8. new classmate

3 1 0
                                    


Cassandra's Pov


Dumaan ang ilang araw at lunes na ngayon. Wala naman nang ginawa si celine sakin after nung huling ginawa nila at sana yun na ang huli, i know how impossible is that pero wala naman masama kung humiling na sana ay tigilan na nila ko.

"Cassy ano na? Sasali ka ba talaga sa audition?" tanong sakin ni clare, lahat naman sila ay nakatingin sakin na pawang naghihintay ng sagot ko.

Lahat kami ay nandito sa canteen, kasama rin namin sa table sila dylan at lahat din ng estudyante samin nakatutok ang mata. Nagtataka siguro sila dahil ang bilis namin nakasundo ang anim na lalaking ito.

"You know how much i love music, so yeah" nakangiting usal ko

"Omo! I'm so excited cassy!" mahinang tili nito.

"Pero teka, sa audition na yon diba kapag ikaw ang napili sa section natin ay ikaw din ang magiging muse ng section natin?" tanong ni eunice dahilan para mawala ng paunti-unti ang ngiti ko at napalitan ng pagkakangiwi.

"Oo daw--bakit naman kasi kailangan ang mapipili pang makakasali sa muse ay yung mahilig kumanta? eh pwede namang maganda nalang ang pwede mag muse" sabi ko sabay irap sa hangin.

Nakakainis lang yung patakaran nila na yon. Ang buong akala ko kaya ako sumali sa audition ng pagkanta ay para makapasok sa music club pero nagkamali ako at huli na dahil nakapagpasa na ko kaninang umaga ng form ko. After ko makapagpasa ay tsaka ko naman nalaman na kaya pala halos lahat ng kaklase naming babae ay sumali sa audition ay dahil sa kagustuhan nilang maging muse.

"Next month kasi ay may event na kasali ang muse and escort. They should have talents para sa competition, they should know how to sing kasi maglalaban-laban ang bawat section." paliwanag ni justin habang nakatitig sakin, mata sa mata pa kung tumingin kaya naiilang na tumango ako.

"Wow! Sigurado ko cassy na mananalo ka!" malawak ang pagkakangiti ni claire habang sinasabi yun pero nakakapagtaka lang na hindi siya sakin nakatingin kundi kay---justin. "Eh kung may audition ang pagiging muse, ganoon din sa escort?" takang tanong niya pa. Tumango naman si sebastian.

"Oo pero nakapili na sila sa section natin ng escort." sabi ni seb, nagtatakang napatingin naman kami sa kanya. Nakapili na sila pero hindi namin alam kung sino at bago pa kami makapagtanong ay sumagot na si matthew.

"Walang makakaalam kung sino ang napili nila unless may mapili na silang muse." sabi ni matthew.

"Bakit ganon? ang daya naman!" nakangusong sabi ni eunice. Napatingin lang ako sa kanya.

"Eunice ayos ka lang ba?" i asked her, matamlay kasi ang itsura niya. "Para kang antok na antok." dagdag ko pa. Napabaling naman ako ng tingin kay claire ng tumawa ito.

"Napuyat kasi siya cassy, Alas dos na nang madaling araw hinatid yan ni austin!" sabi ni claire, namumula ang mukha naman ni eunice ng balingan ko at pinaghahampas sa braso ang pinsan. "Aray naman cous!" reklamo nito habang hinihimas ang braso na pinaghahampas ni eunice.

"Napakadaldal mo!" asik ni eunice dito.

"Paano mo naman nalaman na magkasama sila hanggang sa ganoong oras?" nagtatakang tanong ko.

"Nag sleep-over kasi ako sa kanila dahil naboboring na ko sa bahay--" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng mapatingin sakin, ganoon din si eunice.

"Ah." sabi ko nalang at napaiwas nang tingin. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

I thought busy sila kaya hindi sila makakatulog sa condo, yun kasi ang sabi nila. Tuwing weekend ay sa condo sila matutulog at sabay sabay kaming papasok kapag monday pero sabi nila busy sila kaya hindi sila matutuloy. Nakaramdam ako ng inis.

Just Like A ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon