4. Awkward

4 2 0
                                    


Narrator


Malakas na tawanan ang bumalot sa buong hallway kung saan naroon si cassandra, hindi niya magawang ipagtanggol ang sarili dahil narin sa higpit nang pagkakahawak ni Celine sa kanyang buhok habang ikinukuskos sa kanyang mukha ang marumi at mabahong basahan.

Maraming nakatingin at lahat ay tumatawa maliban kay azalea na awang-awa sa dalagang binubully ng kanyang kaibigan. Kahit sa loob nang classroom nila cassandra ay rinig ang hiyawan at tawanan kaya napalabas ang mga estudyante kabilang na sila claire at eunice. Hindi sila agad makasingit sa kumpol ng estudyanteng nandoon kaya nahihirapan silang makita kung anong nangyayari.

"You deserve this! No one dared to fight us except you!" malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses ang narinig nila eunice kaya nanlaki ang mata nila nang maalala si cassandra dahil ang babaeng nagsalita ay ang nakabangga niya kahapon.

"Si cassy!" nanlalaki ang mata na usal ni claire. Nakikipagbalyahan at siksikan sila sa lahat ng nakaharang pero wala ni isa ang gusto magpasingit sa kanila. Labis na galit at inis ang nararamdaman ng dalawang kaibigan ni cassandra dahil malakas ang kutob nila na ang kaibigan ang pinagkakaguluhan at binubully. Nagtataka sila kung bakit hindi nila marinig na magsalita ang kaibigan, kinabahan sila.

"Cous bakit hindi nagsasalita si cassy? We need to do something." naiiyak na sabi pa ni claire. Natataranta naman si Eunice. Balak na niya sanang itulak ang lahat ng nakaharang sa kanila ng may marinig silang magsalita.

"Stop!" anas ng isang lalaki, napahinto ang lahat. Maging si Celine ay nabitawan ang basahan na hawak pero nakakapit parin sa buhok ni cassy. Para namang natauhan si Celine sa pagkabigla, napangisi ito at lalong hinigpitan ang kapit sa buhok ni cassandra na bahagya pang hinila dahilan para mapadaing ang dalaga.

"And who do you think you are to tell me what to do?" nakangsing usal ni Celine. "Ano bang kaya mong gawin eh kaparehas ka lang naman nito na takot na takot samin?" dagdag pa nito. Napangisi ang binata sa tinuran nito.

"Ah, well i am dylan who sent your boyfriend to the hospital 3 years ago. I am not going to think twice if you'll ask me to do it again." maangas na sabi ni dylan. Natatawa naman ang limang barkada nito na nasa likuran lang niya. Isa-isang nag-alisan ang mga estudyante sa takot na madamay sa gulo hanggang sa silang dose nalang ang natira.

Matapos ang sandaling pagkikipag-titigan ni Celine kay dylan ay marahas nitong binitawan ang buhok ni cassandra dahilan para mapaupo ito sa semento, pero bago pa man ito tuluyang umalis ay lumapit muna ito kay cassandra na nakasalampak sa sahig at binulungan.

"You can't escape to this trouble bitch! Humanda ka sakin dahil hindi pa tayo tapos!" nanggigigil na bulong nito at isang malakas na sampal ang ginawad nito sa huli bago siya iwan. Susugod na sana si eunice ng biglang may humaltak sa kamay nila ni claire kaya hindi nila ito nagawang lapitan.


"Let me go austin! Cassandra needs our help!" bulyaw nito kay austin na hinahatak sila at sapilitan silang ipinasok sa loob ng classroom. Nakasunod nadin sa kanila ang limang lalaki na barkada ni dylan, naiwan naman si cassandra at dylan sa labas ng room.

"Hayaan mo siya! Ano makikipag-away ka rin at tutulad sa kanya?" galit na sabi ng lalaki.

"Wala kang pakialam! Kaibigan niya ko at gagawin ko ang lahat ng kaya ko maipagtanggol lang ang kaibigan ko!" naiinis na turan nito. Tatalikod na sana si eunice para balikan ang kaibigan nang marahas siyang hinatak ulit ni austin. "Ano ba? Don't you dare to stop me! Huwag mo kong mamanipulahin katulad ng ginagawa niyo kay cassandra!" malakas na sigaw ni eunice dahilan para manlaki ang mata ng binata. Mabilis siyang tumakbo palabas ng room nang lumuwag ang hawak sa kanya ng binata, agad naman na sumunod si claire.

Just Like A ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon