doon ako nakaramdam nang medyo out of place taena hindi bagay prisensya ko dito hahaha, ang didisente nang mga tao dito.
May mukhang kaidaran naman ako dito pero hindi ko mga kilala, mga workmates ata ni gago to.
To: Luis
"San ka? Nanliliit ako dito, wala ka man lang ininvite na kakilala ko rin dito"From: Luis
"Ako ba nag ayos? Dito nga pala ako sa kusina"To: Luis
"Parents -_-"From: Luis
"San kana? Daming hanash"Nag tanong ako doon sa mga nag sserve saan yung kusina nila Luis, pagka turo naman nila agad ko naman pinuntahan yung kusina
Pagkarating ko doon eh busy nga si gago, busy sa pag entertain sa isang babae, eto ata yung nabanggit nyang nililigawan nya?
Maputi, mahaba buhok slim lang din yung katawan... ok ok tama na--basta maganda yung babae tama na yung pag ddescribe
To: Luis
"Sa harap mo bro, ganda nang chicks mo ah pakilala naman dyan"Nakita ko naman napatingin si gago sa phone nya, pati yung kasama nya napatingin din, napansin kong nabasa ata nung babae yung message ko kaya natawa sya at humarap sakin at ngumiti
To: Luis
"Kakain na lang muna pala ako, ganda nya bro penge nang number"From: Luis
"Suntok gusto mo Ariel?"