Cassandra's Pov
"Ano ang mga nababalitaan ko na sa unang klase kinasangkutan ka na agad na gulo?" galit na tanong sakin ni mr. bridger pagpasok ko ng opisina niya dito sa university. Yumuko ako tanda ng pagbati hindi lang sa kanya maging sa dalawang matanda pa na nasa sofa na tinugunan naman ng mga ito ng ngiti. Pinasadahan ko muna ang mga kasama namin dito sa opisina bago umupo sa tabi nila dylan.
"They are the one who started it sir." walang gatol na sabi ko dito kahit na pakiramdam ko ay hindi na ko makahinga ng maayos sa kabang nararamdaman ko. Napapitlag ako ng bigla nitong hampasin ng malakas ang lamesa na nakapagitan samin.
"And do you think that i will buy your reasons? Pinag-aral kita nang libre sa paaralan ko pero gulo lang ang dala mo?" galit na galit na sigaw nito, pulang-pula ito tanda ng sobrang galit saakin. Sinamaan pa ko ng tingin ni austin habang hinihimas ang likod ng lolo niya, nakamasid lang samin ang dalawang matanda ganoon din sila dylan at justin na nakakunot ang noo.
"Sir, i-i don't have any intensions to---"
"Will you shup up?" mas malakas na sigaw nito. Nanginig ang mga kamay ko tanda ng patong-patong na kaba, takot at galit na nararamdaman ko. Bahagya pa kong nagulat ng biglang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa katabi kong si---dylan.
"Mawalang galang na ho sir pero wala naman po talagang kasalanan si cassandra. She's the one who've been bullied in the first place. If you can't accept her explanation then she shouldn't be here!" sabi ni dylan, napatayo din ako nang biglaan siyang tumayo dahil sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
"And who are you?" napatigil si dylan sa tanong ng lolo ni austin.
"I am Dylan Masson sir." simpleng pakilala ni dylan pagkaharap sa matanda. Nakakunot-noo namang tumingin si mr. bridger sa isa sa mga matandang nakaupo sa sofa.
"He's my grandson mr. bridger." sabi ng matanda "You three can go." nakangiting sabi nito saamin. Napatango naman si dylan at hahatakin na sana ko nang magsalita si mr. bridger.
"Cassandra!" tawag nito sakin at dahan-dahan akong napatingin sa kanya. "From this moment, you can't study here in MY university for free! Since you are already studying here, You need to pay for your tuition fee by working to this school." sabi nito na binigyang diin ang sinabi. Tumango ako sa sinabi nito na ikinataas nang kilay nito. "And you need to graduate because of my first condition!" dagdag pa nito.
---
Wala sa sariling nagpunta ako sa likod nang school building. Nang makalabas kami nang opisina ni mr. bridger ay nagpaalam ako kila dylan na pupunta muna sa banyo pero ito nga at nandito ko sa likod ng building imbis na sa palikuran. Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang galit ng maglolo na yon sakin.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang huling sinabi niya bago umalis ng pilipinas para asikasuhin ang company nila sa ibang bansa.
"I won't let you out from the messed that your mother caused us! I have two conditions if you want to be free. First, you need to continue your study in MY UNIVERSITY and to graduate there without any trouble, don't worry you just need to study there for one year and it will happen when you are in 4th year high school. If you caused any trouble there, it will be the proof that you can never be one of my grandchildren. I will tell you the second one once you graduate. You can now leave."
2 years ago na ang nakalipas nang sinabi sakin ni mr. bridger ang kondisyon niya. Alam ko naman kung saan niya hinuhugot ang galit niya sakin eh--galit nilang dalawa ni austin ang nagpapahirap sakin---dahil ako ang bunga ng kataksilan na ginawa ni nanay at ni papa. Yun ang rason kaya nasira ang pagsasama ng mama at papa ni austin. At dahil patay na si nanay ay ako ang pinagbubuntunan nila ng galit nila.
BINABASA MO ANG
Just Like A Shadow
RomanceMy family can't see me. I don't have friends or is it just me who can see them? I really don't know! All my life I've been living just like a shadow.