7. Bonding

3 1 0
                                        


Cassandra's Pov


Tahimik lang kaming nakaupo sa classroom nila clare. Napapansin ko naman ang panay sulyap nila sakin, i sigh! Wala ng klase pero ewan ko ba kung bakit hindi pa kami lumalabas tulad ng iba naming kaklase, kahit sila dylan ay hindi pa lumalabas.

"Kamusta na pakiramdam mo cassy?" mahinang bulong sakin ni clare, siya kasi ang katabi ko ngayon.

Simula kasi kanina matapos akong dalhin nila eunice sa infirmary ay balak na sana ni eunice na sugudin sila celine. Kahit nga si azalea ay inaaway niya kanina kahit nakita naman niya na wala naman itong ginawa sakin na masama bagkus ay tumulong pa ito para madala ako sa infirmary, buti na nga lang at maunawain ito at hindi pinapatulan ang kung ano man ang sinasabi ni eunice. Alam ko na nagalit o nagtampo si eunice sakin sa ginawa kong pangsasaway sa kanya. Ayoko lang naman kasi na madamay pa sila sa pambubully ni celine.

"Yes i am, don't worry clare." i gave her an assuring smile, kanina pa siya tanong ng tanong. Nag-aalala siya, i know that.

"Clare she's okay! Can't you see the fact that she doesn't want us to meddle with her trouble?" mataray na sabat ni eunice sa usapan namin. Kahit ang grupo nila dylan ay napapatingin nadin sa gawi namin.

"Eunice look--"

"You shut up! You don't have to explain. I get it, okay? Ayaw mong makialam kami kasi madadamay kami, pero paano naman kami? You want us to act that nothing happened, that we can't hear nor see anything? Shit cass! We are your friends! YOUR FRIEND! Akala mo ba kaya namin na panoorin lang kung paano ka saktan ng mga yon gayong kaya naman namin na ipagtanggol ka? Ano ba---"

"What do you think of me? A kid that can't protect myself? Alam mong kayang-kaya kong paduguin ang nguso ng babaeng yun pero wala akong ginagawa KASI HINDI PWEDE! MR. Bridger is there." sigaw ko na nakaturo pa sa labas ng pintuan na kala mo andoon ang taong tinutukoy ko. "He might kick me in this university if fight back. Akala mo ba gusto ko to? Hindi! Dahil walang gustong mabully ng kahit na sino lalo na kung wala kang kalaban-laban! This is my life but i am not the one who's holding it." nanghihinang sabi ko, nanginginig naman ang labi niya at parang may kung anong gustong sabihin. I even saw clare wiping her tears.

"Eunice--ayaw kong makialam kayo hindi dahil ayaw ko lang. Ayoko lang talaga na pati kayo makagalitan ng lolo ni austin, lalong-lalo ka na. Kapag napasali kayo sa gulong dala ko ay baka makalimutan ko kung sino ang mga taong mananakit sa inyo. Baka makalimot ako kung ano ang habilin ni lola." mahinang sabi ko, tinapik ko pa sila ni clare sa balikat tanda ng pagpapaalam.

"Ganon pala ang drama ng mga babae no? Ang lupet!" rinig kong sabi ni seb--isa sa mga kaibigan nila dylan na kaklase din namin.

'Ang tsismoso naman ng mga to.' naisip ko nalang.

Ngayon na nakalabas na ko ng room tsaka lang sila lumabas. Napaghahalataan talaga na mga may pagka-tsismoso ang mga to eh.

"Mas madrama pa pala sa teleserye ang buhay ni cassandra eh." sabi pa ni marky--kaibigan din nila, na natatawa.

"Aish! Bakit ba kayo nakasunod?" naiiritang sabi ko at humarap sa kanila,

"Hoy cassandra! Alam namin na madrama ang buhay mo dahil sa sinabi mo kanina, ang hindi namin alam assuming ka din pala!" sabi ni nathan. "Hindi ka namin sinusundan, kasalanan ba namin na iisa lang ang daan palabas?" mapang-asar na usal pa nito. Nakaramdam naman ako ng hiya.

'Damuhong to! Pahiya ako don ah'

nasabi ko nalang sa isip ko at tinalikuran nalang sila. Rinig ko ang malakas na tawanan nila habang naglalakad nadin. Nakasimangot naman ako ng magsimulang maglakad hindi na talaga lumingon pa.

Just Like A ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon