Habang buhat buhat namin yung bagpack namin papunta sa bahay naalala ko mga memories ko dito sa lugar na to.
ilang taon din ako hindi nakapunta dito, 3years? napag-isip isip ko
pano ba naman hindi aabot nang 3years, akala ko makakasurvive ako sa tinake ko na course hanggang akala lang pala ako ,
hindi naman kasi big deal sakin na mataas yung grado ang gusto ko maka survive sa couse na kinuha ko. Kaya ang nangyari imbis na mag bakasyon ako nag summer class ako noong second year, kaya etong third year at susunod na darating na sem medyo maluwag na schedule ko.
worth it naman oo, pero whoooo! i miss this place! dito kaya ako nag elementary and highschool ahhaha.
sinalubong agad ako ni lola Tasha
"lola! waaaah i miss you! eto! etong lahat na miss ko!" sigaw na sabi ko habang payakap sa lola ko
sya nga pala yung mama nang mama ko ahhaha ano gets mo ba?
"apo! jusko! ilang buwan lang kita hindi nakita namayat kana" malungkot at pag haplos nang mukha nang lola ko sa pisnge ko
"lola! ano ba yan lagi naman akong mapayat sa paningin mo eh, everytime na mag kikita tayo yan naman talaga reklamo mo ahahhaa, miss you lola!"
"hmmm, apo ko" yakap ulit sakin nang lola ko
noong inalis na ni lola yung pagkayakap sakin tumingin sya sa likod ko at doon ko lang naalala, oo nga pala! shete si Alex OMG..!
palakad na pumunta si lola kay Alex, at nabigla si lola nang kunin ni Alex ang kamay nya, hinalikan nya ito at nag mano, nakita ko yung expression ni lalo nagulat pa lalo at napangiti nang kalaunan.
"magandang umaga po" panimula ni Alex kay lola
"magandang umaga din iho, pamilyar ka sakin"
"ahm anak po kas----" naputol sasabihin ni Alex nang dumating si mama sa sala, napalingon si lola sa gawi ni mama dahil may dala itong juice at hindi kape na inumin ahahha
"oh? bat hindi nyo pa iakyat yan?" tanong ni mama
"kausap pa namin si lola ma ano ba? nag mamadali?" pamimilosopo ko kay mama
"Maxine?" lagot sabi ko nga joke
"eto na nga po eh..., tara Alex" aakyat na sana kami nang nagsalita ulit si lola
"teka Ysa, hindi ba anak ni Jerome itong batang to?" hawak sa balikat ni lola kay Alex
"Ma opo si Alexander po yan, naalala mo pa po sya diba?" pag sabing lapit ni mama kay Alex
"oo naalala ko sya, kaya pala sabi ko namumukhaan ko tong binatang ito ahahaha" tuwang sabi ni lola
"o sya sige iakyat nyo na yang bag nyo at mag uumagahan na tayo, bumaba kayo kaagad Max ah?" ngiting sabi ni lola, at ngumiti din ako
paakyat na talaga ako nang hagdanan nang may kumuha sa kamay ko nung bag ko
"akin na, saan yung kwarto?" tanong sakin ni Alex habang nasa balikat nya na yung bag ko, sunget -_-,
nakaakyat na kami sa second floor, isang mahabang hall way yung nasa taas, kasi halos lahat nang kwarto nasa taas. Nasa pinaka dulo yung kwarto ko at may katapat na bakanteng kwarto, doon kasi tinuro ni mama na patulugin si Alex para daw malapit lang sya samin, kasi sa unahan nang kwarto ko doon masters bed room na tinutulugan nila mama pag andito sila,
nakarating na kami sa dulo, tinuro ko kay Alex yung kwarto nya, after nun pumasok nako sa kwarto ko, haaaaaaaaaaaaaaay! miss ko na din tong kwarto na to! pabagsak kong higa sa kama.
wala pa atang 20min may kumakatok na sa kwarto ko kaya pag bukas ko nang pintuan tumambad sakin yung poker face ni Alex
"ano may balak kapa bang bumaba? hinihintay ka namin" napa huh? ako sa isip
"mag uumagahan tayo diba? mamaya mo na ayusin yang gamit mo" sabay hila sakin palabas nang pinto, nung naka labas nako sa kwarto, sya namang sara nya din nang pinto at dumiretso na nang hagdan, hawak hawak nya pa rin yung wrist ko.
hindi ako maka kibo hindi dahil sa kinikilig ako, kundi dahil punyeta! kulang ako sa tulog tapos kakaladkarin moko nang ganito! walang pasintabi!
malapit na kami sa kusina nang hatakin ko na yung kamay ko sa pagkakahawak nya, napatingin naman sya sakin at umirap naman ako, punyeta medyo naalog utak ko doon sa pag hila nya sakin doon sa kwarto.
Nasa dining table na sila lola nang umupo nako, tapos sumunod naman umupo sa tabi ko si Alex, nasa left side kami tapos sila mama naman sa right side, nag kkwentuhan lang sila habang kumakain.
marami kasing gusto bisitahin ngayon si mama, kaya nung tinanong nya ko kung sasama ako, ang sabi ko tutulog muna ako dahil parang kulang ako sa tulog.
tinignan naman nya si Alex at ngumiti naman si Alex sabay sabing sasama daw sya, kaya ang natira sa bahay after kumain ay ako.
pag balik ko nang kwarto binuksan ko yung music, nakikinig lang ako habang naka higa hanggang nakatulog na ako
kinukusot ko mata ko nang tignan ko yung phone ko, 11:30am na pala haba din nang tulog ko 8am umalis sila mama eh, andito na kaya sila?
pag labas ko pumunta kaagad ako nang kusina dahil lagi naman nandoon sila mama at lola nag uusap pagkarating ko doon tama naman ako nandoon nga sila.
kinamusta ko yung pag bisita nila sa farm, wala naman daw masyado nangyari kasi halos lahat naman maganda pangangalaga sa farm, kaya tinanong ko na lang si Alex kung nasaan.
"ah si Alex? kasama si Rea, pumunta kasi kami kay aunti Chelsie mo tapos dahil wala nga makausap si Alex pinasamahan ko na lang muna kay Rea, andyan lang sila sa labas, ppunta din kasi sila Chalsie dito mamaya para mag miryenda kaya nauna na dito si Rea" napa ok naman ako, tinanong ko lang nasaan si Alex sinabi na lahat ni mama yung detalye ahahhaa
pumunta naman ako sa bakuran doon ko nakita si Rea at Alex nag tatawanan, ok? diba ngayon lang to nagkakilala?
oo nga pala pinsan ko si Andrea Rea for short, pinsan ko sya sa papa nya bali magkapatid mama ko at papa nya.
lumapit naman ako sakanila
"hi guys!" yun lang nasabi ko at humarap naman sila
"Max!" excited na tayo ni Rea at niyakap ako
ahhhh? alam ko hindi kami close nito eh ano nangyayari?
napatingin na lang ako kay Alex, at mukhang tuwang tuwa sa nakikita dahil pansin nya ata talaga na awkward ako dito sa pinsan ko, kase totoo naman eh, hindi kami close -_-
