Habang nag papasa ako nang requirements ko sa mga subjects ko, sabi kasi nang prof namin ipasa na lang s faculty nila, iniisip ko na tama ba yung ginawa ko? Hindi ko ginawa yung bahay pano naman kasi ahmm? Ano ba hahaha!? Nag eenjoy ako kasama si Maxine, sa buong ilang weeks nakong pumapasok sa summer class ko ngayon lang nag ka buhay yung summer vacation ko, lagi ko kasi hinihintay mga banat at mga second demotion na sagot ni Maxine parang nang hihinayang ako kung agad agad ko na lang tatapusin.Sa three weeks ding yon na observe ko ano ang ayaw at gusto ni Maxine, sa tuwin mag papakita kasi ako nang design nang bahay saknya sasabihin nya na "ay ayoko yan", "eto tanggalin mo", "ano ba nat binalik mo yan? Diba pinatanggal ko na yan?!"
Kung hindi ka ba naman mabaliw sa babaeng yon hahaha! Nag mamadali nga ako mag pasa para deretso nako doon sa coffeshop dahil ayoko na din naman tumambay dito sa school.
Nang mapasa ko na lahat syempre confident naman ako na tama lahat nang ginawa ko hahaha, kaya dumeretso nako sa coffeeshop.
Hmm wala pa sya good, ddrawing ko na lang sya baka sakaling magustuhan nya, sana magistuhan nya.
Kaya nung nag sisimula nako bigla namang dating nya.
Bilib din ako sa babaeng to lagi na lang ako nagugulat sa pinag gagawa nya hahaha
"Ano ginagawa mo?"
Kaya sinabi ko na ginagawa ko yung bahay nya, kahit hindi naman
Sa kulit nya paulit ulit pag tanong
"Luh pano ko matatapos to eh dinadaldalan moko haha"Nanahimik naman sya, kaya habang nag ddrawing ako balak ko sana i drawing mismong mukha nya kaso nung napatingin ako sakanya wala na, feel ko pano ko ba nakilala yung babae na to? Hindi naman ako naniniwala sa destiny pero bat ko nakilala tong babae na to? Kaya hindi ko na control yung ginagawa ko imbis na mukha nya idrawing ko kung pano ko sya nakikita ngayon ganun ko sya dinrawing.
Sa sobrahan ata ako kaya nadala ako sa pag ddrawing halos i drawing ko na lahat nang sulok nang coffeeshop kung ano nasasakop nang mga mata ko balak ko na ata i drawing. Natauhan ako nang mag salita na si Maxine
"Tapos kana nyan?" May halong irita na sabi nya, hala pano ba to? Kaya kahit balak ko i drawing lahat sinabi ko patapos na.
Nung nakita nya drawing akala ko hindi nya magugustuhan dahil puro reklamo ata kanchaw narinig ko sa bibig nya, bisit bat kahit anong pag susungit nya sakin natutuwa ako, kaya hindi ko mapigilan ngumiti at tumawa.
Sinamahan nya ko bumili nang envelop para doon sa drawing dahil i fframe nya daw, natawa ako sa loob loob ko dahil nung inaya ko syang mag gala ayaw nya, pero nung bibili nang envelop sumama naman, gulo talaga nang babaeng to hahaha.
Pero bago kami mag hiwalay may nakita akong mga bulaklak na binebenta saktong umihi sa malapit na fastfood chain si Maxine
"Uy iihi lang ako! Shit"
"Ayun oh Mcdo dali na, grande ba naman orderin mo hahaha"
"Aba kung sana mabilis ka lang natapos edi sana hindi grande inorder ko tubig lang! Bwisit to, naiihi nako hawakan mo tong sling bag ko"
kaya habang wala sya bumili nako nang bulaklak nilagay ko sa sling bag nya pinaka ilalim
Pag dating nya nag tataka sya at tinititigan nya ko.
"Huy matunaw ako" gatong ko sakanya
"Wala lang parang ngiting ngiti ka dyan ah? Naiihi ka din ba?"
Natawa na lang ako, kaso bigla mag lumapit samin na bata namamalimos.
"Kuya ate palimos po? Kahit barya lang po"
Kukuha na sana ako anng barya sa bag ko kaso wala akong makapag na barya, kaya napatingin ako kay Maxine natawa naman sya, yung bata para naka ramdam kaya inulit nya ulit pang hihingi nya
"Kahit barya lang po kuya ate"
Akmang bubuksan na ni Maxine bag nya nang pigilan ko sya
"Wag!" Nagulat naman sya
"Luh napano ka?" Hala yung bulaklak? Balak ko sana pag uwi nya doon ko sabihin na binigyan ko sya bulaklak
"Wala wala binibiro lang kita hahaha"
"Taena pinakaba moko" inis na sabi nya, tapos bumaling sya bata para pag hintayin
"Ui ano to?! Hahaha" tawa nyang sabi, wala na nakita nya na.
Kabang kaba ako.
Natatawa pa rin sya
"Oh bata sampung piso bbye" pag papaalam nya ngumiti naman yung bata at nag pasalamat."Tignan moto oh Arjel?! Hahaha andito pa pala sa bag ko yung chocolate na binili ko pa nung last week" tawang tawa sya
Tangina kinabahan ako doon akala ko kung ano nakita nya, buti kanina nung inaayos ko yung sling bag nakit ko yung chocolate pinatong ko doon sa taas hahaha
"Tara na nga sasakay na kita sa UV"
Natatawa pa rin sya habang nag lalakad kami hanggang sa umabot na kami sa terminal nang UV.
"Kuya puno na?" Pag tatanong ko
"Isa na lang sir! Sakay na!"
Tinignan ko sya para sana sabihan na sakay na kaso Ngumiti lang sya habang tinatapon yung balat nang chocolate
"Hilig mo talaga sa matamis"
Nag bleh lang sya sakin kaya natawa naman ako.
tapos sumakay na sya sa UV. Ilang hakbang pa lang ako naka recieve ako nang text tinignan ko.
Problema neto?
Pag bukas ko nang message
From: Maxine
Thank you sa bulaklak *wink*Taena nakita pa pala nya yun hahaha.
Sabay alis nang UV.
