[Keiza]
----
"Sino yung mga yun?" I asked Ylana and Micah na pareho ring nagniningning ang mga mata.
"Kei-gurllll! Heartthrob ang mga yan! Ihhhh!" Impit na tili ni Ylana.
"Teka. Akala ko ba new student ka?"
Nginuso niya si Micah na tulala pa rin sa direksyon nung tatlong pinagkakaguluhan. "Inorient na agad ako ng isang yan nung first day. Dun nga lang sa mga lalake, hindi sa mga babae." Oh. So that explains kung bakit hindi niya kilala sila Cheska.
"Sino ba yung mga yan?" I asked habang nagatingin sa nagkukumpulang mga tao. "At bakit kaapilyido nila si Xy?"
Nginiwian ako ni Ylana. "Bestfriend mo ba talaga yun? Dami mong hindi alam sa kanya ah."
"Mga kakambal niya yan, ano ka ba!" Singit ni Micah. "Kita mo yung may salamin? He's Xander Lee, ang panganay."
"Yung pinakamaputi naman sa kanila ay si Prince Lee. He's the youngest." Ylana added. "Si Xyrus ang gitna sa kanila."
Oo nga noh? Magkakamukha sila? How the hell do I not know na may mga kapatid siya?!
"KEI-za." Isisigaw niya sana ang pangalan ko pero bahagyang napatigil ng makita ang masama kong tingin. Papalapit kasi silang tatlo sa amin. "Problema mo?"
Itinaas ko ang kamay ko at malakas na ibinagsak sa braso niya. "Aray! Para saan yun?!"
"Ikaw! Ilang taon tayong magkasama, di mo manlang nabanggit na may mga kapatid ka pala!" Bulyaw ko sa kaniya.
"Haha! Under ka pala, 'lil bro!" Tawa ni Xander. Humalakhak din si Prince.
"Lul! Sabi nang hindi ko girlfriend eh! Bestfriend, bro! Bestfriend!" Paglilinaw ni Xy. He was also....blushing? Luh! Nyare dun?
"Yeah, yeah." Halos mapatawa ako ng makita kong umikot ang mata ni Xander. Ang bakla! "Hi, Xyrus' BESTFRIEND. I'm Xander Lee, older twin of his."
"Yo! I'm Prince Lee, the youngest." Ngumiti ng malapad si Prince. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.
"Keiza Reyes." I replied then gestured to Ylana and Micah. "They're my--"
"Her new besties!" Sabay nilang sabi. "I'm Ylana Salazar." Malaking ngiti ang ibinigay ni Ylana sa dalawa while standing in front of the two boys. Napaalis naman siya sa pwesto niya ng itulak siya palayo ni Micah at siya ang pumalit sa pwesto nito.
"I'm Micah Mercado. Hihi!" Pa-shy type na pagpapakilala ni Micah which nearly earned a smack on the head from me. Mga sira talaga to! Basta lalakeng gwapo eh!
Nginitian lang sila ng dalawa at tinawanan naman sila ni Xy.
"Pa-share, ah?" Pagpapaalam ni Prince bago umupo sa harap naming mga babae. Sila namang mga lalake, nasa kabilang.
We silently ate. No. I silently ate. Ang iingay kaya nitong mga kasama ko! Ang lalakas ng boses! "So Keiza." Napaangat ang tingin ko ng tawagin ako ni Xander.
"Huh?"
"Sasama ka?" He placed his chin on top of his hands while his elbows rested on the table.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Isa-isa ko silang tinignan. They all had the same expression - hopeful.
"Wait, what? Saan?" Napa-tawa si Prince at nahulog ang pagkakapatong ng baba ni Xander sa mga kamay niya. Napatampal naman ng noo sila Xy, Ylana at Micah. "Oh? Nyare sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
FantasyLoving someone from another world. A fictional character. What would you do if that someone came to life? Will you fight for you love? Let fate take over? Or simply give up?