Cassandra's Pov
Napapikit ako ng madama ko ang hangin na sumalubong sakin. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Austin kanina. Siguro nga dapat hinayaan ko nalang yung mga bullies na yon sa kung ano ang ginawa nila sakin. Dapat nga siguro hindi ko na sila pinatulan, pero--
'Mali ba kong ipangtanggol ang sarili ko?'
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Simula ng mamatay ang magulang ko at lola ko ay hindi ko na maalala kung ano ang pakiramdam ng may pamilya, pakiramdam ng may magmalasakit at pakiramdam ng maipagtanggol sa iba. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng mamatay sila, ni hindi ko alam kung paano sila maipapalibing kasi sampung taon lang ako non. Ano bang malay ko sa bagay na ganon? Dun ko nakilala sila tita Aleena at tita Cathy, eunice and claire's moms. Nagpakilala silang matalik na kaibigan nina nanay at daddy. That was the first time i saw them, wala naman kasi akong kilala na kaibigan o kamag-anak ni daddy. Ang natatandaan ko lang ay tatlong beses sa isang linggo ko lang siya makita sa bahay namin.
Ang mga mommy nila eunice at claire ang tumulong at nag-ayos sa libing nila nanay, at dun ko rin nakilala ang mga anak nila. They never treated me as others instead they treat me like one of thier family. 2 days after the funeral of my lola and nanay, dumating ang balita na namatay ang daddy sa aksidente bago siya makarating sa bahay namin. Nang malaman ko na namatay pati siya ay hindi ko malaman kung paano pa ko iiyak, pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang mata ko. I have no other choice but to accept the fact that i need to live my life on my own, that no one left for me.
But thanks to tita aleena and tita cathy, inalagaan nila ko, binihisan at pinag-aral. Laging nasa tabi ko sila eunice at claire, lagi nilang pinaparamdam sakin na hindi ako nag-iisa. Naging mabait sila sakin at sila ang nagtatanggol sakin kapag may umaaway sakin sa school. They treat me as their sister. Naputol ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng mga yabag na papalapit kung nasaan ako. Napatayo ako ng makita ko yung mga bullies sa harap ko, bahagya namang napaatras yung paolo ng makita ako sa harap nila.
'San sila galing?'
"ikaw nanaman?" galit na turan ni Celine, masama ang tingin nila sakin maliban lang kay azalea na nakangiti at dun sa lalaking katabi ni azalea na sa iba nakatingin.
"HA! Shit! sa lahat ng makikita namin dito, bakit ikaw pa?" inis na sabi ni paolo. Dahan-dahan naman ako sa paglakad papunta sa gawi nila at tinago naman nito agad sa likod si Celine at bahagya pa siyang napaatras ng isa. Nagtaka naman ako sa kinikilos niya.
"Don't you dare go near me! Shit, makita palang kita pakiramdam ko sumasakit nanaman ang itlog ko!" malakas na sigaw ni paolo dahilan para manlaki ang mata ko at napakurap-kurap, natawa naman ng malakas si azalea, corrine at yung lalaki. Pinigil ko ang sarili ko na matawa o mangiti sa pamamagitan ng pagkagat sa loob ng bibig ko.
"May daan ba diyan palabas?" mahinahong tanong ko nalang para maiba nadin ang usapan dahil kita ko ang pamumula nung mukha ni paolo dahil siguro sa hiya ng mapagtanto niya kung ano ang sinabi niya. Nagtaka naman ako ng nakayuko lang si Celine at yumuyugyog ang balikat.
'Umiiyak ba yan?'
Nakangiting tumango naman si Azalea sakin, tinanguan ko lang siya at naglakad na para hanapin ang labasan na meron dito. Ayoko ng pumasok at ayoko pading umuwi. Pupunta nalang siguro ko ng mall.
'bibili nalang siguro ko ng materials para sa pagda-drawing ko.'
---
Alas syete na ng gabi ng makauwi ako. Nagtataka naman ako kasi parang wala pang tao sa loob ng pumasok ako.
BINABASA MO ANG
Just Like A Shadow
RomansaMy family can't see me. I don't have friends or is it just me who can see them? I really don't know! All my life I've been living just like a shadow.