Phase2

40 1 0
                                    




saktong 6am umalis kami nila mama sa bahay apat kami mag kakasama. Ako si Alex, mama and yung kasama namin sa bahay si nanay Nida, maliban kasi kay ate Lisa na lagi saamin ni ate naka tuon at sa bahay, si nanay Nida naman kila mama tsaka since day one ata na pinanganak ako kasama na namin sya kaya maraming na syang alam about sa pamilya namin at sa bahay. Inshort katiwala na talaga namin sya sa lahat.

bali 3 hours ang byahe namin papunta sa province, laki kasing kapampangan ang mama ko, bago kami umalis sa bahay pinaalahanan kami ni mama na mag dala nang damit baka daw mag tagal kami nang 2 days, kaya kaming dalawa nitong kasama ko sa backseat, maliban kay mama na nag ddrive at si nanay Nida na nasa harap, ay naka bagpack akala mo ay mag hhiking kami sa bundok.

nasabi ko nabang mahilig ako sa music? pag mahaba kasi ang byahe tulad nito pinapasakan ko nang earphones yung tenga ko lalo na kung hindi naman ako yung nag ddrive, tapos nag mumuni muni, haharap sa bintana nang sasakyan ganon ang peg ko ahaha, minsan pag maganda yung kanta mapapahum ako,

eto namang kasama ko sa backseat tulog na tulog ahahha, sabagay after ko kasi syang sunduin kinulit kulit ko lang sya nung hapon na yon sa bahay, kung ano anong pagkain inaalok ko sakanya, kinakain naman nya tapos daldal lang ako nang daldal, na kwento ko na nga din sakanya yung mga friends ko sa college  na ngayon nasa kanya kanya naming bakasyon, mga struggles na nalapagsan ko sa 3yrs nang college ko, tinatanong ko sya about sa school life nya sa states ang sabi nya lang eh limited lang daw friends nya doon puro aral din kasi sya, infairness hindi sya madaling mag open up about sa buhay nya sa states, ako lang talaga itong madaldal saming dalawa ahaha

pumasok kami sa kwarto ko maliban sa mga friends ko, sya lang ang lalaki na naka pasok sa kwarto ko

"alam mo ikaw pa lang nakapasok sa kwarto ko na lalaki, syempre maliban sa papa ko"

"so ano pinapalabas mo nako?" tanong naman nya

"chaka ka ah! sinasabi ko lang yung fact, alin ba sa mga sinabi ko na pinapalabas kita? gusto mo dito kapa matulog mamaya eh"

"nah doon na lang sa guestroom nyo, baka kasi hanggang pagtulog kulitin moko"

"kapal mo po koya!" pagkasabi ko noon eh sabay naman nyang inopen yung T.V sa kwarto tapos nag hanap hanap sya nang may mapapanooran.

ako naman tong si mukhang loptop eh umupo sa study table at kung ano ano pinag ssearch, nang may naisip ako, aba nag iisip din pala ako? ahhaha

"gusto mo manood nang movie? marami ako dito" alok ko sakanya, tapos umoo naman sya, hindi naman sya mahirap alukin, oo nga lang sya nang oo eh, pero sobrang limitado lang sya sa mga sinasabi nya, yung tipong pag hindi mo sya kakausapin hindi ka nya kikibuin, sya pinapili ko tutal yung iba doon sa flashdrive ko napanood ko na, hanggang sa nakapili na sya tapos sinalang ko. Maya maya nilingon ko na tong kasama kong nanonood

aba sabi nya hindi sya matutulog dito? eh tulog na tulog eh

hanggang sa may naisip ako na kalokohan, pinatay ko yung pinapanood namin tapos iniwan ko sya sa kwarto, bahala sya doon, sabi nya diba ayaw nya matulog doon? ahahha

ginulo ko na lang si ate Lisa sa kusina tapos yung mga niluluto nya tinitikman ko

"asan si Alex yung kasama mo?" tanong nya, habang tinitikman ko yung sinigang na niluto nya, masarap din kasi sya mag luto.

"ah ayun nakatulog ahaha, iniwan ko"

"hala ka mamaya hanapin ka noon"

"malaki na yon ate Lisa, hayaan nyo na sya"

"ikaw na bata ka, bisita mo iniiwan mo" natawa na lang ako, then maya maya dumating na si ate Meg, hindi lang pala si ate Meg kasama nya din yung manliligaw nya si kuya Luis, lels this is so awkward ahahaha goodluck Manalansan ahahha i mean Alex the great.

I think i'm falling in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon