2. Bullies

4 2 0
                                    



Cassandra's pov


Habang pabalik ako sa gym kung nasaan yung tatlong babae kanina, napansin kong may kasama na silang dalawang lalaki. Yung babaeng maganda na may mahabang kulot na buhok ay nakalingkis ang dalawang braso sa isang braso nung lalaki at yung isang lalaki naman ay nakatayo lang habang nakatingin dun sa babaeng nakaupo.

'Siguro ako ang nakaupo diyan ngayon kung ako ang natamaan ng sapok ng impakta na yon.'

"Miss inumin mo muna to." agad kung sabi ng makalapit ako sa babaeng nakaupo. Kinuha naman niya ito ng wala manlang sinasabi.

"Ayan babe ang may kasalanan kung bakit nakaupo diyan si Azalea" sabi nung kulot na babae dun sa lalaki dahilan para manlaki ang mata ko.

"hey...hey! bakit ako? ikaw ang nakasapok sa kanya ah!" depensa ko, napansin ko naman na masama ang tingin sakin nung lalaki na nasa gilid nung tinawag na Azalea.

"Enough celine. We all know that your the one who punch me." iritang sabi ni azalea.

"Kung hindi siya umupo hindi sana ikaw ang natamaan!" sigaw ni 'celine daw'

"I thought you're going to befriend her, kaya sumama ko para lapitan natin siya. You see? Siya pa ang nagbigay ng tubig sakin kahit na ikaw ang may kasalanan." mahinahon ng sabi nung azalea.

'Seriously? are they going to fight just because of me?'

"Don't tell me kinakampihan mo ang daga na yan azalea?" inis naman na sabi nung isa pang babae na hindi ko alam ang pangalan. "Gusto mo pala siyang maging kaibigan ganon?" sabi pa nito at sinamaan ako ng tingin.

Napa-tsk naman si azalea bago tumayo. Nakaalalay naman agad sa kanya yung lalaking nakatayo sa gilid niya.

"Thank for this dear." tipid na sabi niya bago tumalikod at umalis. Sumunod naman sa kanya yung lalaki na walang sinabi.

"You bitch! Dahil sayo nagalit pa si azalea samin!" galit na sabi ni celine at akma akong susugudin.

"Gusto mo kong sugudin para saktan?" mahinahon kong tanong. "Let me tell you some story about me, i am Cassandra Liana Rylan... Who knows martial art. I'll never think twice to kick your face if you'll go near me to attack me." kalmadong sabi ko lang. Halata naman ang sobrang galit sa kanya.

"Mayabang ka pala! Hindi tumatagal ang ganyang asta sa university na to!" galit na sabi naman nung isa.

"Tigilan niyo na siya corrine and celine." mahinahon na sabi ni azalea, hindi ko manlang napansin na bumalik pala ito.

"I need to go." sabi ko nalang at binigyan ng tipid na ngiti si azalea at ganon din naman ang ginawa niya. Napansin kong nandun padin ang anim kong kaklase na lalaki at nakatingin lang. Hindi pa ko nakakadalawang hakbang ng may humawak sa braso ko at marahas akong inikot para iharap sa kanya.

"Who gave you the right to talk to my girlfriend like that? Hindi mo ba kami kilala? Ah, bago ka nga lang pala." nakangisi na sabi nung lalaking nasa tabi ni celine kanina. "Tutal naman ay nakapagpakilala ka na, so it's our turn now to introduce ourselves to you." halata ang irita sa mukha nitong lalaki na to.

"Not interested. I still have class to attend, maybe next time." mahinahon ko lang na sabi. Halata ang gulat sa mga kasama niya, pero wala akong pakialam. Malapit na matapos ang lunch break na hindi manlang ako nakakain. Winaksi ko ang kamay nung lalaki na nakahawak sa braso ko at akma na kong lalakad ng mapansin kong napatayo ang mga kaklase ko. Nawindang ako ng bigla akong hatakin sa balikat ng lalaking kaharap ko kanina.

Just Like A ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon