DYLAN'S POV
"Sobrang bilis ng bakasyon! Pasukan nanaman at makikita nanaman natin yung mga walang kwentang nag-aaral don!" Reklamo ni seb.
nakatambay lang kami dito sa bahay nila Justin at ito na ang huling araw ng bakasyon.
We're going back to that fucking university!
"Chill bro! Last year na natin at isang taon nalang tayo magtitiis doon." natatawang sabi ni Rafael
"Eh ano ng plano niyo?" Tanong ko.
"Tulad parin ng dati! Manahimik kapag di kinankanti at manakit kung nasasaktan" sabi ni Nathaniel kaya lahat kami natawa.
Lahat kami ay magkakaklase at 23 kaming lahat. Lahat pa kami puro lalaki.
Mga basagulero daw kami, but believe me. They are more than worst than us.
"But be careful! Dahil sa last year na natin malamang mas marami tayong trouble na maeencounter. Lalo na sa grupo nila Paolo. Kung dati twice a week lang, maybe this school year araw-araw na." Marky says sabay tawa.
That's possible! Hindi namin problema kung matatanggal kami dahil halos lahat kami may share sa university. Takot halos lang ng nag-aaral doon samin dahil bukod sa ang ilan samin ay anak ng ibang stock holders sa university ay lahat kami nananakit 'daw'.
Napagpasyahan nalang namin na umuwi na tutal naman gabi na at may pasok pa kami bukas.
Nahiga na agad ako pagkarating ko sa condo ko. Napagod ako ngayong araw kahit na wala naman kaming ginawa kanina kundi ang magkwentuhan at uminom kahit kaonti.
Habang nakahiga ako ay hindi ko maiwasan ang mag-isip kung bakit naging worst students ang tingin ng marami samin.
Yung mga studyante lang naman doon ang gumawa ng paraan para maging ganto kami. Simula ng first year kami lagi kaming binubully lalo na ng tropa nila Paolo. Hindi na namin nakayanan kaya ng minsang lumaban kami naospital siya at ang mga alaga niya, hindi pa naman kami magkakakilala lahat ang totoo niyan anim lang kaming laging magkakasama.
Si Justin, Sebastian, Marky, Rafael, Nathaniel at ako. Hanggang sa nag 2nd year kami ay maraming mga lalaking studyante ang natutong lumaban sa grupo nila Paolo. Lahat kasi ng hindi sumasali o nagpapaalipin sa gagong yon binubully niya. Hanggang sa naging 23 students kami at yon ang simula ng paglipat naming 23 sa iisang section at yon ay ang Worst Section.
***
Nagising ako sa lakas ng alarm. Sumasakit pa ang ulo ko pero kailangan kong bumangon dahil unang araw ng pasok. Kulang na kulang ako sa tulog.
Naligo na ko at nagbihis at umalis narin sa condo ko. Sa cafeteria nalang siguro ko mag aalmusal. Gustuhin ko man na kumain sa condo unit ko, wala naman akong pedeng mailuto dahil wala pa si manang na laging ipinapadala ni mom once a month para ipag grocery ako at sa friday pa dating ni manang.
kakapark ko palang ng motor ko ng makarating sa school pero napansin ko na sobrang tahimik ng school. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at late na pala ko ng sampung minuto kaya gustuhin ko mang kumain muna dahil gutom na talaga ko pero hindi na pwede. I can't missed my first class. Barumbado man kami, mahalaga padin samin ang pag-aaral.
Nasa tapat na ko ng pinto ng classroom pero wala akong marinig na ingay kaya pumasok na ko. At ganun nalang ang gulat ko ng may mga babae sa loob ng room namin. Wala pang guro kaya dali-dali akong umupo sa tabi ni nathaniel para makapagtanong.
"Bakit may mga babae dude?" tanong ko agad
"Ewan ko." simpleng sabi niya.
Gulong-gulo ko kasi simula ng 2nd year kami hindi na kami nagkaron ng kaklase maliban saming 23 na lalaki.
BINABASA MO ANG
Just Like A Shadow
RomanceMy family can't see me. I don't have friends or is it just me who can see them? I really don't know! All my life I've been living just like a shadow.