"Nay, bakit ka ganyan? Bakit mo po ako iniwan?" umiiyak na sabi ng bata. "Paano na ko? Paano na po si lola?"
Walang ibang maririnig sa loob ng isang kwarto na puros puti ang makikita kundi ang iyak ng isang sampung taong gulang na bata. Isang lalaki na kasing edad ng kanyang ina ang tahimik na umiiyak sa likudan ng bata kasama ang isang matandang babae.
"Doc! What happened? Hindi naman pwedeng mamatay ang anak ko ng dahil lang sa trangkaso!" kahit hilam sa luha ang mukha ng matanda at pawang nanghihina ay nagawa padin nitong tanungin ang doctor.
"We really don't know, her heartbeat stop for no reason."
"Imposible yon!"
----
"Lola saan ka po pupunta? Nasaan po si daddy?" agad na tanong ng bata pagkagising at ng makitang paalis ang kanyang lola.
"Hintayin mo si lola dito apo, may kakausapin lang ako." sabi lang ng matanda at dali-dali na itong lumabas ng ospital. Nakaramdam ng takot ang bata na maiwan mag-isa kaya kahit sinabi ng kanyang lola na maghintay ay hindi ginawa ng bata bagkus ito ay dali-daling sumunod.
Nakita ng bata na nasa di kaluyuan ang kanyang lola habang nakatalikod sa kanya, napansin ng bata na may kaharap itong babae na hindi nalalayo ang edad sa kanyang ina. Nagtago sa likod ng puno ang bata ng siya ay makalapit sa dalawang nag-uusap sa takot na mapagalitan siya kapag siya ay nakita.
"What do you want old decrepit?" nang-uuyam na sabi ng babae, bigla nalang naiyak ng tahimik ang bata ng marinig ang mahinang paghagulhol ng kanyang lola.
--
Gulat na gulat ang bata sa kanyang mga narinig mula sa sinabi ng kanyang lola. Walang tigil sa pag-iyak ang bata ng dahil sa mga narinig.
"Hindi yan totoo! Hindi! Hindi!" malakas na sigaw ang narinig ng bata mula sa babae. Nanlaki ang mata ng babae at ng bata ng dahan-dahang bumagsak sa lupa ang matanda habang nakakuyom ang kamay sa dibdib tanda ng mayroon itong iniindang sakit.
"LOLA!" malakas na sigaw ng bata at dali-daling tumakbo papaunta sa kinaroroonan nito, parang natulos sa kinatatayuan ang babae ng makita ang mag lola at kung paano niya makitang malagutan ng hininga ang matanda na yakap-yakap ng bata.
"Wala akong kasalanan! Wala...wala." naiiyak na sabi ng babae at tumakbo pabalik sa nakaparadang kotse sa gilid ng daan.
Isang salita ang tumatak sa murang isipan ng bata na sinabi ng kanyang lola bago malagutan ng hininga,
"Nabulag lang sila sa galit apo, wag kang tutulad sa kanila. Mahal na mahal kita at mag-iingat ka."
BINABASA MO ANG
Just Like A Shadow
RomanceMy family can't see me. I don't have friends or is it just me who can see them? I really don't know! All my life I've been living just like a shadow.