[Keiza]
-----
"Oh? Kamusta ang Community Service?" Pangaasar ni Ylana.
I slumped down on the chair beside them, tired from all the cleaning. Nandito kami sa classroom at hinihintay ang teacher namin after lunch.
Tsk. Nagsisisi na talaga ako na ginawa ko pa yung prank sa Dean. Ghad! Hindi ko naman alam na ang parusa ay maglilinis ng gym every lunch time for a week.
Today is my third day and believe me, nakakapagod! Ikaw kayang maglinis sa lugar kung saan kasya ang limang classroom. Tapos two floors pa! Pramis! Magkaka-abs ako nito!
"Shet! Nakakapagod!" I whined na ikinatawa nila. Lahat kasi kami ay nagkumpulan dito sa gilid.
"Ayan kasi! Mission Impossible pa more!" Tawa ni Xenon.
May maganda rin namang nagawa ang paglagay ko ng mga stuffed toy na daga yung sahig ng office ni Dean. Pati na rin yung airhorn sa pader sa likod ng pinto niya na kapag binuksan yung pinto, matatamaan yun at tutunog.
He screamed like a baby! And I took it all on tape! Edi syempre, blackmail here, blackmail there, and boom! Xenon's enrolled!
Nung pinapunta ako sa office niya, sinabi niya yun sa akin. Akala ko yun lang pero ipalilinis pa palasa akin yung gym! Ako namanang binlackmail! Sasabihin daw sa parents ko kung hindi ako susunod sakanya! Leshe mga men! Buti in-enroll pa rin si Xenon.
Nagsi-ayos na kami ng upo ng pumasok si Ms. Aleah, quickly getting started with our Science class. She's our adviser and science teacher.
Wala pang kalahati ng klase ay wala na ang atensyon ko sa harap. Ugh! I hate Science! Mas mabuti pa ang Math! Equations lang!
I stared out the window, bored as hell. I felt my eyelids droop as I watched the leaves dance with the wind. Pipikit na sana ako pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Hunter sa labas. And he was staring at me.
What the--
Tumingin ako sa harap ko, ang there I saw Hunter Alvarez dozing off, head on the armchair. Shemay! Edi sino yung nakita ko?! OMG, nakakakilabot. Brrr!
Iniwas kona ang tingin ko sa labas at pinaglaruan nalang ang mga daliri ko. Alika saw my uncomfortable state and called me. "Nyare sayo?" Bulong niya habang nakataas ang isang kilay.
I opened my mouth to say something but nothing came out. I tried once again pero wala talaga. Gulat kong hinawakan ang leeg ko. W-what the hell happened to my voice?!
"Are you alright?" Alalang tanong ni Alika as she gently touched my shoulder. Napatingin na rin sa amin si Hunter.
"Oh? Bakit?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat si Alika habang naka-kunot ang noo. "Ewan ko nga eh. It seems like she doesn't have her voice."
Napakunot din ang noo ni Hunter. "Ha?" Pareho silang tumingin sa akin as if waiting for me to speak.
Binuka ko ulit ang bibig ko at sinubukang magsalita pero wala talaga. Shet! Ano toh? Little Mermaid ang peg?
"Mr. Alvarez, Ms. Flores and Ms. Reyes, what's going on back there?" Nagkatinginan kaming tatlo ng tawagin kami ni Ms. Aleah. Everyone turned to us.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
FantasyLoving someone from another world. A fictional character. What would you do if that someone came to life? Will you fight for you love? Let fate take over? Or simply give up?