Celine's Pov
matapos ang nangyari sa parking lot ay sinugod namin sa ospital si paolo, mataman ko lang itong pinagmamasdan habang nakapikit at mahimbing na natutulog. Pinunasan ko agad ang kumawalang luha sa mata ko ng maalala ko ang sinabi niya kanina.
Sa halos dalawang taon namin na pagiging magkasintahan ay naparamdam niya sakin kung gaano niya ko kamahal at pinahahalagahan, oo bully kami. Kasiyahan namin ang makapanakit at makapagpaiyak ng mga bagong nakakasalamuha namin sa loob ng paaralan na pinapasukan namin.
Kaming lima nina---azalea, corrine, Ian, paolo at ako ay magkakasama na simula pagkabata. At simula palang noon ginusto at minahal ko na si paolo---tanggap ko lahat ang tungkol sa kanya, lahat pa nga ng ginagawa niya ay ginagawa ko nadin. I am his girl bestfriend back then turn to his girlfriend.
Sinuportahan ko siya sa lahat ng gusto niya kahit pa ang pagkakagusto niya sa iba----kay mikaela. Hindi naging sila dahil nagkamabutihan agad si dylan at mikaela at kinatuwa ko yon dahil nagkaroon ako ng pag-asa na magiging kami. Napakahirap na nakikita ko siya noon na baliw na baliw para sa iba. Sa loob ng mahigit isang taon na kami ay hindi siya nagkulang sa relasyon namin pero ngayon na nagbalik ang dating mahal niya ay hindi na ko sigurado.
'Mahal mo na ba kong talaga o siya parin?'
naitanong ko nalang sa isip ko habang nakatingin padin sa kanya. Nagtuloy-tuloy pa ang pagtulo ng luha ko at kahit anong punas ko ay may kasunod padin.
"Celine" mahinang sabi ni azalea habang hinihimas ang likod ko, ramdam ko ang lungkot sa boses nito kaya lalo akong naiiyak.
"Az! natatakot ako." umiiyak na sabi ko ng yakapin niya ko matapos akong iharap sa kanya. "Mawawala na ba siya sakin?" mahinang usal ko pa, hinayaan ko nalang na magtuloy-tuloy ang luha ko sa pagbagsak.
Nanghihina ko sa isiping maghihiwalay kami dahil sa pagbalik ng dating mahal niya. Hindi ko kaya, hinding-hindi ko kakayanin.
"Don't say that. Mahal ka ni pao. Nararamdaman mo naman yun diba?" hikbi lang ang naisagot ko sa tanong niya. Hindi ko na magawang magsalita dahil pakiramdam ko masasaktan lang ako sa bawat salitang lalabas sa bibig ko.
---
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko kay paolo pagkagising niya.
"Okay na ko. Thank you babe." nakangiting sagot niya. kinagat ko ang dila ko para mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
'Bakit ba ko nagkakaganito? hindi naman niya ko iiwan.'
pilit ang ngiti na iginanti ko sa kanya.
"Buti naman." i said, nakakunot-noo naman itong nakatitig sakin. Kumurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin, nagkunwari pa kong may hinahanap sa table. "Ipagbabalat kita ng apple, kukuha lang ako ng knife." sabi ko at akmang tatayo pero agad niya kong pinigilan. Napangiwi pa ko sa diin ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"May problema ba tayo?" seryosong tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko at agad sumagot.
"Wa--wala!" utal na sabi ko.
"Meron!" may diin na sabi nito. "Now tell me, what the hell is our problem?" napangiti ako ng mapait at hindi ko na napigilan ang luhang kumawala sa mata ko.
"Mahal mo pa ba siya?" tanong ko, rumagasa ang sakit sa dibdib ko ng unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya, mababakas sa mukha niya ang gulat dahil sa panglalaki ng mata niya. "Maiintindihan ko kung mahal mo pa siya. Maiintindihan ko kung iiwan mo---" naputol ang sasabihin ko sa sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Just Like A Shadow
Lãng mạnMy family can't see me. I don't have friends or is it just me who can see them? I really don't know! All my life I've been living just like a shadow.