Umalis sya nang hindi kami nag uusap, one week na nakakaraan nung huli kami mag kita, at ang pagkikita na yun literal na nag kita lang kami sa mata, gusto ko syang kausapin pero parang sya naman tong umiiwas hindi ko alam ano tumatakbo sa isip nya nung araw na yun sabagay simula pa lang naman nung nag kakilala kami hindi ko na alam ano mga tumatakbo sa isip nya ang tipid din kasi nya mag salita.
nag lalakad-lakad lang ako sa daan dahil wala ako magawa sa bahay namin, tutal wala nako napapagkaabalahalan
Mag iikot ikot ako at mag gagala, habang nag lalakad ako palalim nang palalim rin yung mga iniisip ko, pano kaya kung mag pabili ako nang trampulin sa parents ko? sasampalin kaya ako nang kaliwa't kanan nang nanay ko? hahaha.
sa sobrang weird nang pinag iisip ko may nakabanggaan tuloy ako, nahulog lahat nang mga dinadala nyang gamit kaya agad ko naman syang tinulungan.
"ay! shet sorry sorry, ay sorry ulit ano bayan" pag kamot nang ulo ko at takip nang bibig
"ok lang, patulong na lang sa pag pulot baka kasi lalo lumayo yung mga papel" sabi naman nya, doon ko lang din nalaman na lalaki yung nakabanggaan ko
"sorry talaga, wala kasi ako sa sarili ko" sabay ayos ko lahat nang papel na napulot ko
"ok lang haha, pansin ko nga parang ang lalim nang iniisip mo, tinry ko na talaga umilag kaso natamaan mo pa rin ako" kaya napatingin ako sakanya hindi ko gets ano pinaparating nya, maputi sya singkit yung mga mata, medyo may katabaan pero pasado yung looks maganda din pumorma malinis tignan may napansin akong nakasabit na parang tube sa balikat nya.
"huh?"pag takang tanong ko dahil nawala sa isip ko yung sinabi nya dahil sa pag tingin ko sakanya natawa naman sya, nabaling lang ulit yung tingin ko sa papel nung narealize ko na hawak ko pa rin pala, kaya pag baling ko sa papel nakita ko puro drawing nang mga buildings and design nang mga bahay nakita ko
"architect ka?" pag tatakang tanong ko habang inaabot sakanya yung mga papel
"not yet, graduating ako this coming sem" ngiting tugon nya, infairness ang friendly nang vibes nya hindi katulad nang kakilala ko halos itaboy na lahat nang tao sa paligid nya -_-
"ow, sabagay ang dami mong dalang papel haha, ano yan requirements?" tanong ko at umoo naman sya.
"nag aadvance kasi ako nang ibang subjects"
"wow sipag!" panloloko ko sakanya
"shh, masunurin lang kasi ako" sabi nya hahaha, feel ko pinilit lang talaga sya mag summer class nang parents nya.
"san ka nyan?" pag iiba ko nang tanong
"dyan lang sa may coffeeshop, may aayusin pa kasi ako eh" sabi nya
"ow pwede sumabay? wala kasi ako magawa eh" pangloloko ulit sakanya
"hindi ko alam kung sinasadya mo or hindi pero feeling ko iniingit moko sa freetime na meron ka" natatawang sabi nya
"dali na akin na yang mga papel mo ako hahawak ang bagal mo" pag yaya ko saknya, sabay hablot nang pinag patong nyang mga papel kanina
Nang maka order kami nang iinumin namin doon ko lang napansin na busy sa pag ccompile nang mga design tong kasama ko sa table, tapos pag nagagawi ang paningin ko sa mga drawings nya seryosog magaganda talaga mga designs nya hindi ko nga alam kung pano nya nagagawa yung mga perfect angle na yan siguro ruler? archi eh hahaha.
dahil hindi ko talaga mapigilan mag salita may tinanong ako sakanya
"anong pangalan mo?" napatingin naman sya akin parang gulat na gulat tapos natawa
"bakit may nakakatawa ba?" tanong ko ulit
"wala lang kanina pa tayo mag kasama ngayon mo lang tatanungin sakin yung pangalan ko"
"dali na ano nga pangalan mo?"
"Argel" sabi nya habang nakangiti
"Arge what....?" ewan ko pero ugali ko na talaga tanungin yung full name nang mga bago kong nakikilala
"ah! okay yung full name ko haha? Argel Rosales ikaw ba ano full name mo?" pag tatanong nya sakin
"Maxine Flores but you can call me Max" sabi ko
ang totoong pangalan ko talaga ay Maxine Flores Jimenez
trip ko lang talaga gamitin yung middle initial ko hahaha
"ah.. Maxine tatandaan ko yan" ngiti nya sakin, iba talaga dating nang lalaki na to hindi katulad nang kakilala ko parang ang bait nya kasi, pwedeng manapak?
"i drawing moko" deklara ko sakanya, kahit ngayon pa lang kami nag kakilala naging magaan na loob ko saknya
"ano? ano i ddrawing ko?
"yung future na bahay ko" sabi ko sakanya nagulat naman sya
"everyday after your class meet me here in this cafe, if i don't like your design back to square one" sabi ko sakanya still parang namangha sya sa pinag sasabi ko
"pano pag ayaw ko?" pag tatanong nya
"then dapat hindi ka nag tanong sakin dahil obviously hindi ako papayag its only yes or yes answer i only want to hear from you"
"hala kakaiba" mangha nyang sabi, nilahad nya yung phone nya sakin nag taka naman ako kaya napansin nya
"number mo miss para ma contact kita" ngiti nyang sabi kaya kinuha ko naman yung phone nya and nilagay number ko doon, medyo napahiya ako doon ah
after non pinanood ko na lang sya sa mga ginagawa nya, from time to time nireremind ko sya sa pag oo nya sa future house ko
"oo gagawin ko haha, i already got your number diba?" natatawa nyang ulit sa pag sagot nya sakin
"siguraduhin mo lang ah papahunting kita sa aso namin" sabi ko sakanya
"oo hahaha, pero may kapalit to ah hindi to libre" saad nya
"huh? wala sa usapan yan" dat pala hindi ko na sya ulit tinanong ang tanga ko lang diba -_-
"pano ba yan Maxine ikaw lang ba mag bebenifit? pano yung oras ko diba?" napag isip isip ko at tama naman sya nakakahiya man aminin pero totoo kahit ako gusto ko may kapalit minsan ang mga ginagawa ko lalo na kung napilitan lang ako hahaha
"okok ano ba gusto mong kapalit?" napaisip sya nang onti then sinagot nya ko
"pag iisipan ko muna, para hindi sayang yung one wish ko, in the mean time may ipapakita lang naman akong mga design sayo na dapat magugustuhan mo diba?"
"yep! yun lang"
"ok its a deal then, one future house for one wish" pag lahad nya nang kamay kaya nag shakehands kami
