A/n: other cast on multimedia, bts♥ ! BTS and EXO ay kasali dito sa story kaya lang pili lang ang sa exo. Sige basa na.
Dominica POV
"I-ikaw ang na-nag-iisang a-anak ni Mr. de -dela Fuente?" Utal niyang tanong, kaya tumango lang ako. Gulat na gulat naman itong humingi ng paumanhin. "Pasensya na miss Ki-- Dominica." Sabay bow niya sa akin.
Halatang gulat na gulat at kunot noo ang mga kaklase ko pero hindi ko na yun pinansin bagkus ay umupo malapit sa upuan nila Ella.
Nagsimula na ang klase pero parang gulong gulo parin si Mam De Guzman, pautal utal nga kung magsalita eh at minsan ay napapatingin siya sa akin.
Kasalukuyang ganon ang atmosphere ng biglang marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang apat na lalaki. Isa doon yung nadaganan ni Ana kahapon na si Ince at ngayon ko lang narecognize ang mukha nung tatlo.
Si Ince, si Lius at si Lian, sila yung lalaking nasa likod namin nung nasa Pole part ah, ba't sila nandito?
"Sorry were late Mrs. De Guzman, may ginawa lang kami sa-" pinutol ni Ma'am ang sasabihin ni Lius at lumapit siya doon sa anim.
"Dominica, Kristiana, and Mariella this is Xylius Clifford, Blince Ronfalte, Willian Frodlin, and Reiden Roufford...one of the student administration of this Academy." Xylius? Blince? Willian? Eh ano yung Lius , Lian at Ince screen name lang nila sa Pole Park? Baka nga...kasi kung kami kilala kami doon bilang Mintiariel Ladies baka sila doon sila kilala sa pangalang yun.
"We already know them...you dont need to introduce them one by one, ma'am." Sagot ni Ana bago ngitian si ma'am.
Kaya gulong-gulo naman ang expression ni ma'am na parang nagtatanong na paano pero 'di na siya nagsalita. Umupo na yung apat na lalaki sa likod na kapantay lang namin.
"Hi." Nakangising bati ni Blince kay Ana pero inirapan lang ni Ana ito, yan tama yan Ana.
Lumipas ang mga oras, apat na subject ang lumipas at tumunog ang bell kaya inayos na namin ang mga gamit at lumabas ng room ngunit bago pa kami makalabas ay humarang si Xylius at yung tatlong kasamahan niya. Kaming pito nalang ang nandito dahil lumabas na ang iba naming mga kaklase.
"Hi Mintiariel Ladies." Bati sa amin ni Xylius na nakangiti. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinabig sila ngunit malakas siya kaya parang hinawakan ko lang siya.
"What do you want?" Tanong ko, napangiti naman si Xylius at lumapit ng bahagya sa akin.
"A lunch, treat ko." Di pa ako nakakasagot sa sinabi niya ng magsalita si Ana. "Ok...sa Cafeteria." Masayang sabi niya sabay lakad ng mabilis palayo sa amin, tss kahit kailan talaga mukhang pagkain. Nakita ko naman na sinundan ni Blince si Ana, kaya napailing nalang ako.
"So...?" Tanong ni Xylius pero hindi nalang siya sinagot at naglakad papuntang cafeteria. Ramdam ko naman na sumusunod sila kaya hinayaan ko nalang. Bawat estudyante na nadadaanan namin ay napapatigil at biglang nagbubulungan, mga tsismosa talaga bwisit.
Hanggang makarating kami sa Cafeteria ay ganon parin ang reaksyon nang mga estudyante, 'di ko nalang pinansin at dumiretso sa kinaroroonan ni Ana na katapat si Blince at umupo.
"Anong gusto niyo?" Tanong ni Xylius sa amin, umupo naman si Willian at Reiden sa tapat namin bali sa kabilang side kaming tatlo at silang apat naman sa kabilang side.
"Anything." Yun nalang ang naisagot ko pero sumabat si Ana. "I want spaggetti, ice cream and...chicken." Sabi niya at tumango tango pa, kahit kailan basta pagkain hinding-hindi niya talaga aatras. Napatawa naman si Xylius at sinabing ok bago umalis.
BINABASA MO ANG
The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update)
ActionTatlong babae. "Theres nothing wrong with you. Its just... I can't trust you the way I do."- Dominica Dela Fuente. "I admit that I am too numb to feel you, but you're so stupid for not showing any affection."- Kristiana Irish Dominguez. "Yes I'm har...