A/n: Paramdam naman po yung mga nagbabasa nitong walang kwentang storyang to, CHOS! Sige na para alam ko kung may nagbabasa ba nito.
Author's PoV
Habang nag-uusap sila Kristoff at Nica sa loob ng bahay na nasa Academy ay mula sa malayo, makikita ang isang dosenang nakapaligid sa buong bahay.
Walang nakakakilala kung sino sila dahil sa mga takip nito sa mata na siyang nagsisilbing harang para hindi makita ang kanilang nga mukha.
"Hayaan niyo. Habang tumatagal kayong tatlo dito... Ganon naman kahirap ang mararanasan niyo sa mga kamay ko." Sabi ni Miss C at tumawa na parang demonyo.
"Miss C, sa tingin mo ba hindi nila mahahalata ang lahat?" Napatingin ang babaeng si Miss C sa isa sa mga babaeng kasama niya.
Ngumisi ito at sinabing. "Hindi man niya ako pinatay noon...pero sisiguraduhin kong kasama siya sa paghihiganti ko ngayon." Malayo ang isinagot niya sa tanong nung babae kaya napakunot nalang ang noo nito.
Kristiana PoV
"Grabe talaga 'tong dalawang 'to...hello oras ng klase pero nagdadate sila, grabe." Sabi ko sa katabi ko na ngayon ay nagcecellphone habang tumatawa ang baliw na si Ella.
Mula kasi nung nangyari kanina ay dinismissed na kami ng teacher namin dahil pinatawag sila, may biglaang daw meeting ang lahat dahil sa hindi malamang kadahilanan.
Hay ewan bakit ba ako mangingialam doon.
"Inggit ka? Halika magdate din tayo."Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Blince, kanina pa ba 'tong lalaking 'to nandito? Akala ko umalis na sila, naiwan palang yung mongoloid, hay kawawang mongoloid na Blince.
"Ba't 'di ka magdate mag-isa?" Tanong ko na pataray bago tumayo at hinila si Ella, nagugutom na kasi ako eh.
Yeah alam ko kakakain ko lang, first subject palang nagugutom na agad ako. Ano pa kaya kung last subject.
"Hay." Buntong hinga ko. Nasaan na kaya si Nica at Kristoff? Sana naging maayos ang date nila.(insert super happy demonic laugh.)
"Hoy bakit ka bumubuntong hininga? Gusto mong itulak kita diyan sa katabi mo?" Si Ella 'yan halata naman eh.
Hanggang ngayon ba naman ay sinusundan ako ng lalaking 'to. Bakit ba kasi ang ganda ko, yan tuloy pati mongoloid napaibig ko. Har har.
"Lumayo ka nga sakin, baka hindi kita matansya at may magawa akong hindi maganda sayo." Pagbabanta ko.
"Nakikita mo ba ang suot ko? Hahahahahah hindi mo ko pwedeng galawin hangga't suot ko 'to."
Huh! Hanggat suot pala ah, yari ka sakin kapag hindi mo suot ang uniformeng yan.(insert evil laugh.)
"Ana bilisan mo baka maubusan ka ng pagkain!" Sigaw naman ni Ella na nasa pintuan ng cafetera. Sige sigaw mo pa Ella para malaman nila na may pg kang kaibigan!
Sumimangot nalang ako at iniwan si Blince mag-isa doon. Tumakbo naman ako papuntang bilihan ng pagkain at naghanap ng mauupuan.
"Grabe no? Akala mo kung sino, pati head ng student administration nilalandi...ibang klase."
"Hindi lang yun, hinila pa daw siya ni Kristoff kung saan at biglang nawala ng parang bula. Saan kaya sila nagpunta?"
![](https://img.wattpad.com/cover/88965282-288-k923458.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update)
ActionTatlong babae. "Theres nothing wrong with you. Its just... I can't trust you the way I do."- Dominica Dela Fuente. "I admit that I am too numb to feel you, but you're so stupid for not showing any affection."- Kristiana Irish Dominguez. "Yes I'm har...