♡Chapter 6♡Incident

146 43 0
                                    

A/n: Nasa mulimedia ang grupo ni Ataesa...Blade Ladies ang pangalan ng grupo nila.

-•-•-•-•-•-

Mariella POV

Agad akong umupo mula sa pagkakahiga ng ibaba ko yung tawag.

Siguro mga trenta minuto palang akong nakakatulog mula nung nangyari kanina nang biglang tumawag si Ana, nakakabulabog pramis. PRAMIS!

Padabog akong nagpunta sa closet at namili ng kulay itim na outfit at yung maskara naming tatlo, pagkatapos ay dumiretso ako sa cr para maligo.

Nang matapos akong maligo, nagsuot muna ako ng pambahay na damit dahil mamaya pa naman kami aalis 11:30 pm.

Bumaba ako sa kusina para kumain ulit, para may lakas ako mamaya. Ayoko namang magpunta doon ng walang laman ang tiyan at ayokong tawaging lampa.

Kain lang ako ng kain ng may maalala. Kanina diba nung tumawag si Ana, si Nica sabi may ginawa. Nakakapagtaka lang alam niyo kung bakit.

Si Nica kasi yung tipo na hindi umaalis ng bahay kapag 'di kami kasama ni Ana o 'di kaya kapag may ginawang kung ano, ewan ko nalang kung nagbago na siya. Tagal na kasi nun.

Napailing nalang ako sa naisip. Hay!

Kasalukuyan akong kumakain ng may marinig akong naglalakad papalapit sa akin, alam kong galing sa labas dahil amoy sigarilyo. Palapit ito ng palapit sa akin hanggang sa hawakan ako sa balikat kaya mabilis 'kong tinanggal yun at tinutok sa kanya ang kutsilyo na hawak ko.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko na si papa pala iyon. Kaya agad kong tinanggal ang kutsilyo na nakatutok sa kanya at nagpaumanhin.

"I-im sorry papa...I thought na ibang tao kaya ginanon ko...Im sorr-"pinutol ni papa ang sasabihin ko. Sabi ni mama kanina tulog si papa eh bakit gising? Binaliwa ko nalang.

"Its ok Mariella, that was nothing to me...akyat na ako ha?" Sabi niya at naglakad papuntang kwarto.

"Papa can I talk to you?"

Napahinto naman siya sa may hagdan at humarap sa akin. Narinig kong parang may binulong siya pero hindi 'ko naintindihan.

"Talk to me tommorow...Im not in a mood right now Revina." Umakyat na si papa at hindi na muling tumingin sa akin.

Napapout nalang ako at pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa matapos ako, hinugasan ko muna iyon at umakyat na sa taas.

Nagpunta ako sa library room at may isang libro ako doon kinuha kaya nag-open ang path kung saan makakapasok ako sa aking sariling secret room.

Nang makapasok ako agad ko 'ding binalik ang libro sa lalagyan kaya nagsara ulit. Dumiretso ako sa may computer at binuksan ito at tinignan kung may update na tungkol sa Pole Park.

Pag-open ko sa site nila, oo nga may update na kaya pala tumawag si Ana kanina. Tinignan ko yung mga picture nung lugar, ang ganda na. Di ko inakalang ganito yun, last week kasi nung huli namin punta dito eh.

Nagpunta ako sa isang computer dahil may notification na lumabas at ng buksan ko iyon.

[Dominica dela Fuente is now hacking an account of a student from Clairestian Academy.]

Nagulat naman ako at biglang napangiti ng bahagya. Tss indenial pa si Nica eh halata namang curious din siya about sa Clairestian Academy.

Oy baka nagtataka kayo ha. Itong secret room ko ay alam din nila Nica at Ana.

The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon