Ilang araw na din nakakalipas nang makabalik kami dito sa Manila. Laking pasasalamat ko dahil natapos na yung 3 days and 2 nights na yan dahil sirang sira halos buong week ko, pano ba naman yung pinsan kong si Rea akala mo ngayon lang nakakita nang taong gwapo i mean wala wala nevermind pero seriously?! kung makakapit? buong stay namin sa province simula nang makilala nya na si Alex hindi na bumitaw?!
tulad nung nangyaring kainan
"Ahm Alex you want this? kinuha na kita masarap to" ganyan ganern, si gungong naman parang tuwang tuwa pa what the hell diba?!
tapos nung mga nakaraang araw din umagang umaga nasa kusina na namin ang bruha, parang shet men?! wala kabang bahay?! okay sana kung mga dapit hapon ka pumunta pero yung umagang umaga na yon sya tumambat sa harapan ko nakakasira lang nang ulo.
may parang bumangga naman sa likod ko pero hindi ganun ka lakas para matumba ako, pag tingin ko si Alex nag kukusot nang mata ugali nya na yun, bago pa sya mapansin ni Rea hinablot ko na sya dimiretso kami sa kwarto ko at pinaupo ko sya sa kama
"what the F Max?" inis nya "bat bigla bigla ka na lang nanghahabit?"
"wala gusto ko lang" sabi ko
"seryoso yan sasabihin mo? kasi ilang araw na kitang hindi nakakausap so iniisip ko may ibang dahilan para kaladkarin moko" errr ang haba nang sinabi nya -_-
"edi lumabas kana" sabi ko na lang, nakaharap kasi ako sa laptop ko tinitignan ko ano pwedeng mapanood na movies nang maramdaman ko na tumayo si Alex sa kama palapit sya nang palapit nararamdaman ko papunta sya sa gawi ko. Dahil kung lalabas sya nang kwarto dapat kanina pa narinig ko nang sumara yung pinto nang may narinig kaming katok nang katok
"knock knock"
"Alex?"
"knock kcock"
"yuhooo"dahil magkatapat lang kami nang kwarto ni Alex kaya narinig ko yung mala drum na katok ni Rea kasabay pa nang maarte nyang pananalita -_-
"hsss" narinig ko sa likod ko, kaya napaharap naman ako sakanya nakita ko na nag kakamot sya nang ulo, anong problema nito?
"hindi mo pa ba sya pupuntahan? katok nang katok oh" tanong ko kay Alex
"bat hindi ikaw? kwarto mo to diba? ayaw mo naman siguro na isipin nya na ..."
"oo na! oo na!" pag puputol ko sa sinasabi nya, nyeta to "oh! ano sasabihin ko?" pag tatanong ko sakanya
"errr hindi ko alam, basta gawa ka na lang nang excuse"
"fine" iritang tugon ko, tapos sya naman tong higa nya ulit sa kama ko, nyeta to sya may bisita ako haharap -_-
pag bukas ko nang pinto nakikita ko pa ring kumakatok katok si Rea
"uhmmm Rea? pwedeng stop na? nabubulaho ako eh, katok ka nang katok dyan mukha naman hindi lalabas yung tao dyan sa loob" pang rrealtalk ko na sakanya dahil nung isang araw pako irita sakanya
"nakita mo ba si Alex?" pag tatanong nya sakin
"hindi, kakagising ko nga lang eh, akala ko kasi kung ano yung ingay" sarcastic na tugon ko
"ah okay salamat" labas sa ilong nyang sabi, nakita ko pang umirap yung mata nya, tapos ang arte nya pang bumaba sa hagdan, b*tch
pumasok ulit ako sa kwarto ko pagkakita ko mukhang nakatulog nanaman tong hampas lupa na to sa kama ko, kairita ako na mroblema sa bwisita nya habang sya dito nakatulog na, sa inis ko niyugyog ko yung kama.
"gumising ka nga dyan" yugyog kong sabi, nakatalikod kasi sya sakin kaya nung pag harap nya sakin, bigla nya kong hinila kaya napahiga ako sa itaas nya
"ano manggigising kapa?" pag hawak nya sa kamay ko, what the?!
"bitawan moko!" pag pupumiglas ko, pero ang walang hiya lalo nyang hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay ko, gusto ko sanang sipain yung where it hurts the most nya kaso hindi ko magawa dahil kahit mismong legs ko iniipit nya sa legs nya para tuloy syang nakayakap sakin.
"inaantok pako wag kang magulo" sabi nya sakin
"eh bat ka bumaba kanina kung inaantok kapa?" pag tatanong ko
"iihi ako dapat pero bigla moko hinabit"
"eh bat hindi kapa umuhi kung na iihi kana pala kanina?"
"nawala na yung kilig ko, staka ayoko bumaba baka nandun pa yung pinasan mo, staka inaantok pa talaga ako"
"eh bat hindi kapa lumipat sa kwarto mo?"
"bat ang dami mong tanong?" inis nyang sabi sakin "matutulog ako, wag kang magulo" yun na last nyang sabi, kumakawala pa rin ako sa pag kakahawak nya pero matigas pa rin yung hawak nya sa kamay ko, haggang sa 10min na siguro nakakaraan naramdaman ko na lumuwag yung pagkakahawak nya sa kamay ko, kaya nakawala yung kamay ko sa pag kakahawak nya, pero yung kalahati nang katawan ko stock pa din sa pag kakaipit ni Alex sakin sa legs nya, hindi pa rin ako makawala, sakto lang naman sa paningin ko yung katawan ni Alex siguro lalaki lang talaga sya kaya malakas ahaha ganda nang reasoning ko.
yung itchura namin ngayon, nakakumot si Alex, habang ako nasa labas nang kumot.
nyeta pano ako makakawala nito, mamaya may biglang umakyat kainis naman
kaya ang ginawa ko ginising ko sya nang maayos medyo naalimpungatan naman sya.
"Alex nagugutom nako pakawalan mo nako" pag sisinungaling ko, nakinig naman sya kaya niluwagan nya na yung pag kapit nya sakin
"pag hinanap ako nang pinsan mo sabihin mo hindi mo alam nasan ako, sabihin mo kahit ikaw hinahanap moko" medyo antok nya na sabi, umoo na lang ako dahil baka pag tripan nnaman nya ko
pag baba ko hindi ko na din makita si Rea sa baba, kaya nung pumunta ako nang kusina kumain nako nang umagahan, tapos nanood lang ako nang T.V, nang makita ko si Alex bumababa nang hagdanan aba bumangon pa sya saktong mag tatanghalian, puyat siguro talaga to
umupo lang din sya at nanood, trip nito? pero na nonood pa rin ako
"samahan moko" panimula nya sakin
"saan naman? staka andyan naman si Rea ah" sagot ko
"hindi ko pa halos naiikot tong lugar nyo, staka ayoko na muna kasama pinsan mo masyadong makapit" sabi nya, ha! buti alam mo
"sige, pupunta din naman ako nang bayan mag ffoodtrip ako and baka makita ko din mga friends ko doon"
"good" yun lang sinabi nya then end of convo na kami, pag dating namin sa bayan napansin ko nga hindi pa sya naiikot ni mama dito, kaya nag ikot ikot muna kami, tapos nag kita kami nung mga kababata ko sa harap nang church malapit sa school na pinasukan namin dati, then nag infinitea lang kami and nag catch up catch up.
nakakasabay naman si Alex sa mga kalokohan nang mga kaybigan ko kaya masaya naman hindi ko sya alahanin, grupo kasi kami kaya ramdam mo na masaya.
yung araw lang na yon doon ko na enjoy yung bakasyon namin, kaya kahit papano hindi buong 3days na yun na irita ako ahahaha!
andito ako ngayon sa bahay hinihintay si Alex na dumating mag papasama kasi ako sakanya staka para makapasyal na din sya.
