A/n: Carlos Johniel on multimedia, nabangit siya sa chapter 13 diba yung sa PoV ni Nica, other cast yuhoo. Ano kaya papel ni Carlos sa buhay nila? Well abang nalang. And I just want to remind you...I use Authors PoV kapag nagsasalita si Kristoff, Kurt at Drey o ang ibang characters, dahil gusto ko sana na PoV lang ng tatlong babae ang nandito kasi baka kapag lalaki na ang nag-pov baka maubos yung english ko na na nakatabi sa baul😂 if you know what mean. Pero pinag-iisipan ko pa kung may panlalaking PoV.Ok read na.( if you want.)-Ate Vinelle.
Mariella PoV
Nakakagulat yung nangyari kahapon kay Nica yung biglang pagbagsak niya, kasi hindi naman halata na may sakit siya dahil natural siya kung kumilos.
Simula kagabi hindi pa namin siya napupuntahan dahil sabi ni Ana na mamayang tanghali nalang namin dadalawin dahil papasok pa kami, si Nica kasi kung ano pinag-gagagawa kaya ayan nagkasakit.
Kasalukuyang naman kaming kumakain ngayon ni Ana ng agahan. Habang kumakain kami si Ana nagcellphone, pinagalitan ko na nga kanina pa pero ayaw parin tumigil tawag kasi ng tawag si Blince sa kanya.
"Ewan ko sayo mongoloid ka...hyp ka pa." Sabi ni Ana sa kausap niya. Nakaloudspeak yung pag-uusap nila kaya naririnig ko.
(Hayop ako?...aba sa gwapo kong 'to tatawagin mo akong hayop?)
Ang hangin ni Blince...sana sa sobrang lakas ng hangin niya, sana ilipad siya papuntang north pole nakakabwisit eh.
"Hyp ka, hindi hayop. Bobo...palibhasa 'di alam yung hyp ka." Inis na sabi naman ni Ana.
(So ano yung hayop ka?)
"Hindi nga 'yon hayop ka! Kundi hyp ka...it means hyp-er ka...hyper! Parang pinaikli lang 'di mo na agad alam. Bobo." Pagkatapos niyang sabihin yun binaba na niya agad ang tawag at pinatay ang cellphone.
"Actual hayop ka dapat ang sasabihin ko sa kanya eh, pero mas ok na rin yung hyp ka atlis 'di halata diba?"
Tumango-tango nalang ako sa mga pinagsasabi ni Ana, minsan may pagkamongoloid din 'tong babaeng 'to eh...kung ano-ano kasi ang pinagsasabi.
Nang matapos kaming kumain at maligo napagpasyahan na namin ni Ana na pumasok sa unang subject.
Habang naglalakad naisip ko na sana hindi malaman ni Nica na nililigawan ako ni Drey, naku yari ako doon baka buhusan niya ako ng kumukulong mainit na tubig o di kaya ibitin patiwarik. Nakakatakot pa naman yun magalit parang papatay.
"Aray." Napa-aray ako ng bumangga ako sa likod ni Ana. Umistop kasi siya sa paglalakad kaya nauntog ako.
"Bakit ka ba umistop?!" Pagalit kong sabi.
"May tumatawag sayong lalaki doon oh." Pagtingin ko, pssh kala ko si Drey. Aalis na sana ulit kami nang tawagin ako nung lalaki.
"Revina!" Sigaw nito kaya sinabi ko muna kay Ana na mauna na at susunod nalang ako, mabilis naman siyang sumunod sa utos ko.
Lumapit ako doon sa lalaking tumawag sa akin, kaporma niya yung mga student administration na nandito sa Academy kasi naka black siya and may scarf na itim na nakalaylay mula sa bulsa. Mukhang gangster na ewan.
"Pinapatawag ka ni Drey." Naglakad siya kaya sinabayan ko, ngayon ko lang napansin na parang wala kami sa Academy, dahil ang dami kong nakikita na puno na matataas. Ang layo na ata ng nalakad namin.
"Im Gunner...Gunner Ventroxal, one of the student administration in this Academy...nice to finally meet you." Pagpapakilala niya habang naglalakad kami tumango naman ako. Hindi na ako magpapakilala sa kanya kilala naman na niya ata ako eh.
BINABASA MO ANG
The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update)
AksiTatlong babae. "Theres nothing wrong with you. Its just... I can't trust you the way I do."- Dominica Dela Fuente. "I admit that I am too numb to feel you, but you're so stupid for not showing any affection."- Kristiana Irish Dominguez. "Yes I'm har...