Wala kami napala sa lakad namin ni Alex, may bibilhin dapat ako na bag, nagustuhan ko sya one time nung last na mag punta kami nang mall ni ate, ang kaso ngaun pag balik ko wala na silang stock, nung una akala ko hindi ko na sya mabibili dahil ang suggest ni Alex punta kami sa ibang outlet kung saan binebenta yung bag, kaso bawat pasok namin sa outlet na yun wala na silang stock.
Pero ang napapansin ko kahit ilang outlet ata puntahan namin hindi napapagod mag lakad si Alex, sya pa nga nauuna sakin mag lakad, ilang mall palang napupuntahan namin pagod nako tapos eto sya parang hindi napapagod hinahabit pa nga nya ko pag bumabagal nako mag lakad, binabalikan nya ko.
"Alex teka lang pagod na talaga ako, hanap muna kaya tayo nang mauupuan?" reklamo ko sakanya
"ok" sagot naman ni Alex naka tingin sa likod ko
"doon? ok lang na maupo ka doon?" tanong ni Alex sakin sabay turo doon sa sinasabi nya, medyo na weirduhan ako kasi parang ang lakas nang dating nung nag salita sya na parang concern pa sya sakin?
tumingin naman ako sa tinuturo nya,
so park pala tinuturo nya at may upuan doon na bakante, hinabit ko sya and tumakbo papunta doon para hindi maunahan ahahaha gusto ko na talaga umupo sa totoo lang at ayaw ko nang maging choosy, nag patangay na lang tong kasama ko.andito kasi kami sa susunod na mall na pupuntahan namin sakto may nakita tong kasama ko na park at pwedeng pag tambayan.
"thank you po Lord! ang bait nyo sakin nakaupo na po ako" sigaw ko dahil ang sarap sa feeling na mapahinga paa ko.
nag taka naman ako nang mapansin ko nawawala kasama ko."Alex?" pag hahanap ko
tumingin tingin ako kaliwat kanan nang makita ko sya palakad papunta sakin may dala dalang dirty ice cream.
"oh pampalamig" abot sakin ni Alex habang paupo sa napili kong upuan
nag pasalamat naman ako tapos kinagatan ko na kaagad, whoo! so refreshing ahaha, tumingin ako sakanya habang kinakagatan nya yung ice cream na bili nya, i feel guilty wala na ngang nangyari sa lakad namin napagod pa kami tapos hapon na andito pa rin kami nag hahanap sa bag na hindi ko na ata mabibili, sinabihan ko pa naman sya na i papasyal ko sya.
"sorry" sabi ko sakanya
"why?"
"hindi kita na tour? tignan mo hapon na pero kahit mag lunch hindi natin nagawa para mahanap lang yung bag na gusto ko" pag eexplain ko sakanya
"i insist to find it right? so why are you explaining and apologizing, and i think you toured me already while finding that bag" pagkatapos nyang sabihin yun ngumiti sya.
"second" hindi ko namalayang sabi ko
"ano?"
"wala" sabay ngiti ko sakanya
"you're weird" sabay ubos nya sa ice cream na kinakain namin
pangalawang beses ko nang nakita yung ganong ngiti nya, kaya medyo natuwa ako at hindi naman nasayang yung araw na to, i don't know? simula nang nakilala ko si Alex hindi ko maiiwasan maging concernd sakanya lalo nat naalala ko ang kwento ni tita Nancy kay mama.
pagbalik namin nang Manila sumama pako ihatid si Alex sa bahay nila, inalok kami mag miryenda ni tita Nancy hindi naman tumanggi si mama dahil ilang linggo na din nung last na nagkita kaming mag pamilya doon nag chismisan si mama and tita Nancy.
