Phase6

26 0 0
                                    

kasama ko ngayon sa sasakyan si Max nag uber kami dahil hindi kami makasakay nang taxi nauunahan kami lagi, actually medyo natuwa ako ngayong araw biruin mo hindi na nga nya nabili yung gusto nyang bag, napagod pa sya kakahanap sa outlet nag babasakali na may stock pa tapos napag tripan ko pa sya.

well technically ako nag suggest na hanapin namin yung bag sa mga mall, ginawi ko yung paningin ko sakanya nakatulog sya kanina pa kasi sya talaga nag rereklamo sakin na masakit na yung paa nya, kasi ewan ko parang gustong gusto nyang mabili yung bag na gusto nya kaya naisipan kong isa isahin yung malalapit na mall samin para hanapin but i guess medyo nakalimutan kong kasama ko nga pala sya pag nag iinarte na sya at nag sasabing "Alex ang sakit na nang paa ko" hahatakin ko sya.

Pero yun nga may limit talaga siguro, napansin kong pagod na talaga sya kaya tumigil na kami tapos nag pahinga, tinanong ko kung kaya nya pa pero napag desisyunan na naming umuwi so eto na nga tulog na tulog sya

napansin ko yung sling bag nya nabibitawan na nya, kaya kinuha ko.
pasalamat to may kasama sya kundi baka napag diskitahan na to.

"sir mukhang pagod na pagod girlfriend nyo ah" usisa nang uber driver

"ewan ko po dito ang kulit kasi, gusto nya mahanap yung bag na nagustuhan daw nya kaya nag ikot ikot kami sa mga mall"

"nako sir ang supportive nyo ah ahaha, sabagay mukhang nag enjoy naman po ata kayo, tignan nyo ang sarap nang tulog nya ahaha"

"opo nag enjoy naman po kami" nag enjoy akong asarin sya ahahah

habang nasa byahe kami nag kwekwentuhan lang kami ni kuyang driver, hanggang sa nahatid nya na nga kami sa bahay nitong babaeng to

"hey gising na andito na tayo"

"teka lang" taboy nya sa kamay ko

"shunga tulog mantika ka talaga gumising kana"

"eto na nga eh" tapos nag tingin tingin sya sa paligid habang namunungay ang mga mata na confirm nya siguro na nasa bahay na kami, kaya nung dadamputin na nya siguro yung bag nya sa gilid nagulat sya.

"asan bag ko?" pag tataka nya

"eto?" tanong ko "o yung bag na hindi mo nabili?" pang aasar ko ahaha

"letse akin nga yan!" kinuha nya sakin yung bag sabay labas nang sasakyan, nag pasalamat ako kay kuyang driver.

habang palapit sa gate nila nag rereklamo tong kasama ko na masakita na daw talaga yung paa nya, nasa likod nya lang ako nang may marinig kami na parang nag sasagutan

pagtingin ko Meg? nasa loob sila nang bakuran nag sasagutan

hindi ko alam yung pinag aawayan nila at ayaw ko din marinig, tinitigan ko lang si Meg pero hindi ko talaga kaya, umalis ako ayoko makita ayokong nakikitang nasasaktan sya kaya umalis ako.

hindi ko na nagawang mag paalam kay Max, basta nag lakad na lang ako nang nag lakad.

bat ganito? ganito ba lakas nang tama ko? naiinis ako yung feeling na gusto ko syang kausapin pero hindi ko magawa, gusto ko syang samahan pero hindi ko magawa, gusto ko ako na lang... pero hindi mangyayari

hanggang dito lang talaga magagawa ko, hindi ko naman maamin talaga na mahal ko sya. Pag inamin ko may makukuha bako? pero gusto ko subukan yun ang nasa isip ko

I think i'm falling in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon