5. Mr. Bridger

5 2 0
                                    


Cassandra's Pov


"Saan ka nagpunta? Bakit hindi ka pumasok ng first subject?" tanong sakin ni claire pagkapasok ko, kita naman sa mata nila ni eunice ang pag-aalala. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Naghilamos lang ako." sabi ko. Nagulat naman ako nang biglang tumayo si eunice.

"Bakit ka nga ba ginanon nung impakta na yon?" inis na sabi ni eunice.

"Sa simpleng sagutan niyo nung nakaraan, bakit ganon nalang siya kagalit sayo?" tanong ni claire. "Ano siya female version ni lee min ho sa boys over flower?" takang tanong niya. Napatawa naman ako.

"Hayaan niyo nalang." natatawang sabi ko.

"Ha? Anong hayaan? Sobrang pananakit at pamamahiya ang ginawa niya sayo, kung hindi nga lang kami kinaladkad ni austin talagang makakalbo ko yung bwisit na yon eh" naiiritang sabi ni eunice.

"Kahapon nagalit ka sakin kasi pinatulan ko pa, ngayon naman na hindi ko pinatulan nagagalit ka padin! Ano ba talaga? psh, hayaan nalang natin."

"Kung hahayaan mo lalo ka lang kakantiin non." biglang sabat nung kaibigan ni dylan. Justin yata ang pangalan.

"Oo nga naman cassy" sang-ayon ni claire na nginitian pa si justin. "Sus, ang sungit talaga." bulong ni claire nung tinalikuran na siya nito. Magsasalita pa sana si Eunice nang may isang lalaki ang pumasok sa room.

"Good morning. Ako nga pala si James, president of student council. Wala kayong klase sa subject na to kasi dadating ang may-ari nang university na to para ipakilala ang apo niya. Pumunta nalang kayo sa gym. Thank you." sabi lang nito at lumabas na. Nanlalaki ang mata na napatingin kami nila claire sa isa't-isa.

"Si Mr. Bridger?" sabay na sabi nila.

'Kailan pa siya dumating? At ano ang kailangan niya?'

"Alam mo bang nasa pilipinas na ang lolo ni Austin?" tanong ni eunice. Napailing nalang ako, masyadong biglaan yata ang uwi nang matanda na yon.

'What does he wants now? To manipulate me again and again?'

inis at pagkalito ang nararamdaman ko. Inis dahil makikita ko nanaman ang taong nagmamanipula nang buhay ko at pagkalito dahil hindi ko talaga maisip kung anong gagawin niya dito samantalang sa loob ng 5 taon na pagkupkop at pagbibigay nang pangangailan ko ay dalawang beses ko palang siya nakita ng personal at ngayon palang ang pangatlo.

"Baka bumisita lang para ipakilala si Austin, baka ang apo na ang mamahala nang university?" sabi ni claire.

"Pwede din naman na kaya siya umuwi ay para pahirapan ka." dagdag ni eunice sa sinabi ni claire. Nag-aalalang tingin ang binigay nila sakin.

Si Mr. Bridger ang taong kumuha sakin mula sa pangangalaga nang mommy ni Eunice--si tita aleena at nagpumilit na siya daw ang guardian ko. 2 years ago nang malaman ko na siya pala ang tatay ni Elizabeth, ang tunay na asawa nang papa ko. Pero nung araw na nalaman ko yon at tinanong ko siya, nagalit siya sakin at sinabi niyang hindi ako tunay na anak ni papa. Doon ko rin nakilala si Austin at unang araw palang nang pagkikita namin ay inaway niya agad ako at lahat nang gamit ko itinapon sa swimming pool nila, dun din nagpasya si Mr. Bridger na patirahin ako ng mag-isa sa isang apartment na malayo sa mansyon nila. Hindi ko pa nga alam ang gagawin ko non dahil basta nalang ako nitong binigyan ng limang daang piso para daw pamasahe ko at ang address na tutuluyan ko. I am just 10 years old that time, kaya natakot ako kasi hindi ko alam kung paano makakapunta sa apartment na yon. Mabuti nalang talaga nakilala ko si manang sonya--ang kusinera nila at dahil yun ang araw ng uwi niya sa probinsya nila ay inihatid niya muna ko sa bahay na tutuluyan ko. Siya din ang nagpunta sa bahay nila Tita cathy--Claire's mom, para ipaalam ang ginawa ni Mr. Bridger.

Just Like A ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon